Tag Archive for holy week

Semana Santa, Semana Saya

images Semana santa na naman. Panahon para alalahanin ang huling linggo ng earthly layp ni Panginoong Hesukristo noon.

Eto din ang semana para makapagnilay-nilay tayo sa mga nagawang kasalanan natin.  Magbulay-bulay sa mga pangyayari sa buhay. Magmuni-muni para mas makilala ang sarili, at kung pwede – tsansa na para magkukwenta-kwenta na rin ng mga pagkaka-utang sa bombay. Lol!

Semana itetch ng pagiging banal.

Ows, banal? Ang masasabi ko lang ay, tse! Patapyas ko kuwan ko pag sumeryoso ang mga taga-lupa sa mga susunod na araw – sa pagbabanal-banalan. Sinabi kong mga taga-lupa dahil hindi ako kasama diyan noh! Hindi sikreto na isa akong josa. Isang maharot na engkangaga engkantada na naligaw lang dito sa earth. Charot!

Heniweys, iba na talaga ang panahon. Ngayon, pag sinabing semana santa…eto ay isang semana saya. Isang long-weekend na bakasyon, panahon sa pagliliwaliw at ng pagpapartee-partee! Pruweba dito ang mga fully-booked na mga airlines,bus, barko, hotel at ang mga jampacked na mga beach resort kahit saan. Kanya-kanyang pulasan ang mga otaw sa iba’t ibang destinasyon para dun daw magtika! Magtika daw o!

Anong klaseng pagtitika naman kaya ang mangyayari sa mga lugar na gaya ng beach ng Boracay, Puerto Galera, at kung where-where pa. Nagkalat kaya ang mga chikababes na naka-bikini ang masa-sight mo dun! Kumusta naman ang pagtitika mo nun?

Para dun sa iba naman na mga poorita (like me) na alaws budget para makapag lamyerda dahil sa super-mahalia na ang gasolina, eh asahan mong sa bahay lang ang rampa. Pero wag ka, asahan mo na kahit nasa bahay lang …DVD marathon o kaya pagbababad naman sa internet ang haharapin imbes na pagnilay-nilay ang atupagin. Bakit ko knows? Well, gawain ko kaya yan! Hehe! Ops, impernes to me, kahit hindi Holy Week…gawain ko na talaga yan. Lol!

Read more

Meryendang-Wagi

Dinalhan ako ni Manang ng kulay-orange na kamote noong Miyerkoles.

Da who naman si Manang?

Si Manang ay isang thundercats (matanda) na minsan ay nagde-deliver ng gulay dito sa akin sa bahay. Matagal na nya akong suki kaya naging prendster na kami. Ayun, at dinalhan nga ako ng kamotete. At siempre, may bayad. Hehe! Pang–meryenda daw namin netong Holy Week habang nagba-Bible study kaming mag-nanay. Sharooot!

Read more

Reminder

The Semana Santa is fast approaching. I noticed that most people would rather plan and go for a long drive out of town, to flock and crowd the local beaches during holy week. For those who are going out of town, have a safe and sane road trip. Don’t forget to have you car tuned up, bring the necessaries like licenses and registration. It doesn’t matter if you have the cheapest car insurance – just bring the documents.