Taas-Paa

Para sa atin na mga pangkaraniwang-pinoy, bakit kaya pag kumakain tayo sa labas,  kahit gaano ka-sushyala ng resto na napupuntahan natin, kahit gaano ka-elegante ang set up ng mga gamit sa fine dining at kahit gaano kasarap ang mga pagkain (na kadalasan kalokah din ang taas ng presyo) nila dun, eh parang may KULANG?!

Eh kasi, wala pa rin talaga tatalo sa mga lutong-bahay. Tsaka ders no place like home, ika nga. Minsan kahit hindi kabonggahan ang ulam natin,  pero kung ang kasalo mo naman ay ang mga mahal mo sa buhay, masarap na sa feeling at sulit na tayo dun… basta sama-sama lang.

Pero bukod sa nasabi ko sa itaas, eto talaga ang isang kaugalian natin mga Pinoy kung bakit minsan ay hindi tayo kuntento pag sa labas ng bahay kumakain. Eto ang kulang.

Hindi natin magawang lumafang na naka TAAS-PAA sa silya!

Opps! But not for Manong! Wiz sya pakialam sa madlang pipol.

DSC01223_2

Continue reading