Sew Happy 10: (DIY: Kitchen Linens)

Dati bumibili pa ako ng commercial kitchen towels para gamitin pamunas ng kamay, ng mga pinggan at para sa kung anik-anik pa. Hindi naman mamahalin ‘tong ang mga binibili ko pero lumalaki na kasi ang pamilya ko ngayon. Eh kelangan magtipid-tipid na naman si Mamaru.

kitchen towels Nadagdagan ang mga pinapakain at inaalagaan ko mula noong pinanganak ni Sang ang pitong tuta na ngayon ay lumalaking makukulit na. At hindi birong gastos yun ha! Kaya naman diska-diskarte muna sa pag-manage ng gastusin ngayon.

Isa ‘to  sa naiisip kong paraan para mas makatipid. Nag DIY kitchen linens na lang akey.

kitchen linens-004

Go ako last week sa Julie’s Bakeshop at bumili ako ng mga empty flour sacks.

They sell 1 dozen of empty flour sacks for P75.00 only.flour sackAng ginawa ko, binabad ko ang mga sako sa tubig na may sabon at chlorine overnight. Kinabukasan, nilabhan, binanlawan ko ng maigi, sinampay at pinatuyo.

‘Tas tinastas ko ang mga tahi. Ginupit-gupit at pinalantsa.

kitchen linens Pinaghiwalay ang side ng sako na may imprinta . . .

12 pieces hand towels . . . sa wala.

24 pieces dish towels

Sa isang dosenang sako ng arina, nakagawa ako ng 24 pieces of plain dish towels at 12 pieces of printed hand towels. Lahat-lahat sa halagang sibinti payb petot! Bungga!

Yung ibang dish towels inartehan ko simpleng disenyo lang naman sa pamamagitan ng pinakamamahal kong kulay pink na Brother sewing machine.

kitchen linens-003

Sa dami ng nagawa ko….malamang after 48 years pa ulit ako bibili ng mga pamunas sa kusina.

 

 

oOo

“Buti pa sila maganda ang lovelife, ako maganda lang.”