Tag Archive for kabataan noon at ngayon

Ang Swerte Ko

Pinagdiskitan sampolan ng dalawa kong bagets ang skipping rope na pang cardio exercise ko na nabili noong bagong taon. Aba! medyo nagulat ako, hindi marunong gumamit ang mga bagets ko ng skipping rope. I mean, hirap sila maka tiempo ng talon sa pag ikot ng lubid. Eh kasi magyayabang na ako ha … champion ang lola nyo sa luksong-lubid nung kabataan pa. Hehehe!

Name it, jackstone, chinese garter, at luksong lubid – pinag aagawan ako ng mga kalaro ko noon pag may hatian na ng grupo para maglaban-laban. Peborit ko talaga ang luksong-lubid.  Kasehodang makitaan ng panty tuwing tumatalon….keber at arya pa rin! Pucha! Magaling din ako sa taguan noon. Sa liit ko ba naman ‘to talagang madali akong makapatago.

Enways, kinagabihan noon, napag isip ako dun sa na-realize ko. Bakit para yatang mas masaya ang buhay ng mga bata noong naunang panahon kesa ngayon? Mas maliliksi at mas bibo.

I mean, yung natural na tawanan o halakhakan o hagikhikan ng mga bata, bihira mo ng marinig sa mga kalye-kalye. Kung may mga couch potato kids noon, mga anak- mayaman lang mga yun.

Naikumpara ko mga bagets ko noong kabataan ko. May panahon noon na sinusundo pa ako ng tatay ko para pauwiin dahil kahit gabi ay nasa kalye pa rin ako nakikipaglaro.

Ngayon, kung ayaw mo ma-side sweep ng sasakyan, kung ayaw mo na mapagtripan ng mga tambay ang anak mo… kelangan pagkatapos ng eskwela ay deretso na ng uwi. Delikado na ang mga kalye nating ngayon. Kaya hindi mo masisisi na sa video games, xbox, psp na lang nakikipag laro ang mga bagets ngayon.

Kahit si Keziah ko pag uwi galing sa school, pag nakasingit sa computer ko… sa Friendster at Facebook nya agad nakasilip. Sa yahoo messenger, friendster bulletin o sa texting na sila nakikipag interact sa mga kaibigan.  Unlike before na talagang harapan ang pakikipag balitaktakan sa isa’t isa. Mas nakikilala mo ang ugali ng isang tao personally and not virtually. Kaya nga siguro mas malalim ang kahulugan ng pagkakaibigan noon kesa ngayon. Tama ba ako?

Makabago na nga siguro ang panahon ngayon…daming pagbabago…instant o automatic na kung gawin ang mga bagay-bagay at trabaho kaya andaming tamad. Dumadami ang mga matataba dahil sa hindi na marunong magkikilos. Kaya ang swerte ko pala dahil ipinanganak ako NOON. Noong panahon na di hamak na may QUALITY ang buhay o pamumuhay kesa ngayon.

Quote of the Day:
”Sharing money is what gives it its value.”
–Elvis Presley, singer