KAKANIN: Pichi-Pichi

Nakausap ko ang friend kong nasa Zurich, Switzerland noong Sunday at nagpaturo sa akin kung paano daw ang pag-bake ng cassava cake na hindi nasusunog ang toppings.

Bah! Gulat naman ako sa kanya. Ibig sabihin ba may kamoteng-kahoy sa Switzerland?!

Oo daw. Meron daw. Kaso ginto ang presyo. Sabi nya ang yung DALAWANG piraso ng kamoteng-kahoy eh parang mga P350.00 daw ang presyo dun! Santisima! Ginto nga!

Sakto naman nang biglang may naglako ng kamoteng –kahoy dito sa may labas namin.

At ang presyo?

P10.00 per kilo.  (Taray!)

Anong sinabi ng presyo nila dun sa Europa sa presyo ng kamoteng-kahoy dito sa Pinas! Hahaha!

Haynaku, basta! Ay lab Pilipayns pa rin.

kamoteng kahoy

Enweys, pinakyaw ko na. Binili ko apat na kilo lahat sa halagang P40.00. (Yaman!)

Kaya eto gumawa na agad ang Mamaru ng PITCHI-PICHI!

Xperia photos2

Ako na mismo ang nag-grate. (Sensya na, nakalimutan ko kung ano ang tagalog ng GRATE. Alam nyo ba? Share nyo nga sa akin. Tnx.)

grated cassava 

Sa lahat na yata ng kakanin….isa ang Pichi-Pichi sa pinakamadaling gawin.

Simple lang din ang mga sangkap.

Xperia photos9 Xperia photos7

Nilagyan ko food color ang Pichi-Pichi ko, pero OPTIONAL ‘to.

Xperia photos8

Pwedeng gumamit ng mga cuchinta molder sa pag-steam ng Pichi-Pichi pero mas pinili ko ang ganito….ang ilagay ang mixture sa dalawang baking pan.

Xperia photos6

Originally, sa grated coconut pinagugulong ang Pichi-Pichi.

Pero kahit pagkain ngayon eh nag i-evolve na rin.

Sa ngayon ang nauuso ay sa KESO or CHEESE na sya pinagugulong. Lol!  

Xperia photos1-001

Pichi-Pichi Recipe
Ingredients

  • 2 cups cassava, grated
  • 1 cup white sugar
  • 2 cups water
  • 1 cup grated coconut or cheese
  • 1/2 tsp lye water (lihia)
  • 1/2 tsp buko-pandan essence

Cooking Directions:

  1. Mix all the ingredients together, except the grated coconut.
  2. Add 1/2 tsp of pandan flavor into 2 cups of water
  3. Stir until well blended and no lumps remain.
  4. Pour into 2 pcs pans, put a drops of food coloring (optional)
  5. Steam for 45 minutes or until firm.
  6. Cool and scoop using a spoon.
  7. Roll each piece in grated coconut or cheese.

 

oOo

“Minsan kailangan mong manahimik para malaman nilang nasasaktan ka.”

Suman Sa Latik

Lookie nyo kung ano dala sa akin ng sister kong si Millete na galing ng Samar kahapon. 😀

Ayayay! SUMAN SALTIK SA LATIK! 

suman sa latik-004

Sobrang na-miss ko ang ganitong klase ng suman sa latik ng Samar. Naalala ko tuloy ang kabataan ko noon dun sa Samar. Hays

suman sa latik

Gawa sa pure na malagkit itey! Binabalot sya sa isang klase ng dahon na wiz ko alam ang tawag. 😀

Basta hindi sya nakabalot sa dahon ng saging.

suman sa latik-002 

At ang yung latik naman o yung minatamis na sarsa eh gawa sa gata ng niyog.

suman sa latik-001

Medyo napaiba ang almusal ko kanina ng dahil sa suman na itey, habang nagmumuni-muni ako sa mga nakaraang problema ko.

Op kors, mega-lafang ako ng suman with matching lagok sa freshly brewed coffee ko.

