Buhay Single-Parent

I’m still down with lagnat. 

Sa awa ni Lord talagang bihira lang kami nagkakasakit mag-iina, pero ‘tong papalit-palit ng panahon lately eh hindi na  namin kinaya ng panganay ko. Last week, 4 days down with fever si Kevin ko.

Eto ang isang mahirap na kalagayan sa pagiging single-parent. Pag ang mga anak ko ay nagkakasakit eh andiyan ako para umalalay at mag alaga. Pero pag ako na ang nagkakasakit – alaws tumitingin sa akin. Wala man lang mautusan para bumili ng gamot, kumuha ng tubig and etc. Eh kasi yung dalawang bagets ko ay may mga pasok sa school nila at 5pm pa ang uwi.

Wala akong ka-reliyebo kumbaga. Kanina kahit mahilo-hilo pa ako at nanghihina, kelangan ko ang bumangon ng 5:30am dahil walang magluluto ng almusal ng mga alaga ko. Kahit marurunong naman magluto ang mga bagets ko eh naaawa naman ako at baka ma-late sila ng pasok pag sila pa ang maghahanda ng pagkain at baon nila.

Continue reading