Kable

Ayaw ng man op maylayp na isa na akong ganap na DULING bago nya ako matikman mapangasawa (naks! asaness!)… kaya agree na ako sa kanya na kelangan gumamit na ako ngayon ng medyo malaki-laking computer monitor dito sa balaytsina ko.  Para nga naman daw hindi na ako nahihirapan sa araw-araw kong panonood ng porn pagko-kompyuter.

Kunsabagay aminado ako na sobrang nai-strain na talaga mga mata ko sa liit ng LCD screen ng HP mini ko. (Halerr! Kaya nga tinawag na “mini” di vah?)

hp-mini-

Imbes na gumastos ng bagong PC…ikakabit ko na lang ang HP Mini ko sa isang medyo malaking size na external monitor. Pero hindi ko pa nagagawa ang transpormesyon dahil ewan ko ba naman kung bakit ang hirap hanapin ng lintek na HP Mini VGA Cable na itu!

vgacable

Gogel na ako ng gogel noon kung saang parte ng Pinas ako makaka-iskor ng kableng ‘to pero kahit sa HP Philippines mismo alaws daw silang stock.

Nalukring si Mamaru.

Aherrrm! siempre pag umaaksyon bumubula na ang bibig ko (read:nauulol) dahil sa kunsumisyon, to the rescue naman agad ang knight in shining armour ng buhay ko. Tehehe!

DSCF5171

With a little help from Amazon.com, dumating kanina ang inorder ni Kups.

HP mini vga cable1

Ang kapipiranggot na kableng halos duguin ako sa kahahanap kung saan iiskorin dito sa Pilipayns.

HP mini vga cable

Enways, TATS naman ako kay Kups, konsern na konsern sya kalagayan ko. Kaya darating ang araw ay mapipilitan na yata talaga akong ibigay sa kanya ang pinaglumaang puri ko.

Syeeet! Balak ko pa naman na sana ipadama sa kanya…sa fez to fez na pagkikita namin ang pagiging conservative ko.

Hehe! Pag nabasa ‘to ni Kups, parang naririnig ko na ang sasabihin nya:

KUPS: “conservative? conservative my scrotum!”

 

 

Waaaaaaa!