Testi

Nagsinungaling ako.

Ang totoo, mami-miss ko ang Friendster na magsasara na sa May 31. Sino ba naman ang hindi makaka-miss sa naging uso noon na “testi”. Mga testimonials na punong-puno lang naman ng ka-charotan at ka-eklatan. Haha!

testi

Heto ang mangilan-ngilan sa mga “testi” sa akin noon galing sa mga may “testicles” kong mga ka-Friendster.

Current mode: Aliw!

1. Duanne May 12 2005, 08:03 AM

>>> cErtiFieD hOtcHicK <<<
"kayA aLL thE bOys Out dEr
yOu beTteR watcH Out diS girL
bEcaUsE tHis girL caN
rOcK yOur wOrLd haha"
tiLL hErE seXy sEe yAh. . . =D

**You better watch out. Better not cry. Better not pout.  I’m telling you why. Charot!

2. joseph calvin Jun 18 2005, 08:17 AM

to someone who is very mysteriuos……..
always take care………

**Pa-epek ko lang yan! Ang magpa-mysteriUOs.

3. John Aug 16 2005, 02:16 PM

Deep woman — Sexy picture.
Home to get to know you and hear from you very soon have a nice day —
and keep on being so sexy!

**Home to know you as well. Home sweet home!

4. owyeahhh Aug 26 2005, 06:37 AM

But friendship is precious, not only in the shade, but in the sunshine of life; and thanks to a benevolent arrangement of things, the greater part of life is sunshine.
see yahh… ms sexy 🙂

**Syet! Anong sinabi ng Ocean Deep sa lalim ng message?!

5. jyetti Nov 19 2005, 08:20 PM

makes us go hot nd hwny……. she can make men become her slaves

**(Maru – may hawak-hawak na LATIGO habang binabasa ang testi.)

6. POLDO May 15 2006, 10:31 AM

Hi. Ms. maruja.
actually di ko sya kilala personally..
kahet nakilala ko sya as ganun.
nakita ko naman sa kanya ang kabaitan nya.
i like her as my ka friendster
and i love her BLOG napaka inspiring at
malapet sa PUSO….
thank you for adding me here.
i hope na maging ok ka always…
and be happy.
take care always at sa iyong mga children…
Happy Mother’s DAY

**Me ganun? Anong ganun? Wag naman ganun. Hindi naman kita ginaganun. Tapos gaganunin mo ko? Sana wag tayo mag-ganunan.

7. Vincent I Jul 15 2006, 07:13 AM

C ms. maruja dati ko pa ina-admire! una ko pa lng naka usap sa chat at nakita sa webcam.sobra me natulala at natahimik sa kinauupuan ko sa office. 100%
—-C-E-R-T-I-F-I-E-D—-hot chick!

and now, nalaman ko sa testimonials na 100% real and good mommy for her children..
sana makilala pa kita ng lubusan maruja!!
thanks po uli…til next testi po….c",)

**Hmnn..natulala? Akala siguro, isa akong bakla. Oist! 100% chick ako noh at 100%  certified HALAL pa! Lol! Parang beef burger lang ako – 100% real. Chos! 

8. cali Jan 30 2007, 08:01 AM

c maru tagal ko ng nakilala sa chat yan.. grabeh sarap kasma sa chat walang ka boring boring kadalasan wala ng kainan basta busog ang mata nyahaha joke :p di very friendly tong c mamaru hay nakew maru wala akong masabi hehehe basta wag ka lang mamaru hirap gumawa ng testi erase mo na lang 😀

** Onga! Halata naman, wala kang masabi. (Nahilo)

9. nE!L Feb 15 2007, 02:31 PM

maru?
shes malufet.. maganda sexy!! wala ka nang mahanap pah!!>. grabe talagah yan!! at mabait… pag sa chat… d ko pa siya na meet peru i think im in luv nah… cge ingat nlng maru… miss u soo much….

** Grabe talagaH ha!

10. Chester Feb 18 2007, 05:30 PM

Maru Maru Maru… she’s awesome girl!!! flawless at nice. Hope u still remember me. Mizz yah maru medyo bz na sa work kaya e2 d na rin ol. just take care. mwah tsup…..:D thanks 

** Mwah na! Tsup pa! San ka pa!

11. arthur Apr 10 2007, 04:05 PM

hi maruja..you are one wonderful gurl.. how i wish i will be able to meet you..
M – Magnificent woman i long to meet
A – Angelic yet devilish in love
R – Ravishing beauty beyond compare..
U – Unparalled by anyone on earth
J – Joy to behold when you see her..
A – Athena of my fantasy
that’s you maruja.. take care my love..

