Tag Archive for funny horoscope

Horoscope Mo Ngayon

Alamin ang kahihinatnan ng kapalaran mo ngayon!

CAPRICORN – Maging alerto. May magtatangkang man-tsansing sa ‘yo. At pangit sya. Pero kung tigang ka, pwede na din pag-tyagaan.

SAGITTARIUS – Ngayon ay prostate cancer awareness month. Salatin ang itlog ng bawat lalaking makakasalubong. Be a concerned citizen, tumulong. Makikapa and save a life.

SCORPIO – Malas sayo ang ngumiti ngayong araw. Kaya kahit anong mangyari, bawal ngumiti.

LIBRA – Mapapasa-iyo ang matagal mo ng inaasam-asam. Pero ilang sandali lang ay mawawala din ito agad dahil sa katangahan mo.

VIRGO – May pupuri sa’yo. Pero wag ka matuwa, pinaplastik ka lang nya dahil may kailangan sya sayo.

LEO – Magtatapat ang isang kaibigan na may “HD” sya sayo. Wag kang kiligin! “HD” as in “Hidden Diri” daw. Kaya sapatusin mo na lang sya.

CANCER – Magiging busy ka sa isang project. Pero wag maging sobrang busy to the point na maha-haggard ka. Tandaan, haggardness is next to ugliness.

GEMINI - Sa Facebook, may magta-tag sayo sa isang group picture kung saan mukha kang kabayo. Napagtawanan ka na ng mga friends mo bago mo pa man sya ma-untag.

TAURUS – Huwag basta-basta magpapagamit sa isang kaibigan. Unless katawan mo ang gusto nyang gamitin at hot naman si friend.

ARIES – Mapipikon ka sa isang biro ng kaibigan. Pero mas mainam na tanggapin mo na lang, the truth hurts naman talaga. Dalas-dalasan mo na lang ang pagligo para di ka ulit matukso na may putok.

PISCES – Unti-unting mararating, kalangitan at bituin. Unti-unting kinabukasan mo’y magniningning. Sige, kanta ka lang.

AQUARIUS – Magiging malamig ang pasko mo. Pity ka naman. Gumawa ka ng paraan para mag-hiwalay ang mga kaibigang may syota, para may kadamay ka sa pasko.