Kevin, Anyare Sa ‘Yo?

Noon, madalas tinatanong sa akin kung ang name ba daw ng panganay kong anakis na si Kevin ay sinunod ko dun sa blockbuster movie ni Macaulay Culkin na Home Alone (1990). Kevin kasi ang name ni Macaulay dun sa movie at 1991 nang ipinanganak ko si Kebintot ko noon.

Ay, hindi po. Sobrang idol ko lang si Kevin Costner noon kaya sinunod ko ang namesung ng unico hijo ko dun at hindi dahil kay Kevin McCallister ng Home Alone the movie.

MACAULAY CULKIN2

Speaking of Macaulay Culkin, sino ba  ang makakalimot at hindi makukyutan sa batang ‘to dun sa movie. Hanggang ngayon, 12 years na ang nakakaraan, aliw to the max pa rin akong panoorin ang mga movie nya kahit paulit-ulit.

Hanggang sa nagbinata siya, ang cutiepie pa rin nya. He is with his gf Mila Kunis in this pic noong 2005 na naghiwalay din noong 2010.

MACAULAY CULKIN3

Kaso nakakalungkot lang kasi napariwara ang hombre. Nahulihan sya ng drug possession noong 2004.

Eto ang mug shot nya noon.

MACAULAY CULKIN4

At the age of 31, eto na ngayon si Macaulay Culkin aka Kevin McCallister of Home Alone. Eto ang latest pic nya.

MACAULAY CULKIN1  

Kevin, anyare sa ‘yo?

Grabe ha! Nagmukha siyang senior citizen sa pic na ‘to! Haggard to the max.

Tsk! Tsk! Tsk! Sino may sabing masarap ang maging sikat o tanyag?

 

Source via

 

oOo

“Our life is not always the way we planned it, sometimes it is the way God planned it.”

 

Sabado Na Naman

Sabado na naman. Hindi pa ako nakakabangon ng bed pansin ko na ang komosyon ng dalawa kong bagets na labas-masok sa kwarto. Mukang magsisilayasan! Abah, may pasok ba?? Weekend a!

Si Kevin, whole day praktis daw ng Frisbee. Si Keziah naman, maghapon daw sya sa bahay ng classmate nya at may aasikasuhing school project daw.

Si ako, eto, home alone na naman! Hays…

Hokey! Isip-isip ko, kung ganun pwede akong kumuyakoy ng buong araw dito sa bahay,  sa kwarto ko. Teka, paano ko ba uumpisahan ng papetiks ang araw na ‘to. Siempre, lalafang!

Wiz ko na trip magluto tutal mag-isa lang naman ako.

Ginalugad saglit ang ref.

Dyaraan!

DSCF4320-1

Salpak lang saglit sa microwave at eto na ang power breakfast ko for today:

  • 1. Tira-tirang litson na manok.
  • 2. Nilagang okra.
  • 3. Isang piraso na kamatis na pinigaan ng isang pirasong kalamansi.
  • 4. Tatlong slices ng yupi-yuping raisin bread.
  • 5. Isang baso ng criminal water – unleaded.

Habang nagbi-breakfast in bed, naka-tiempo na rin ako magbasa ng mga back issues ng magazines nagkaka-molds na ang pages dahil sa hindi maasikaso (as if naman lagi akong bz. Lol!).

DSCF4327

Multi-tasking ang lola nyo, habang nagbabasa ng magazines, pasilip-silip din sa internet at nag go-gugel. Kaya nyo yun?

DSCF4328

Ilang sandali pa, dumidighay na ako.

DSCF4331

Wag na kayo magtaka pa kung bakit balingkinitan ang katawan ng mga pusa namin dito sa bahay. Gutom inaabot nila sa amin dahil wala masyadong natitira sa mga kinakain namin. Haha!

Happy weekend everyone!