** You had me at “ravishing beauty beyond compare”. (Tumambling!)

12. Paolo Apr 28 2007, 03:56 PM

Hi Miss Maruja,
Sa pics pa lang napakasexy na.. Siguro sa personal talaga sexy ito.

** O ha! Marami talaga akong nauto ha!

13. Aristotle May 26 2007, 10:28 AM

hi maruja, thanks for adding me ha! i know i’ll be in the company of someone who see’s life as a game, a play. yet, inspite of that outlook yuo have that quality of being a true person, you have that creative side that draws other people, either by mysticism, poetry, charm, fun or simply foolishness. I’m glad that i have found you! you are a symbol of life…. ha ha ha!

**Hanudaw? (Blag! Hinimatay.)

14. Bay Garden Sep 05 2007, 03:06 AM

Thank you very much for adding me. Sorry I am not well versed with the various beautiful and animated testi I see with others. Anyway a heartfelt thanks for your friendly gesture. I am sincerely offering any form of assistance with my professional background in sales, marketing, legal, etc. Basta kaya ko, just email me asap sa webbiz_ph@yahoo.com. Madami akong alam gawin at lakarin!

** Nenerbyos ako. Akala ko noon bebentahan ako ng memorial plan at sa dami nyang alam gawin, kulang na lang sabihin na hitman for hire din sha.

15. A?? -jc-sfxlx07 Oct 24 2008, 09:39 AM

Mucha’s graciA’s sexy maMaru”’ this girl represents the passion of a real woman… in this world no else can take you away if u truely love this person! maruja is a very passionate woman simple, but erresistable… & you can count on always… kind, sweet, understanding… if you guy’s give her a head pls step back ok!… coz she’s very… intimate woman ehhehe… keep safe Always… james hir… mwahhhhhhhh hope you like this song…

** ”…if you guy’s give her a head pls step back ok!…” <— mamatay man, nalukring ako dito.

16. A?? -jc-sfxlx07 Dec 05 2008, 09:44 AM

I LOVE YOURE PICTURES… LUK GREAT… KEEP SAFE… JAMES HIR

** “…luk great, keep safe, …”, in fairness parang nag-rhyme naman.

oOo

"No speak, because the people have speaken!" – Vic Sotto, Pak! Pak! My Dr. Kwak! (2011)

Goodbye Friendster

friendster Kasalukuyan nagpapatuloy pa rin ako sa pagliligpit ng mga ka-ek ekan at ka-shitan ko noon sa Friendster. Mga priceless antique pics at mga blog post ko lang naman ang mga hinahakot ko. Yung iba eh iniwan ko na dun pati na yung mga testi na puro ka-charotan lang naman.

Bangkarote na ang Friendster dahil sa kabaduyan nila. Haha! Kaya magsasara na sila. Hindi kinaya ng powers nila ang pakikipag-kompetensya ng Facebook.

Sus, kung alam lang sana ng mga developer/creator ng Friendster na ang sekreto ng tagumpay Facebook eh di sana patuloy ang pamamayagpag pa rin nila ngayon. Sana tinanong nila ako! At sa tamang halaga *wink* – ay hindi ako magpapakipot na sabihin sa kanila ang anting-anting ng Facebook.

Alam nyo ba kung ano at sekreto/anting-anting sa success ng Facebook?

Ok, eto sasabihin ko sa inyo dehel mehel ne mehel ke keye.

Yun ay ang LIKE button ng Facebook.

Ha? Bakit at paano? Wala! Dahil sinabi ko lang! Haha! Wag nyo na akong pansinin. Sabi ko lang yan. Charot lang! Pero konting seryoso ha, maniwala ka, baka hindi mo lang siguro masyado pinapansin o pinag-iisipan ng mabuti ang halaga at impact ng LIKE button na yan sa Facebook, pero napakalaki ng kontribusyon nyan sa tagumpay ng Facebook. Kung paano, eh sensya na at hindi  masyado maipaliwanag ng mala-Einstein kong isip sa inyo. Chos! 

