Tribute To Parents Kembular

Status update ko itey sa Fezbuk last Thursday, March 22, 2012

3-26-2012 3-08-37 PM

So, at 1pm, GO na ang young, fresh and delicious na mudrax sa skulalu ng doter para umatend ng Tribute To Parents kembular.

Wag malokah kung naka-shorts at tsinelas lang ang madir. Sabi ni doter OK lang daw, kasi waley naman nakalagay sa invitation na may dress code na dapat sundin. Tsaka Summer na gayud noh! Ka-init na sa panahon! Pesteng-yawa gayud!!

Tangkad ko! Shet!

 Me and Ziah

As usual, dalawa ang Gate Pass ko. Pang-Mr and Mrs Chuvachuchu bagah.

Well, what’s new? Eh since Kindergarten days pa ng mga kiddos ko, lagi naman akong uma-attend sa mga school activities at graduation nila ng MAG-ISA lang talaga.

empty monoblock

As expected, naka-nganga lagi ang upuan sa tabi ko. As in bakante.

Haays, kelan kaya masasagot ang FILL-IN THE BLANK na itey sa buhay ko? Asapako! Lol!

Letter/Rose

Hindi ‘to ang pers taym na umatend ako ng ganitong kaganapan sa school nila bago mag-Graduation Day. Aktwali alam ko na may “pa-iyakan portion” sa dulo ng program. Alam ko na laging may inaabot ang anak sa magulang bago magsi-uwian.

Before leaving the venue, Ziah handed me a rose and a letter. Sweet!

Share ko sa inyo, an excerpt of my daughter’s letter:

“All that I am, or hope to be, I owe to my angel MOTHER.” – A quote from Abraham Lincoln that struck me.

Ma, thank you for putting up with me all the time. I am entirely grateful to God because He gave me an amazing mother. (Sa mga hindi nakakaalam, isa po akong Fil-Am. Half Filipina, Half Amazing! Chos!)

I know raising me up is not easy. I can be really stubborn at times. I commit mistakes, but you are always there to correct me. You molded me to become the person who I am now. I will graduate in High School in a few days because of you. I would’ve never made it without an inspiration. You helped me to be where I am and wanted to be. For all those times when you wake up really early just to help me prepare for school, thank you very much.

And for all the rest, for everything, thank you. I love you very much, Ma.

Siempre, teary-eyed ang madir. Kakahiya naman kung wala akong maramdaman di ba? So, pinatulo ko ang luha sa may right eye lang. Prinaktis ko na yan. Ako feh!

Keziah

Last Thursday, ay last day rin ng unica hija ko na naka-school uniform. So, pina-pose ko siya saglit para kodakan.

Palabas at pauwi na kami, nang biglang naging nostalgic naman ang Mamaru sa mga nadaanan na tanawin sa loob ng campus. Can’t help eh. Tsarots!

LSA Football Field

Sino ba naman ang hindi?

Dito sa lumang court na ‘to unang natuto maglaro ng basketall ang unico hijo kong si Kevin noong elementary.

Sa may di kalayuan, diyan sa football field naman na yan nag umpisa din ang interest ni Kevin sa larong Frisbee na hanggang ngayon ay kinakarir pa rin nya ang paglalaro. Dumadayo pa nga sa kung saan-saan na tournament. Naging Frisbee Team Captain sya noong High School.

La Salle Academy

Dito naman sa upper floor ng building na ‘to matatagpuan ang school chapel. Dito ko una nakita si Kevin noon na nag-speech, kusang nagpabinyag ng SOLO para maging Katoliko. Napanganga ang madir! Gulat ko, eh pinabinyagan ko naman sya noong baby pa sha. Paulit-ulit?

Sa chapel din na yan, diyan ko sinusundo si Kevin/Keziah tuwing natatapos ang Recollection chenes nila noon.

Higit sa lahat, mami-miss ko ng todomax ang Cashier’s Office na nasa ground floor lang ng same building!!!!

Jusko! Paano hindi ko mami-miss ang Cashier’s Office eh SUKI ako sa pagbibigay ng Promissory Note sa kahera tuwing bayaran na ng school fees. Hehe!

Mami-miss ko rin siempre ang School Comptroller na ang bait-bait tuwing humihingi ako ang Promissory Note. Hehe ulit!

