Tag Archive for kasal

Ninang

It’s 60 days more to go before Christmas. Ang bilis a! Parang kailan lang eh nag i-emote ako dito sa blog ko kung paano ako namumuhi pag dumarating na ang kapaskuhan, at eto na naman – Pasko na naman? Dalawang buwan na lang at sangkatutak na gastos na naman! Lech! Buti na lang at 5 lang ang inaanak ko.

Speaking of inaanak, eto matagal na talaga ako nagtataka, bakit kaya yung iba ang dami-dami nilang inaanak? Bakit ako 5 lang?   Tapos 3 out of 5 dun sa inaanak ko, mga pamangkin ko pa! Lahat puro wekwek este babae pa!

Bakit kaya wala masyadong kumukuha sa akin na ninang samantalang yung iba eh panay reklamo na at nagtatago na tuloy tuwing Pasko sa dami ng inaanak. Tanong ko tuloy sa sarili ko, ano bang meron akong lahat na wala sa kanila? Hehe!  Ano ba katangian ang tinitingnan sa pagkuha ng ninang? Wala ba sa hilatsa ko ang maging mabuting godmother? Choos!  Kunsabagay, may contest ba ng paramihan ng inaanak?

Hmmmn…siguro walang kumukuha sa akin na ninang dahil isa lang akong poorita. Hehe! Ako na rin ang sumagot sa tanong ko. Hmp! Kunsabagay, totoo naman na isa lang akong pobreng alindahaw. Teka nga, mabigyan nga ng tig-iisang iPad ang mga inaaanak kong bilats sa Pasko. Lol!

Read more

Kasal, Kasali, Kaloka!

Repost lang po ‘to. Nai-blog ko na ‘to noon (dated April 27, 2007) dun sa Friendster blog ko na ngayon ay dedbol na. Naalala ko lang ‘tong entry na to dahil sa lintek na rotating brownout na nangyayari ngayon. Eh kasi naisip ko kawawa naman yung may mga naka-sched na wedding ngayon.

Enways, paumanhin sa naka-attach na piktyurs..at ang lalabo. Chipangga lang kasi ang selpon camera ko kahit noon pa.

Basahin!

Aaa_1Nasa kasalan ang beauty ko kahapon. First time din naimbitahan ang 16 year old son kong si Kevin na maging isa sa mga jr. groomsmen sa wedding kaya di ko pinalampas na hindi dumalo. Gusto ko siempre makita ang anak kong gwapings sa suot nyang barong tagalog. Di ako pala-attend sa kasal ng may kasal (di rin kasi ako iniimbita eh. Waah). Siguro mga 3rd time ko pa lang to na makapag attend sa buong buhay ko.

It was just a very simple church wedding of a very young couple who are in their early 20’s only. Buntis na kasi si bride at kahit parehong nag aaral pa yung mga bata eh pinagpasyahang ipakasal na lang kasi according to the mother of the bride…kakahiya naman daw sa congregation nila eh aktibo pa naman dun si father of the bride.

Read more