Homemade Pancake Syrup

Usually, bago ko ilatag ang wankata ko sa bed para matulog ay pinag-iisipan ko na muna kung ano ang lulutuin o ihahanda kinabukasan na pang-breakfast ng mga amo ko.

Kagabi, isip ko, “magpa-pancake akels bukas.”

Tsek-tsek ko ang mini-pantry cabinet ko kung may natira pang naka-stock na pancake ready mix na ako na mismo ang nagre-repack.

Homemade Pancake Mix. TSEK!

Eggs. TSEK!

Oil. TSEK!

Butter. TSEK!

Pancake Syrup. WALEY!

Sus! Wala na palang laman ang Hotcake Syrup bottle na itey. Hindi man lang ako na-inform! Charot!

hotcake syrup

Sigurado akong maghahanap ang mga amo ko ng syrup pag nagpancake ako.

Ang lagay ba eh lalabas pa ba ako ng bahay sa dis-oras ng gabi para bumili lang ng Pancake Syrup? Naku! Ayaw ni bespren Google nyan! Siempre, to the rescue si bespren, gawa na lang daw ako at sagot na nya ang impormasyon kung papano. 😀

how to make pancake syrup

Susme! Ang dali-dali lang pala.

HOMEMADE PANCAKE SYRUP

1 cup brown sugar
1 cup white sugar
1 cup water
1/2 tsp. vanilla flavoring

Combine 1 cup brown sugar and 1 cup white sugar to 1 cup water in a saucepan. Bring to a boil on high heat. Once boiling, stir for 2 minutes as it continues to boil. After 2 minutes, remove from heat and add flavorings. Yields 2 cups syrup.

homemade pancake syrup

Hindi ko na hinintay ang paglamig ng syrup kagabi…kasi antok na antok na  ako.

Iniwan ko na sa mesa at nag-meme na ako. Basta ang alam ko, SOLVED na problema ko.

homemade hotcake syrup

So kaninang umaga ko lang ni-refill ko ang empty Pillsbury Hotcake Syrup bottle ko.

At sobra-sobra pa dahil 2 cups ang naging yield ng syrup recipe.

O ha! Nakatipid na naman ako!

Winnnuuur!!

oOo

“Kung mahal mo talaga ang isang tao. You will win that person back kahit kainin mo pa ang pride mo.”