Heniways, sorry na lang Friendster, hindi kita mami-miss. Blog lang talaga ang habol ko sa ‘yo noon. Pero tenkyu na rin at babush!

Speaking of Friendster blog, here’s something na pinulot ko lang mula sa saradong Friendster blog ko na kung saan ay pinulot ko lang din ang chuva na ‘to mula sa somewhere. Resulta ng pagiging basurera ko lang naman ang halos laman ng blog ko dun sa Prenster.  Hehe!

Reasons Why Women Find It Hard To Find The Man Of Their Dreams

1. The nice men are ugly.
2. The handsome men are not nice.
3. The handsome and nice men are gay.
4. The handsome, nice and heterosexual men are married.
5. The men who are not so handsome, but are nice men, have no money.
6. The men who are not so handsome, but are nice men with money think we are only after their money.
7. The handsome men without money are after our money.
8. The handsome men, who are not so nice and somewhat heterosexual, don’t think we are beautiful enough.
9. The men who think we are beautiful, that are heterosexual, somewhat nice and have money, are cowards.
10. The men who are somewhat handsome, somewhat nice and have some money and thank God are heterosexual, are shy and NEVER MAKE THE FIRST MOVE!!!!
11. The men who never make the first move, automatically lose
interest in us when we take the initiative.

NOW, WHO THE HELL UNDERSTANDS MEN?

– posted by maruja on May 29, 2006.

 

oOo

"Men are like a fine wine. They all start out like grapes, and it’s our job to stomp on them and keep them in the dark until they mature into something you’d like to have dinner with."

friendster or foe

medyo matagal ko ng hindi nasisilip Friendster ko. check-mode ako kani-kanina lang kung may mga kagila-gilalas o nakaka-gulantang na pagbabago sa account ko.

nakngfefe, dami ko na pala “fans” waiting in line na gusto magpa-add. Eh kumusta naman kaya sila? daming bagets! inisa-isa ko sinilip ang profile ng mga nagpapa-add. hmmmn…. teka funny ‘tong iba, mai-blog nga.

  • About Me: Im 15 YeArS oLd I LiVe aT 475 pnr compound caloocan city. mY hObBiEs ArE, WaCtHiNg MoViEs, PlAyInG bAdMiNtOn, VoLlEy BaLl, TeNnIs, JaMmInG tO oThErS, & mOrE.mY fAvOrItE aRe, SuSpEnCe MoViE, hOrRoR, cRaZy, FuNnY,& mOrE. mY fAvOrItE bOoK iS hArRy PoTtEr.My fAvOrItE t.V. sHoW iS GMA7 lAnG dAhIl BlOoDeD aKo PaG kApUsO……………Im HaNdSoMe PeRsOn CuTe LaNg aKo Sa PeRsOn. —– ( ako rin blooded na rin ako sa ‘yo. sa tagalog… duduguin ako sa ‘yo!!!! $%@#*% amftt!)

  • Who I Want to Meet:I want to meet people who are interested with me but it depends on me if I would like to meet him or her!!!!!!!!!! —– (abah! galeet! feeling high and mighty naman isang ‘to.)

  • About Me: i’m a simple man who like to make friend’s to everyone. but sometimes i fell so lonely. but it doesn’t matter ’cause i believe that smoeday i will find someone who understand me. —–( itulak kaya kita ng ma-fell mo ang poot ko?!!!)

  • Who I Want to Meet: everyone, as long as they can except me just the way i am —– (sure na ako! di talaga kita kayang i-except sa list ko!)
  • About Me: aqoh?! ahmmmm…..simple lang ung tipong lokoh, pero matino. ung mabait pro sutil!tahimik pero madaldal………hehehehe, ang gulo ko noh? heinaku!bsta ako ay isang pambihirang nilalang, na may damdaming nasasaktan at may pusong sanay magmahal. iyakin ako pero matapang daw?hah?ano?hehehe.. friendly din ako kya nga sa sobrang dami ng friends ko plage akong nasesermunan ng mudra ko,outgoing ba kmo? ah, nakoo…. maasahan mo ko jan. GALA kc ako, pro ofcourse my limitations din. di lahat pwede,as in my bawal din. bawal mg Uc, bwal mg weedS…hehehe…..dhil ako ay isang napakatinong tao —- ( ewan ko sa ‘yo! sa sobrang tino mo, para kang bolbits sa gulo ng utak mo!)

