Noong mga panahon na hindi pa nagkaka-syota si Moo aka Defpotec, halos araw-araw ay magkausap kami sa YM o di kaya sa text.
Dahil sa closeness namin noon madalas umabot kami sa sitwasyon na ako lagi ang napagdidiskitahan na asarin at i-gudtaym ng chekwa na yun.

Sa loob ng 2 years (pucha! 2 taon din yun ha), wala yata akong natandaan na buwan na hindi ako napaiyak sa pagkapikon. Madalas akong ma-bully ni Moo.




