Kung may isang “katangean” siguro na namana sa akin ang unico hijo kong si Kevin, yun ay ang sense of humor (sense of humor daw o!) ko o kaya sa madaling salita – pagkakaroon ng katok sa ulo.
Katatapos lang nalagyan ng tiles ang kwarto nya at nakita nya akong kinukunan ko ng pic ang kwarto para ipakita ko sana kay Kups.
Kinulit-kulit ako at gustong umekstra sa pagkokodak ko.