La Salle Academy

Bago ko ma-forget, gusto ko rin banggitin ang pasasalamat ko sa mga La Salle bothers lalo na kay Brother Rey na sobrang naging close sa binata ko. Ang laki ng utang na loob ko sa mga brothers at sa mga naging teachers ng mga anak ko sa school na ‘to.

Mamatay na ang sinungaling pero hindi madali ang maging Single Mom.

Pero dahil sa maayos pagga-guide ng mga teachers at ng school admin sa mga junakis ko, nakatulong talaga ng malaki sa akin. Kumbaga, parang sila ang naging katuwang ko sa pagiging Single Mom ko since Day One ni Kevin sa Kindergarten hanggang sa nakapagtapos nga ang dalawa kong anak ng High School. Maganda ang influence ng school sa kids ko.

Maniwala ba kayong nagsisimba ang mga anak ko tuwing Linggo at ako ay hindi?

Yup! Mas practicing catholic ang mga anak ko kesa sa akin. 😛

 La Salle Academy

Howel, wa na ko sey pa.

Animo La Salle! Tenkyu!

 

oOo

motherhood

Unang Anibersaryo

One year anniversary ng kalandian namin ni Kups ngayon.

O ha! One year na ang LDR (long distance relationship) namin! Siempre dahil espesyales ang petsa na to (na sana ay gawing national holiday next year. lol!) eh napag-usapan namin na magse-selebreyt kami op kors. Kasehodang nasa kabilang panig ng mundo ang location nya…magde-deyt pa rin kami. Choos! 😀 Lalabas ako ng bahay at sasamahan nya akong kakain ng lunch sa resto via Skype or YM.

Take note, LIBRE nya!

10:30am pa lang ay andun na ako sa tagpuan namin (tagpuan ka diyan!). Umorder muna ako ng Nachos with Hot Salsa habang naghihintay sa pag online ng jowa ko.

nachos with chili salsa

Continue reading

Pasilyo

Nasa ospital ako kahapon kung saan pareho kong iniluwal NOON ang dalawang bagets ko. Humingi ako ng birth records ni Keziah para sa late registration ng Birth Certificate nya. Yup! As of this writing, 14 years old na ang dalagita ko pero hindi pa rehistrado sa Civil Registrar. Bago nyo ko tawagin na pabayang-ina eh eto na poinaasikaso ko na po ang Birth Certificate nya. Hehehe!

Pipol, mahabang kwento kasi ang dahilan ng pagka antala ng papeles nya.

Habang hinihintay ko ng nakaupo ang release ng nire-request kong mga dokumento, nagbalik-alala sa akin ang hallway na to na katabi lang ng Records Section ng ospital. Makasaysayan para sa akin ang pasilyo na to.

Continue reading

Sobrang Mura Talaga

Water bill IconIsa sa mga hindi ko ipagpapalit sa pagiging probinsyana o pagtira sa probinsya gaya ng Iligan City ay ang malaking agwat ng bayarin (kumpara sa ibang lugar gaya ng Manila) pagdating sa kuryente lalo na sa tubig.

Sa kuryente kung hindi ako nagkakamali, ang Lanao del Norte yata ang may pinakamababang singil ng generation – P/KWH sa mga consumer sa rate naP2.3743.

Mas lalo naman sa tubig. Alam nyo bang isang taon na akong di nagbabayad ng tubig namin.

Eto ang water bill ko nung July 2008. Ang sabi dito naka-consume kami ng mga bagets ko ng 13 cubic meter na tubig. Hmmn…malaking tipid pala ang maligo lang ng once a week lang. Tehehe! Siempre joke lang yun.

Mura lang talaga tubig dito sa amin kasi nga City of Waterfalls ang lugar namin.

P20.00 ang bill namin noong August 2008. Mas mababa ang total kasi lumuwas ako ng Maynila noong August at sampung araw din akong nawala.

Ibig sabihin, pag sampung araw akong hindi maligo sa bahay namin at maghugas ng anu ko ay bababa ang babayaran ko ng P6.90 sa tubig. Kaya imbes na P26.90…P20.00 na lang. Ayus pa sa olrayt!

Pag binayaran ko ang bente petot kong bill na ‘to, sasakay ako ng dalawang beses sa dyip at isang de-padyak para makarating sa upisina nila. Nagkwenta ako.