  • About Me: Dont judge the book by its cover.. because the cover was left over.. —– (wag mong husgahan ang libro sa pabalat dahil ang pabalat ay kaning-baboy. bwahehe!)

  • About Me: I work hard and I play hard. But of course I can’t stay hard for too long. Always trying to do good (if its not too much trouble) and always good (especially horizontally) —-( ayoko sa ‘yo. wala ka pala sinabi pagdating sa patigasan! panis ka!)

  • About Me: i am shy person but talkative sometimes..i am already convicted for d case of moral damages!!!! —– (ha? ano dawwww?!!!)

No Offense Meant

di pa man ako nakakapaghilamos at nakakapagkape kaninang umaga eh eto na ang tumambad sa friendster inbox ko.

hindi na bago sa akin mga ganitong messages mula sa friendster o YM. aktwali, pinang-aalmusal ko na ang mga ganitong klaseng mensahe mula sa kung sino-sinong caricature dito sa cyberworld. eh panu ko ba hina-handle mga ganitong “wholesome” na messages? wala lang….kadalasan pag wala akong regla eh dedma lang ang lola nyo. di ko naman masisi ang mga manyakol … kasalanan ko ba kung kapa-kapanabik alindog ko? nyahaha! taray ng lola!

may kasabihan na, “he who angers you…conquers you“. i choose not to get angry kasi wiz ko rin type magpa-conquer.

mabalik tau dito sa yagbadoodles kong ka-friendster. may kalabuan na mata ko kaya i click enlarge the image of my early morning internet romeo. at sinilip ko na rin profile nya. at dito parang gusto ko magalit sa nakita ko:

eto sya…

Male, 34, Married

Interested In: Activity Partners
Member Since: Oct 2003
Location: Philippines
Hometown: makati
Last Login: 24 hours
Anthony’s URL:
http://www.friendster.com/2930224

BWAHAHAHHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHA!!!!!…wala lang…natawa lang ako.

o nga pala, anthony parekoy… ano ba yung one night stand? yun ba yun sex na kelangan nakatayo lang? di ba tayo pwede mahiga? yari mga varicose veins ko nyan sa legs kung saka-sakali. tsaka pwede ba gawin sa araw ang one night stand na yan? yaan mo pag isipan ko kung papayag ako. abangan mo at ipa-publish ko sa newspaper kasagutan ko para naman mabasa din ng misis mo. wahihihi!

may paunawang “no offense meant” na agad ang tanong mo. eh kasi anti-mano alam mong malisyoso na ang tanong. don’t worry di ako offended. na offend ba ako? hindi noh! sabi ng hindi eh! eto nga at binigyan pa kita ng espasyo dito sa blog ko na pula. offense ha … offense my butt!

Mga Kakaibang Eba

 222

abah! abah! padami na ng padami mga ka-prenster kong lezbo. (lokal at international) wala lang, natutuwa lang ako kasi bukod sa ang gaganda nila (assuming na sila yung mga nasa pics) eh katakam-takam pa mga katawan.

 

dios mio perdon! por dies por siento! at totoo naman na umaapaw ang kaseksihan ng mga sisters ko. puro hanep sa wankata at ang mga boobs nila…oh my gulay! panalo halos lahat! at eto pa…ang kikinis ng pekpek nila!!! pramis! bwahehe!

 

straight ako pero parang gusto ko na magbago ng sexual preference tuwing nakikita ko mga private pictures nila. (echooz lang!) nakakainggit sa ganda ang hubog ng katawan nila. kapanta-pantasya! para tuloy ako naiihi pag nasisilip ko mga larawan nila. lolz! eh siguro dahil sa ako mismo ay isang dakilang tagahanga sa porma ng katawan ng iba’t ibang Eba. hmmnnn…di kaya may inclination ako na maging isang bisexual?

 

eh hindi ko trip ang makipag eyeball ng mga pipol from chat or net pero sa mga magagandang nilikha ni Lord na gaya nila eh parang gusto ko ma-eyeball bawat isa sa kanila. ang saya-saya siguro! o, di ba… it’s gonna be a fantasy come true! hehehe! nways, sana dumami pa magpa-add sa akin na mga girlfriends. sorry guys, most of them eh hindi nagpapa add ng may burat sa friendster account nila. yaan nyo, wentuhan ko na lang kau lagi. lolz.