Tag Archive for hostage release

Ang Tunay Na Kumander

Medyo panis na ‘tong chika ko tungkol dun sa bagong laya na si Eugenio Vagni na hostage ng mga Abu Sayyaf dun sa Jolo.

Dapat noong July 13 ko pa ‘to nai-post kaso medyo bisi-bisihan ako sa mga kalandian ko sa buhay kaya eto naabutan ako ng pagkapanis.

As of this writing, nakabalik na yung italyano Red Cruz Cross volunteer sa bansa nya.

Ay sus, eh laya na pala at nakabalik na yung pobreng bihag na italyano,  ano pa ang inaano-ano ko tungkol sa ano na ‘to?

Hehe! Gusto ko lang po naman sumaludo at magbunyi… dahil minsan na naman napatunayan ang pagiging ASTIG ng mga ka-gender ko!

Maniwala kayo, pagdating sa kuma-kumander na yan, walang sinabi ang mga lecheng pugot-ulo na mga kumander ng Abu Sayyaf na kinatatakutan dahil ang totoong mga KUMANDER sa mundo ay walang iba kundi ang mga kababaehan! Si MISIS!

Read more