4 sakay (balikan) sa dyip (P8.00 x 4) = P32.00

2 sakay sa de-padyak (P6.00 x 2) …….. 12.00

Total = P44.00

Dios mio perdon!  Mas malaki pa ang gagastusin kong pamasahe sa kesa monthly bill ko! Wag na uy!

Tsaka ko na lang bayaran pag may disconnection notice na. Lols.

Mahal At Masarap

Nag grocery ako nung isang araw at nagtataka ako kung bakit ang mahal ang nabili kong Lipton 3-in-1 Milk Tea na to eh samantalang 5 sachets lang naman ang laman.

Mahalia Jackson sya para sa akin na isang barat na nanay. Isipin mo, P37.30 ang isang box, ibig sabihin P7.46 kada sachet! Ang mahal!!!! Lols! Ang mahal lumagok ng tsa-a na ‘to! Anong meron ba ditetch?

Asus ginoo!! Kaya naman pala ang mahal! Galing pala ‘to sa susu! Ang nakahalong gatas sa tea na ‘to dito ay galing sa susu? Hehe! Tama ba ang pagkaintindi ko? Watevah!

At eto pa.

Masarap ang mani namin dito sa Iligan City (no pun intended) lalo na yung Cheding Peanuts. Pero may masarap na roasted mani akong binibili lagi bukod dun sa Cheding Peanuts.

O di ba! Sa pangalan pa lang PANALO na! Garantisadong masarap na! Fem-Fem!

Masarap ang mani o Fem-Fem ng mga taga-Iligan!

Kaguluhan

Sa tinagal-tagal ko dito sa Iligan City na nanirahan ng mahigit 30 years, ngayon ko lang na-experience na ganito ka-tensyon ang buong siyudad. Nakakapanibago. Ang gulo!

Hindi ako mahilig sa pulitika. Kaya nga bihira akong magbanggit nyan dito sa blog ko. Pero pag isa kang citizen na gusto ng mapayapang pamumuhay, pag nagkakaroon ng ganitong kaguluhan, bombahan at patayan sa mismong lugar na tinitirhan mo, natural lang na nakakapagngitngit. Kahit ako, hindi ko maiwasan ang maghanap ng masisisi. Nakakabuset na talaga ang pamamalakad ni Arroyo.

Nung napanood ko sa tv kahapon ang pag iinit ng ulo ni GMA na kita sa taped message nya para sa gulo dito sa Lanao del Norte, susme! Napapataas lang kilay ko! Ang OA nya! Hindi ko alam kung talagang nag-aalala sya sa gulo o nag-aalala sya na mawasak ang ancestral home nya dito sa Lanao del Norte.

Yung administrasyon lang naman nya ang masisisi dito eh. Kung di ba naman ang TANGA nila! Papasok-pasok sila sa isang KASUNDUAN na alam nilang hindi nila matutupad ang mga hinihingi ng mga rebelde.

Isa ang Iligan City sa pumalag, kumontra sa pirmahan ng Peace Agreement na pinasukan ng gobyerno. Eh kasi naman, 8 barangays/towns yata ng Lanao del norte ang gusto ipamigay ni GMA sa mga rebelde.

Hindi ko kino-kunsinti ang pinaggagawa ng mga rebeldeng muslim lalo na sa pagdamay nila sa mga civilian na pinagbabaril nilang parang mga manok lang. Pero kaya nga tinawag ang mga yun na “rebelde” dahil sa maiinit ang ulo nila.Eh kasi naman… pinag-init din kaya ng gobyerno ang ulo ng mga yun!Maiksi ang pasensya nila at mahirap kausapin dahil may pagkasarado ang mga utak.

Hindi ko sinasabi na hindi nag-isip ang mga taong nasa likod ng lintek na MOA-MOA na yan dahil hindi naman sila magkakaroon ng position sa gobyerno kung mga bobo sila. Howel, nag iisip nga siguro ang mga lintek kaso mga pang sariling interest naman ang motibo! Leche! Pinag-aaway-away lang nila ang mga kristiyano at muslim para humaba ang mga gusto nilang humaba!

Hays, ayoko ng pag usapan ‘to at pati ako ay naha-hayblad at nag-iinit lang. Nagiging tisay lang ako lalo. Lols.

Ang mga natuwa lang sa kaguluhan ngayon dito sa Iligan City? Mga estudyante lang! At siempre kasama na dun ang mga bagets ko. Dineclare kasing walang pasok sa school. Hehe!