Mga Manhid!

Habang nagluluksa ang buong Hongkong at Pilipinas dahil sa nakakalungkot na pangyayari noong isang gabi, eto naman ang ginawa ng ibang kapulisan at kababayan natin. Napaka-manhid ng mga taong ‘to!

@#$%^&&*!!!

Paano nyo nagawang ngumiti habang nagpapa-piktyur sa isang lugar na namatayan ng 9 katao! Hindi man lang ba kayo kinilabutan? Walang masama ang kumuha ng litrato, pero yung mag-pose pa kayo dun sa crime scene (at naka NGITI pa ha) – kawalan naman yun ng puso,  at respeto sa mga namatayan! At ipo-post pa sa Facebook account nyo?! Napaka-insensitibo nyo naman!

Hindi ko tuloy masisisi ang mga Chinese/HK nationals na kamuhian tayo, dahil na rin sa ibang kababayan natin na hindi man lang marunong mag isip!

Syet! Nahahayblad ako! Indayyyyy, penge nga ng tubigggggg!

5  2 31 4