Sabado Night

Kung hindi ako nagkakamali, ang huling el bimbo gimik ko yata ay kami ang magkakasama nina Moo at ng pamangkin kong si Tweetums noong nakaraang April pa. Nyeta! Tagal na talaga nun ha! Hays…wala kasing ka layp-layp ang mga gabi dito sa probinsya.

Habang kasalukuyan yata ang karamihan ng mga tao sa Pinas ay natataranta kung papano wawaldasin sa mga malls ang mga natanggap nilang bonus at 13th month pay, at habang ang iba rin ay mga nasa gimikan dahil sabado night nga at para magpakasasa sa mga sweldo nila, at dahil walang ganung mga privileges/bonuses si Mamaru, kaming mag-iina ay nakuntento nag sabado night sa bahay lang at nanood ng DVD.

Hindi na ako nagluto ng hapunan kagabi. Para naman makapagpahinga ang mga kamay ko sa pagluluto at paghuhugas ng pinggan, nagpa take-out na lang ako kay Kevin ng walang kamatayan at hindi yata pinagsasawaang chickenjoy ng Jabi!

Unang DVD na pinanood namin (ulit) ay ang ITALIAN JOB, hindi pa daw kasi napapanood ni Keziah. Kakaiba ang bonding moment namin kagabi ng mga junakis ko kasi suspense thriller ang sumunod na DVD na isinalang namin. Pucha! Kauumpisa pa lang ng movie ay nagsisiksikan na kaming tatlo sa sofa.

Yung pwesto namin? Bale ako yung naka-yellow sa drawing. Si Keziah, naka-pink at si Kevin yung blue. Gusto ko sana nasa gitna ako kaso ayaw pumayag ni Keziah…ayaw daw nya sa gilid kasi natatakot din. Wahihi! Pinatay namin ang ilaw at krismas lites lang ang iniwang naka-ON.

Hindi ako mahilig sa mga horror o suspense thriller na movies. I am more into chick flicks. Yung mga lab story. :D Kaso hindi pa raw napanood ng mga bata ang WHAT LIES BENEATH kaya sige kako, panoorin natin.

Kung sino man ang nakapanood WHAT LIES BENEATH sa inyo, sows! wag kayong plastik ha, umamin kayong nagulat din kayo sa mga eksena ng pelikulang to! Baka nga umurong din mga betlogs nyo sa sobrang suspense.

As usual, hindi ko natitigan ang mga eksena. Iniharang ko sa ulo ko ang Christmas tree na nasa tabi ko habang nanonood para hindi ako masyado magulat. Hehe! Ay naku, dehins na talaga ako nahiya sa mga bagets ko sa porma ko. Todo-volume pa ang sound namin kaya talagang lafftrip ang mga tsura namin habang nasususpense. Kami-kaming tatlo rin ang nagtatakutan at naggugulatan!

Yung bagets kong lalaki, kunyari hindi natatakot. Pa-astig pa kunyari. Pero pag tinatanong ko naman kung ano na ang nangyari dun sa mga eksenang napapapikit kami….eh di rin nya alam. Yun pala eh napapapikit din pala ang kolokoy. Wahaha!

Napanood ko na ang movie na ‘to sa loob ng sinehan noon at inaaamin kong hindi ko naintindihan ang storya dahil hindi ko makakalimutan na nakapikit yata ang mga mata ko for most of the time, nakasiksik at nakataas ang mga paa sa upuan. Taena! Nagsayang lang talaga ako ng pera noon!

After watching WHAT LIES BENEATH kagabi, sunod na pinanood namin (ulit) ang TRANSFORMERS para pampawala ng nerbyos kuno.

Ayun! Naka-tatlong LUMANG pelikula din kami bago natulog. Eto ang naging damage ng SABADO NIGHT namin:

Total Jollibee receipt……………………P271.00
1 liter Coke ………………………………        22.00
Happiness/enjoyment…………………Priceless

Salamat ulit sa DVD sponsor namin… courtesy of DEFPOTEC.