Usap 011

It feels so great talking again to old chat room friend. A friend who really knew me and showed fondness, respect to Mamaru all through the years.

Here’s a friend who really takes his time, goes out of his way just to say: "HELLO" to me every now and then.

Isa ‘to sa iilan kong mga kaibigan na nabuo sa internet…kaibigan na ni minsan ay hindi nagtago sa likod ng internet o sinamantala ang makabagong teknolohiya para makapang-loko o mambastos sa kausap nilang babae gaya ng karamihan.

Bihira akong maka-feel ng tunay na sinseridad ng isang lalaki sa net, kaya naman ang taas din ng respeto ko sa friend kong ‘to. Walang yabang sa sarili at napakatotoo. Takbuhan at sumbungan ko ‘to NOON ng mga sama ng loob ko lalo na pagdating sa lablayp ko…pero noon yun. Noon yun pag tinatamad ako pumunta ng presinto para doon magreklamo. Tehehe!

To you, Milord (he calls me Milady)…sana hindi ka magbago at sana magtagal at humaba pa ang pagkakaibigan natin.

dslasher_battousai2004: what year na si kevin? at anong course?

M A R U: computer science
M A R U: 4th year irregular

dslasher_battousai2004: oh okay…
dslasher_battousai2004: lapit na pala gumarad… what are his plans?

M A R U: di ko pa alam
M A R U: basta wait  and see na lang kami pag nagtapos sya

dslasher_battousai2004: okay… sana everything will fall into plans for you.
dslasher_battousai2004: i cant make any promises as of yet, but kung ma irefer ako works for him, i will let you know, aight.

M A R U: sure
M A R U: gusto nga rin nya mag work agad
M A R U: pero tsaka na lang yun
M A R U: ayoko sya ma pressure

dslasher_battousai2004: well, it would be great kung makapagtrabaho nga siya agad. alam mo, which am sure you do. i am truly proud of you of how you took care of your family and your kids.

M A R U: di ko nga alam gagawin ko pag nagtapos na sila
M A R U: la na ako aasikasuhin
M A R U: hhahaha

dslasher_battousai2004: i have been a silent witness to your life. and am awed by your sense of purpose and commitment. alam mo, you are a rare example of how great mom and a person can be.

M A R U: sarap naman basahin nyan
M A R U: salamat po. eh masaya ako sa ginagawa ko. di naman ako nagkamali sa desisyon ko

dslasher_battousai2004: thats how great you are, you made the right decisions, despite being said otherwise.

M A R U: weeeee

dslasher_battousai2004: anong weeee?

M A R U: wala akong masabi eh

dslasher_battousai2004: ah okay…
dslasher_battousai2004: anyway… i just wanted you to know that.

M A R U: thank u, milord

dslasher_battousai2004: that your life is being appreciated by others.
dslasher_battousai2004: and that you are being appreciated for the greatness you have become.

M A R U: naman…parang ang bongga bongga naman ng pagkatao ko nyan. hahaha

dslasher_battousai2004: you are most welcome…
dslasher_battousai2004: i hope before we all wilt and be dust, i get to meet you and your family…and be honored by their presence.

M A R U: nyahahhaha malay mo

dslasher_battousai2004: yeah… malay natin.

Pagkatapos ng chat namin kanina …may isang bagay akong napag-muni-munihan. Malapit na nga pala magtapos si unico hijo ko sa kolehiyo, ga-graduate na rin sa high school si Doter at totoo yung sagot ko na: “di ko nga alam gagawin ko pag nagtapos na sila…la na ako aasikasuhin”.

Since birth ng mga anakis ko, nakatuon na sa kanila ang mga ginagawa ko araw-araw. Iniwan ko ang trabaho ko noon sa abroad para makasama, maalagaan at matutukan sila. Pag nagtapos na sila pareho ng pag-aaral…ano na ang gagawin ko? Re-retire na rin ba ako bilang julalay ng mga anakis ko?

Paano na yung nakasanayan kong paggising sa umaga para ipaghanda sila ng almusal? Ibig ba sabihin nun eh mawawalan na rin ako ng problema gaya na lang ng  kung saan ko kukunin ang perang pambaon nila sa school araw-araw at pambayad sa tuition? Waaaah! Hindi ko yata kaya yun – ang mawalan ng problema! Haha!

 

oOo

"Masarap din pala ‘yung pakiramdam na importante ka." – Jodi Sta Maria, 100 Days To Heaven (2011)

Nakaraos Din

Hay salamat, nairaos din ang pasko. May lafang man o wala, may gips man o wala, pag pasko, isa lang talaga ang pinaka-importante sa lahat — ang magsama-sama ang magkapamilya at magkapuso. 

