Miss Na Kita

Miss na miss ko na siya ng sobra.

Uo

Pero hindi man lang nagte-text ang kurimaw. Ā Hmmp!

417088_2588848850113_1521345785_31945095_1394259326_n

O kaya tumawag man lang. Hmmp ulit!

Nakaka-miss din ang may lalaki sa bahay. šŸ™

t1

Uy, uwi ka rin paminsan-minsan, ha?

 

 

oOo

“A mother thinks about her children day and night, even if they are not with her and will love them in a way they will never understand.”

 

Usap 009

Habang nagdi-dinner kami kagabi (alangan naman dinner sa umaga, hello!), napag-usapan namin ng mga bagets ko ang tungkol sa nangyayari sa Egypt.

Bisaya salita namin kaya translate ko na lang sa tagalog ha?

KEVIN: "Ma, ano ba talaga ang nangyayari dun sa Egypt, ano ba dahilan ng civil unrest dun?"

MAMARU: (nagdunong-dunungan at ipinaliwanag ang tunay na dahilan ng gulo. ahem!) "Blah! Blah! Blah!…"

MAMARU: "Tsk!…pati nga internet dun na-cut na din eh."

KEVIN: "Oo nga daw. ‘La na internet kaya dapat iba na ang itawag sa kanila."

MAMARU: "Huh? Ano?"

KEVIN: Imbes E-gyptians, dapat Gyptians na lang. Hee hee

MAMARU: Frustrated

 

oOo

Don’t hold anything against those who did you wrong, ask GOD for peace. Let go of grudges make LIFE easier. -Alex Jeanty

Esep-Esep 9

  • Ay! February na! Kalurkey sa pagpalit ang mga araw. Parang kelan lang yun a. Kabo-blog ko lang ng pagra-wrap ko ng mga gips nung Krismas…tas nag New Year 2011…tas parang pumikit lang ako ng mata…tas napaidlip ng saglit…tas pagmulat ko ng mata ay – New Year na naman? Haleer! Inabot ba ng 365 days sa haba ang borlog ko? Choos, OA ko! New Year lang pala para sa mga chekwa.Ei! Kung Hei Fat Choi! Tas magba-Balentayms na naman? (taas-kilay). Wee! So bilis are the days ha!
  • Unang araw ng 2nd month. Aba, kelangan umpisahan ko ng bongga! Mga bonggang makeover! Para sa sanctuary ko…kwarto ko. Palit ako kanina ng bagong kurtina (bagong laba I mean). Palit ng fresh bed linens, cozy pillows, at dagdag pa ng comfy throw pillows para masaya. Rearrange ng workstation. Declutter ulit. Bukas sa kusina naman.
  • Bago mag end of month, kelangan may hair makeover din. Magpapakalbo ako. Tas magpapa-tattoo ako sa kuyukot ko.
  • Ang lamig ng klima ngayon. Walang sinabi ang weder nung December. Kaya panay lublob ko sa comforter. Impernes enjoy na rin ang Mamaru. Parang mas lalong sumasarap ang higop ko ng kape ngayon dahil sa lamig ng panahon. Panay sinabawan din ang mga niluluto ko…gaya ng sinigang na binaboy na karne.
  • Kauuwi lang ng unico hijo ko kagabi galing Cagayan De Oro City. Dumayo ang team nila para sa isang Frisbee Tournament nung weekend. Kinumusta ko. Olats daw sila. Hihi! Hindi na ako nagcomment pa at hinayaan ko na lang siya magkwento. Pero sa loob-loob ko, I admire my son so much. Kasi kahit olats sila eh keri lang niya. Natututo sya sa true meaning of sportsmanship. Grateful ako kasi I know I’m bringing up my son sa tamang paraan. Walang masamang bisyo. Hindi pabaya sa studies. Balang araw, mawala man ako at sunduin ni Lord para umuwi na, eh kampante akong maiiwan siyang cool lang. Alam na niya dalhin ang sarili sa kahit anong  frustrations posibleng ihain sa kanya ng life.
  • wedge shoes Nag dinner kami ng mga sisters ko. My Ate Ellen from Canada is home once again. Umaatikabong chikahan siempre. At touch ako, kasi kahit alam ng Ate ko na may pinagdadaanan akong proseso sa buhay lately, she complimented me by saying…"ok lang yan, ‘cat…by the way, you still look good." Kabog! Honestly, feeling ko I was up in the clouds, like a school girl complimented by the principal. Sa loob-loob ko, "Yes sister dear,  this, too, shall pass! Hindi man masarap ang buhay, ang importante eh masarap ako!". "Lam ko isa-isang maglalaho din ang mga bitterness ko. I’m getting there… ilang hakbang na lang ako sa proseso at masasabi ko na rin na naka move-on na ako."
  • May hand-me-down na pants sa akin ang Ate Ellen ko. Sinukat ko, at sabi ng sis kong si Millette…bagay daw sa akin. Awww! Hehe! Tse! Big deal sa akin ‘to. Na-excite ako kasi bihira akong magpantalon. Hindi daw kasi bagay sa akin magsuot…kasi maliit ako. Mas nagiging punggok daw ako tingnan. Kaya noong sinabi sa akin na maganda ang fit sa akin ng pants…nag imagine agad ang Mamaru. Wagi ang feeling! Tiyak babagay ang wedges ko sa pants ko. Hmmn..parang gusto ko sya agad i-rampa sa susunod na ME Time ko.