O ha! Brewed! Ulitin ko. .. brewed. Eh kasi di ba sushal na ako? Kaya, brewed. Charot! Hahaha!

suman sa latik-003

 

 

oOo

"Mas mabuti nang mahalin mo siya ng hindi niya alam, kesa naman pagsigawan mo na, wala naman siyang pakialam."

Mangga at Suman

Nakaka-miss din kumain ng kombinasyon na to.

MANGGA at SUMAN

Masasabi kong pagkain-Tagalog talaga ang mangga at suman kasi napansin ko ang mga bisaya ay hindi gaano mahilig sa kombinasyon na to ng prutas na Mangga at kakanin na Suman. Ang namayapa kong padir at madir eh mga purong-Tagalog, kaya maalala ko noon, tuwing may handaanhindi nawawala ang mga kakanin lalo na pag fiesta at Pasko.

Hmmmnmay bahid-emotera ang mood ng Mamaru ngayon. Epekto siguro to ng dalawang araw ng mangga at suman lang ang breakfast ko, pati meryenda na rin. Hindi ko tuloy maiwasan ang maalala (insert Maalaala Mo Kaya theme song here) ang mga nag-Rest In Peace kong parents at mga kapatid. 🙁

oOo

Huwag nating saktan ang ating mga kaaway. Tandaan, tao din sila, hindi lang halata.

Monday Merienda: Puto

Last week pa nagtapos ang klase ng mga bagets ko. Umpisa na ng bakasyon nila, umpisa na ng mga pa chill-chill at maghapon na pakuya-kuyakoy kung hindi man sa harap ng tv, tiyak sa harap ng computer.

Kelangan ko na naman magkaroon ng idea ng sari-saring pang meryenda na pwedeng lutuin sa kusina kasi tiyak maghahanap ng makakain ang mga amo ko.

Naisip ko tong kakanin PUTO. Napakadali lang kasi gawin.

Puto_4

Puto

Imbes na rice flour, all-purpose flour ang ginamit dito. Para sa akin, mas OK sya kasi mas malambot at mas fine ang texture ng puto.

Ingredients:

  • 2 cups all-purpose flour
  • 2 tablespoons baking powder
  • 1/4 teaspoon salt
  • 1 cup sugar
  • 1 cup evaporated milk
  • 1 cup water

Preparation:

  1. Sift the flour with the baking powder and salt.
  2. Add the sugar, milk and water. Mix well making sure there are no lumps.
  3. Fill puto molds 3/4 full.
  4. Place uncovered in a preheated steamer and cook for 15 minutes or until risen and firm to the touch.
  5. Remove from steamer. Cool for a few minutes then unmold.

Takes 25-30 minutes. Makes 18 pieces.

Recipe Source: In Good Taste cookbook magazine

 

oOo

Sometimes, it can be painful when God comes in and rearrange our life. Have faith! God’s answers are wiser than our prayer.

Meryendang-Wagi

Dinalhan ako ni Manang ng kulay-orange na kamote noong Miyerkoles.

Da who naman si Manang?

Si Manang ay isang thundercats (matanda) na minsan ay nagde-deliver ng gulay dito sa akin sa bahay. Matagal na nya akong suki kaya naging prendster na kami. Ayun, at dinalhan nga ako ng kamotete. At siempre, may bayad. Hehe! Pangmeryenda daw namin netong Holy Week habang nagba-Bible study kaming mag-nanay. Sharooot!

Continue reading

Kakanin: Cuchinta

Image023

My afternoon merienda – CUCHINTA with grated cheese.

Image001

Ingredients:

  • 1 cup all-purpose flour
  • 2 cups water
  • 1 tsp. chinese white lihia
  • grated coconut or cheese
  • 1 cup brown sugar
  • food coloring (optional)

Method:

Add water to flour gradually while beating. Then mix in the remaining ingredients, plus a dash of food coloring. Continue beating until well blended. Pour on molders. Cover with cheese cloth and steam for 30 minutes or until done. Serve with fresh grated coconut or cheese.

Makes 14 pieces.

Note: Boil water in steamer before placing molds.