Tag Archive for flip-flop

Ang Salarin

Ganda ng gising ko kaninang umaga. Maganda ang panahon. Duda ko, nauna pa yata ako nagising kesa kay Papa Jesas sa sobrang aga. Hehehe! Mga 4am ako dumilat kanina at ang unang sinilip ko bago nagbanyo ay ang katabi kong netbook… tsinek ko kung tapos na ang torrent download ko ng movie na “He’s Just Not That Into You”. Hmmmn, tapos na. Yey! May panonoorin na naman ako mamaya.

Mas lalong pinaganda ang morning ko ng almusal kong ‘to:

Daing Na Bangus

Daing na bangus, pritong talong at kamatis.

Wala sa kodak ang kaning-lamig na sinangag with sandamakmak na bawang.

Ayos na ayos na sana ang umaga ko nang biglang namataan ko ang almost 2-years old kong pink flip-flop.

Read more