Rice In A Bowl

Japanese Fried Rice para sa unico hijo kong minsan ay daig pa ang buntis kung paglihian ang Chao Fan ng  Chowking.

image

Japanese Fried Rice ang tawag nila dito sa sinangag na ‘to kasi japanese rice yata ang bigas na gamit dito.

Howel, Sinandomeng ang bigas namin dito sa bahay. Wala kaming japanese rice. Eh alangan naman Sinandomeng Fried Rice ang itawag ko dito. Parang ang chaka kasi di ba…sinandomeng. Napaka-waley ng tunog.

Kaya makiki-Japanese Fried Rice na lang muna ako kunyari dito sa sinangag na niluto ko pang almusal namin kanina.

image

Alam nyo ba kung ano ang pinartner ko dito kanina sa sinangag na ‘to?  Isdang tuyooooo!

Yes, tuyo na tig-limang piso ang pakete binili sa Kanto Sira-sira Store!

Sino may sabi na kaming mayayaman ay hindi marunong kumain ng tuyo? Hindi po totoo yan! Tsismis lang yan! Charoooot!

wpid-DSC_0189.jpg

JAPANESE FRIED RICE

Makes 4.

Heat 1/4 cup butter or margarine with 1 tablespoon oil in a wok or skillet. Saute 1/3 cup chopped onions and 1 tablespoon minced garlic until onions are transparent. Add 1/4 cup diced carrots and 1/4 cup ground beef and stir-fry until meat is browned. Add 1/4 cup diced green bell pepper and stir-fry for a minute. Stir in 1 tablespoon Kikkoman soy sauce and 1 teaspoon sugar. Add I beaten egg. Stir-fry  with other ingredients. Add 3 cups cooked rice and blend well with the sauteed mixture. Season with salt and pepper.

Substitution: Gumamit ako ng  minced longganisa imbes ng ground beef. Nagdagdag din ako ng 1 tablespoon na oyster sauce.

Source: Asia’s In Good Taste Cookbook Magazine

 

Posted from WordPress for Android

 

oOo

“Ang tiwala parang pagkain, pwedeng maubos at pwede rin masayang lang.”