Ang makasama ko lang ang mga bagets ko…ang mapang-asar kong si Kevin at si sweetie pie Keziah noong myerkules, ayos na ako! Masaya ang pagtitipon-tipon ng angkan naming magaganda sa bahay ng ate ko. As in kakaiba ang halakhakan at tawanan namin sa sobrang pag i-enjoy.

Continue reading

Pasasalamat Mula Sa Pusss…o

Bago ang lahat (ako lang ang luma), pasasalamat muna ang gagawin ko sa araw na ‘to.

To: James Tan a.k.a. Smythballs, Koreanmine, and Roderick (wow_kalabaw) – sa walang sawang pagpo-forward sa kin ng mga SMS Jokes. Hindi lang ako ang napapangiti ng mga jokes na pinapadala nyo kundi pati na rin ang lima na sumusubaybay ng blog ko. Hanggang lima lang kasi ang nakikita kong online na nasa loob ng blog ko. 

Pero seryoso, ang dami nagppm sa akin para magpasalamat sa mga SMS jokes na galing sa inyo at pino-post ko dito lalo na yung mga OFWs na hindi nakaka-receive ng SMS galing dito sa Pilipinas. Kahit papano daw eh “updated” sila sa mga kakulitan ng pinoy sa texting. 

Continue reading

Bulok

Sa edad kong ‘to, kahit papano kilalang-kilala ko na ang sarili ko. Alam ko na ang kahinaan ko at kung saan ang kalakasan ko. Alam ko na rin ang mga gusto ko sa buhay, kung anong mga bagay-bagay ang mahalaga at magpapasaya sa akin.

Bukod sa pamilya, importante sa akin ang mga kaibigan ko. Pero kabaliktaran ang lahat nung nag aaral pa ako kung saan sandamakmak ang mga friends ko. Noon, ang mundo ko ay halos umiikot sa mga kaibigan at barkada lang. Pwede kong iwanan ang boyfriend ng dahil lang sa barkada. Andun pa na mas pinipili kong makasama ang mga barkada kesa mga kapatid at magulang ko noon. Mas loyal pa nga ako sa barkada kesa boypren.

Kumusta naman daw akong kaibigan NOON? Magbubuhat na ako ng bench ha?

Bukod sa cute akong kaibigan (lols!), alam kong gusto akong kasama ng mga barkada ko dahil marunong ako makisama at hindi mahirap pakisamahan. Masaya daw akong kasama. Hindi maarte. Hndi killjoy. Pakainin mo man ako sa karenderya ay ok lang, at kung sa mamahaling restorant naman eh MAS lang din sa akin. Lols. Hindi ako mapili. Madali akong kalabitin at ayain basta lakwatsa. Laging on da go. Game na game kumbaga.

Maaasahan ako kung kailangan lang din ng kasama o kausap. Ako ang takbuhan para gawing tenga, o taga pakinig ng mga problema. Lagi kasi akong may oras para makinig.

Hindi ko ugali ang maging pabigat sa kaibigan. Ayoko ang nasisira ako sa mga kaibigan noon. Kaya wala din akong naaalala may nakakaaway ako o nang-away sa akin.

Sa gimikan, hindi mo ko mariringgan na mag aayang umuwi kahit inaantok na. Dumidiskarte na lang ako na sisibat saglit at lalabas para umidlip sa kotse pero hindi ako mag-yayaya umuwi lalo na pag nagkakasarapan pa ang barkada sa gimik. Kahit nag-iisang babae ako sa grupo, hindi ako primadonna. Hindi ko nakasanayan ang iniistorbo ang mga boys para ihatid lang ako. Minsan umuuwi akong mag isa.

ba5101c485_good-old-days

Kabaliktaran ang lahat sa NGAYON. Kung noon ay marami akong kaibigan at ka-close, ngayon ay hindi na yata aabot sa limang daliri ko sa kamay ang maituturing kong ka-close. Hindi napipigilan ang panahon magbabago at magbabago talaga. Isa-isang nawala ang mga barkada ko. Kunsabagay, ako na lang din yata ang walang asawa.

Kumusta naman ako bilang kaibigan – NGAYON? Howel, wala akong ka-kwenta-kwentang kaibigan ngayon. Kaya hindi na rin ako nagtataka kung walang nagiging loyal o close talaga sa akin. Malungkot kung sa malungkot. Iba pa rin yung may karamay ka sa mga problema mo ng mga hinaing mo yung may natatakbuhan ka sa lahat ng oras na kailangan mo ng tulong. O kaya kahit tagapakinig na lang para makagaan man lang ng dibdib dahil hindi naman lahat ng panahon ay kayang tawanan o idaan sa tawa ang problema.

