Haters…Tsupi!

screenshot_107

Abah! Maniwala ba kayong may haters ako dito sa blog ko? Juice mio perdon!! Mga isa o dalawa lang naman sila. Kalokah!

Ang pagkakaalam ko, madalas na nagkakaroon ng haters ay yung mga blog na may political theme o mga site ng mga highly-opinionated bloggers.

Ang hindi ko maintindihan…kadalasan eh mga SMS jokes lang naman,  walang mga kagila-gilalas o kontrobersyal akong mga blog entries. Inpak, kadalasan mga walang latoy lang naman ang mga sinusulat  ko. Tapos nagkaroon ako ng haters? Nyeeek! Nasaan ang hustisya? Lol!

Sa mga haters ko…seryoso, sana kung ayaw nyo sa blog ko, abah eh lubayan nyo na ang pagpunta-punta nyo dito. Kalurkey kayo ha! Bukas ang isip ko na hindi lahat ng tao ay magugustuhan ako. Pero sana huwag gawing hobby ang maging tanga! Personal blog ko po ‘to at walang pakialamanan.

Take my advice, bloghopper din kasi ako. Ako, pag hindi ko gusto napupuntahan kong blog…abah eh mabilis pa sa pag-utot ko ang pag alis ko at kung magsara ako ng browser ko.

Tsaka pag ayaw ko o hindi ako sang-ayon sa chinuchuva ng isang blogger dun sa site nya…hindi na po ako bumabalik sa blog nya. Ganun lang ka-simple. Hindi ko na kailangan ipaalam dun sa blogger na ayaw ko sa kanya o mag-iwan pa ako ng mga maaanghang, o below the belt comment. Kahangalan yun para sa akin.

Kaya sana dun sa haters ko…huwag nyo na pahirapan ang sarili nyo. Kung ayaw nyo sa akin, MAS ayaw ko naman sa inyo! Baka pwede huwag na lang kayo pumunta dito sa blog ko. Ang hirap sa inyo…ayaw nyo nga sa akin pero balik naman kayo ng balik. Sumisiksik pa rin at naghahanap ng paraan kahit blocked na kayo. Basa pa rin kayo ng basa! Ano bang meron sa akin na wala kayo? Hihihi!

Hays…sana wag nyo masyado ipahalata. Obviously, iisa lang naman ang nararamdaman nyo sa akin at kay Kups.

INGGIT!

Yung mga comment nyo…asa pa kayong palulusutin ko ha? Tse! Chura nyo! Bayag nyo!

Blog ko ‘to! Wag nyo akong anuhin dahil hindi ko naman kayo inaano. Hindi ko na kayo dapat binibigyan ng espasyo dito sa blog ko kasi sayang lang ang bandwidth ko sa inyo.

Lastly, eto lang ang masasabi ko sa inyo, mga haters…

’indot kayo! Lol!

Weh! Di nga? Hehehe!

Ang totoo, eto lang ang masasabi ko…

“WORLD PEACE!”

oOo

If you don’t like me remember it’s mind over matter; I don’t mind and you don’t matter.

Don’t hate me because I wasn’t who you thought I was or who you wanted me to be. From start to finish you never knew the real me.