Martes na pero sure na sure ako, may hangover pa ang iba mula sa mahabang break dahil sa semana santa. Ako nga ay may hangover din eh. Charot! Siempre, ako at ang mga bagets ko, we spent the holiday at the happiest place on earth. Where else? Our home!
Noong Easter Sunday, nag-celebrate din kaming magnanay sa resurrection ni Jesus ditey sa mansiones namin sa pamamagitan ng simpleng salu-salo ng spaghetti at garlic bread. At dahil pamilyang-pinoy kami, siempre may hotdog na sangkap ang spaghetti namin. Lol! Tabi ka muna Jollibee, mas yummy ang spag ni Mamaru.
As usual, walang labasan ng bahay ang arte namin noong Holy Week (at kahit naman hindi Holy Week eh). DVD marathon, lafang, internet at tulog lang ako. Hah! Sino may sabi na hindi ako pwede magbuhay-reyna? Sinoooo? Hihi!
Si unica hija ko naman. Eto ang inatupag.
Artwork nya.
Ewan ko kung sino ang nasa isip nya dito.
Ako yata? Lol! Char lang!
![]()
H A P P Y T U E S D A Y everyone!
oOo
“Nothing is permanent in this wicked world. Not even our troubles” ~ Charles Chaplin
.