Wala naman ako dapat sisihin, marami din akong pagkukulang bilang kaibigan. Marami akong mga pangako na hindi natupad na ikinasira ko sa mga kaibigan. Kaya nga BULOK akong kaibigan. Sarili ko na rin ang sinisisi ko pero may kasabihan nga na may katumbas na rason at dahilan ang lahat ng bagay-bagay.

May mga rason ako kung bakit hindi ko natutupad ang mga pangako ko, kung bakit wala akong kwenta. Hindi na lang ako nag aaksaya na sabihin ang mga dahilan o mag explain dahil unang una, hindi ko na iniisip na importante sa kanila ang anumang rason meron ako. Basta ang iniisip ko na lang ay unahin kung ano ang mas importante. Hindi ako nakokonsensya dahil sinisigurado ko rin na hindi pansarili ko lang ang mga dahilan.

Ganun pa man, eh tuloy pa rin ang buhay para sa akin. Hindi ako nag aalala na walang kaibigan na makikipaglamay sa akin pag natigok ako dahil magpapa-CREMATE ako noh! Siempre, shushal ako eh! Bleh!

Si Brokenman

Sa WordPress-Pinoys, marami naman siguro nakakakilala kay Brokenman. Si Lex aka Brokenman, sya yung may sakit na Leukemia na hanggang ngayon ay nagpapagamot at nagpapagaling. Kung nasubaybayan mo ang wento niya, kakaloka ang pakikipag bunong-braso nya sa sakit nya. Ayoko maawa kay Lex dahil alam ko na hindi naman nya kailangan yung awa galing sa akin. Bukod sa prayers, siguro naman mas gugustuhin ni Lex na i-treat syang normal – yung walang karamdaman at kadramahan. 

Mas gusto ko syang hangaan kesa kaawaan. Kakabilib naman talaga sya. Juice ko po, hindi basta-basta ang pinagdadaanan ng taong to. Kahit papaano ay alam ko ang nangyayari sa kanya kasi hindi man ako nag-iiwan ng bakas sa blog nya, nababasa ko naman lagi ang mga entries nya sa blog surfer ko. 

Kahapon, kinatok nya ako sa YM ko. Nakaka-excite ang makausap ulit ang isang kaibigan. Siempre, hindi nakakawala si Lex sa pagiging malandicious ko. Ako fah!

Continue reading

Araw Ni Cabron

Importanteng araw ngayon ng idol blogger kong si Jon Cabron kasi bertdey nya. Bakit importante? Eh kasi sabi nya.

Dapat nga holiday ngayon kasi Araw Ni Cabron ng Kagitingan din kaso ginawang advance na nung lunes. Kung ako lang sana ang presidente ng Pilipinas ngayon… ipapasara ko ang EDSA dahil Araw Ni Cabron.

Continue reading

DVD, FD, Tea

Dahil bakasyon na, legal ang magpakatamad ngayon. Dedma na muna tayo sa mga suliranin sa buhay… at kung ano-anong kaguluhan sa mundo. Pa bondying-bondying na lang muna dapat tayo sa buhay.

Kami dito sa bahay, halos araw-araw kaming nanonood ng DVD ngayon dahil mahigit 100 pcs. of DVD ang pinamana sa akin ng pogi kong friendlalu na si Moo. Hanep! Ang gaganda pa naman. Pirated man sya, keber! Magagandang kopya naman lahat at ang mga lyrics subtitles nya ay tama naman dun sa sinasabi nung nagsasalita.

Nakakawindang kasi yung ibang pirated dvds, imbes na maintindihan ko yung pinapanood ko at i-enjoy yung pelikula…sumasakit ulo ko kasi iba ang nakasulat na subtitles dun sa sinasabi. Nakngpekpek!

Continue reading

Divah’s Gift

Sinubukan ko dati ang bumuo ng isang music video na gamit ang Windows Moviemaker tapos in-upload sa YouTube.

Josko pong payn apol! Hindi pala ganun lang kadali. Halos pag pagwisan ng malagkit ang mga singit ko noon bago ko natutunan at natapos lahat. Pwera pa ‘yung puyat na natamo ko na halos mahilo-hilo ako kinaumagahan ha.

Kaya noong ginawan ako ni Jojiepie ng isang music video last Christmas para ialay sa paanan ko (char!) . . . alam ko pinaglaanan nya talaga to ng sandamukal na effort na may sangkap na tiyaga at pagmamahal para sa isang kaibigan (ako yun!). O di ba, nakaka-tats!

Continue reading