Thursday Humor 09.11.14

sira sira store

Para maiba naman…
1. Aanhin mo pa ang damo, kung may shabu naman sa kanto?
2. Pagkahaba-haba man ng prusisyon, prusisyon pa din.
3. Ang di marunong lumingon sa pinanggalingan, naka -kotse.
4. Ang lalaking gipit, walang pera.
5. Kung ano ang itinanim mo, siya din ang didiligin mo.
6. Ang PAGSISISI, ay di magiging champion.
7. Kahit saang gubat, ay mag-ingat.
8. Bato-bato sa langit, baka meteorite yan.
9. Kung may isinuksok, may matutusok!
10. Kapag maiksi ang kumot, itupi mo pa para mas maiksi.
11. Nasa tao ang gawa, sitting-pretty ang mga timawa.
12. May tenga ang lupa, mayroon din ang daga.

Ang Panget at ang Diwata
DIWATA: “Ano ang iyong kahilingan?”
PANGET: “Nakikita mo ang mapang ito? Dalhin mo ako sa bansang ito (New York) at sa babaeng nakalaan para sa akin.”
DIWATA: “Sorry, hanggang dito lang sa Pilipinas ang powers ko, iba na lang ang hilingin mo.”
PANGET: “Sige, maging normal na tao ka na lang at pakasalanan mo ako.”
DIWATA: “Patingin nga ng mapa na yan, at baka magawan ko ng paraan!”

TANONG: Anong fish ang gumagapang?
SAGOT: Eh di ifish.

FRIEND1: “Anong Tagalog ng bubblegum?”
FRIEND2: “Kendi”

FROG: What does my future hold?”
FAIRY: You’ll meet someone who wants to know everything about you.”
FROG: “Great! Will I meet her in a party?”
FAIRY: “No. In Biology class.”

TATAY: “Anak papasukin mo nga si Bantay.”
ANAK: “Bantay, pasok na!”
TATAY: “Langya naman ang lamya mo tumawag, bakla ka!!”
ANAK: “Eh paano po bang gusto nyong pagtawag ko?”
TATAY: “Eh di tigasan mo boses mo at takutin mo para pumasok!”
ANAK: (sa matigas na boses) “Hoy Bantay! Pumasok ka na! Sige ka may MUMU diyan!”

Eksena sa CR.
GAY: “Wow! Anlaki naman niyan.”
MAN: “Oo nga, kaso useless rin naman kase break na kami ng gf ko. Putulin ko kaya at ipakain sa aso.”
GAY: “Aw! Aw!”

“Puro kayo pekpek! Kala nyo kayo lang maganda pakinggan ng paulit-ulit!” — Titi

PEDRO: “Juan bakit mo hinihintay mahulog yung bayabas imbis na kunin mo?”
JUAN TAMAD: “Alam mo kasi, hindi lahat ng kukunin mo talagang mapapasayo,minsan kailangan mo talagang maghintay para malaman mo kung talagang para ito sa ‘yo.”
(Nagmatured na si Juan?)

TEACHER: “Juan, pag’tinanong kita dapat mabilis ang sagot mo ha?”
JUAN: “Yes ma’am!”
TEACHER: “1+1?”
JUAN: “Mabilis!”

 

oOo

“Ang puso ay parang bawang. Buo talaga, pilit lang dinudurog ng iba.”