Sunday’s Muni-Muni

Nami-miss ko na ang friendlalu kong si Moo aka DEFPOTEC.

Nami-miss din kaya ako ng chekwa na yun?Day dreaming Matagal ng nakatingga ang blog ni Moo. Bisi-bisihan na kasi sha sa shuta nya kaya di na makapag-blog. Maalala ko, mahilig mamigay ng regalo ‘tong si Moo noon. Abah siempre, galante sya sa mga special friends na kagaya ko lang. Naks! (Shhh! Ako lang ang maysabi na special ako.)

Kahit sa dati nyang gimik na Blogroll Award dun sa site nya, kung mapapansin nyo, ako lang ang binigyan nya ng special trophy (number 7) na ang design ay punong-puno ng aral, kapaki-pakinabang at malaki DAW ang maitutulong sa akin in case of emergency. Lol!

Heniweys, isa sa mga pinakagusto kong bigay sa akin noon ni Moo as token ng friendship namin ay ang 5 books of Francis J. Kong. Personal nyang inabot sa akin ‘to. (Apat lang na libro ang nasa picture kasi yung isa ay hindi pa isinasauli ng niece kong si Tweetums.)

Francis J. Kong Books2

Mula ng mabasa ko ang mga books na ‘to… naging tagahanga na ako ni Francis Kong. Kaya naman kahit dun sa blog ni Mr. Kong ay naka-subscribe din ako. Ang sarap kasi basahin ng books at ng inspirational blog nya. Gusto ko sya kasi magaan basahin sa mata (natural, mata! nagbabasa ba ang ilong?) ang style ng pagsulat nya.

Continue reading

Macho Nga Pero Manhid Naman

“Boys don’t cry.” Yan ang kadalasan sabihin in english ng mga parents na conyo sa mga bagets nilang lalaki na mga conyo din siempre.

Pero sa mga magulang na jologs,.. “hoisst! wag ka ngang iiyak-iyak diyan! Kalalaki mong tao iyakin ka!” Yan naman ang sigaw nila in tagalog sa mga anak nilang jologs din.

Sabi nila, mga bading o binabae lang daw na lalaki ang umiiyak. Asows!!!

Bakit ko ba nabanggit ang tungkol sa pag iyak ng isang lalaki. Eh kasi baliktad ako, mas humahanga ako sa lalaking keverless kung umiyak. (Wag lang yung ngumangawa kung umiyak with matching papadyak-padyak ng paa. Pucha! Ibang usapan na yun.)

Nakakabilib ang lalaking hindi nahihiya ipakita yung feminine side nila. Yung hindi shy ipakita din ang  pagiging sensitive nila lalo na pag nasasaktan na. Sabihin mo ng sign ang pag iyak ng pagiging mahina…eweno naman ngayon? Tao lang naman tayo at lahat ay may kahinaan, di ba?  Para sa akin, pagpapakumbaba yun. Isang pag amin na isa ka lang mortal at hindi ka isang Jos.

O sya, sige kunyari si Superman ka na. Pero kahit naman si Superman may kryptonite din na nagpapahina di ba? Maalala ko, kay Iron Man meron ba?

Continue reading