Tag Archive for isip-isip

Esep-Esep 1

  • Tapos na ang Pasko at bagong taon na. Gusto kong intindihin na kaya nagmahalan ang mga bilihin last month ay dahil na rin sa peak season at mataas na demand ng mga produkto. Pero por jos naman….bakit ang mahal pa rin ng mga bilihin sa palengke hanggang ngayon? Lalo na ang mga karne! Weeeee! Unano na lang talaga ang hindi tumataas. Ang hirap pa naman mag budget ng pera lalo na pag wala naman talagang babadyetin.
  • Parang gusto ko na tuloy tumanggap na lang ng labada sa kapitbahay para lang magkasya ang datung sa totoo lang. Pag nag-aplay kaya ako ng trabaho sa mga panahon na ‘to…may tatanggap pa kaya sa akin? Ang hirap lang dito sa Pinas..pag wala na sa kalendaryo ang edad mo…bomalabs ng makahanap ka ng matinong trabaho.
  • Araw-araw may pumapasok na malaking palaka dito sa balay ko. Minsan iniisip ko…hindi kaya eto ang tunay na Prince Charming ko at hinihintay lang na halikan ko siya para maalis ang pagba-balatkayo niya?  Yikessss!
  • Hanggang ngayon hindi pa rin makapag-angat ng mabigat na bagay ang kanan na kamay ko. Bakit? Eh kasi may pilay ang isang daliri ko, Mantakin mo, sa sampung daliri ko…yung right middle finger ko pa ang nagkapilay! Ang saklap talaga ng kapalaran ko!  Wag kayong malisyoso, mga indot! Palagay ko may naipit na ugat ang middle finger ko sa kalalaro ko ng ZUMA Revenge. Napapahigpit siguro ang kapit ko sa mouse ng hindi ko namamalayan (palusot!).