Pasaway Na Bagets

Gulat ko naman kanina nang makasabay ko sa dyip ang nebor ko at akay-akay ang tsikiting nya para ihatid sa school. Nagulat ako at pinakalbo ang bagets nya. Yun pala eh pinatuluyan na lang ng madir na ipakalbo ang anak dahil nang makahawak  ng gunting ang bagets para gumawa ng project sa art subject nila kagabi, eh na-kerid away ang kolokoy.

Napasarap ang paggupit at pati sariling buhok eh pinutol-putol. Ayun! Nagmukhang mini roll-on deodorant tuloy ang tsura ng pasaway ngayon. šŸ˜€

Naalala ko tuloy ang ganung experience ko rin sa sarili kong anak. Si Kevin noong magli-limang taon sya.

Ganun din, pinagpraktisan din gupitin ang bangs nya. Asar na asar ako! Hindi ko pinakalbo dahil naagapan naman bago nya naubos ang pagtabas ng lahat ng buhok. Pero bilang parusa, hinayaan ko na lang sya sa ganyang tsura nya hanggang sa mismong 5th birthday nya. Lol!

Kevin

 

Kaya mga inang…kung may mga maliliit pa kayong anakis…bantayan! Lalo na pag may hawak na gunting.

Stress Dahil Sa Kalamansi

Hanggang ngayon nanggagalaiti pa rin ako pag naaalala ko nung nagluto ako ng bangus belly steak two days ago. Inutusan ko ang Kevin ko na bumili ng P20 worth of kalamansi sa tindahan (sari-sari store). Bumalik ang bagets ko na bitbit ang anim na pirasong kalamansi. P20 daw yun.

Napa-HA!!?? ako. Parang gusto ko himatayin sa gulat! “6?! P20?! 6 lang?!!” Gusto ko rin sana itanong kay Kevin…”Eh nasaan ang puno?” Sa pagkakaalam ko kasi pag bumili ka ng kalamansi sa halagang bente petot dito sa probinsya eh parang binili mo na rin yung buong puno sa dami ng ibibigay sa yo. Dahil mura lang naman talaga ang kalamansi dito. Tapos biglang malalaman ko…anim na piraso lang? Bente petot? Pak!

kalamansi

Parang gusto ko nga ipasauli kay Kevin sa tindahan kaso alam ko mahihiya ang binata ko kaya hinayaan ko na lang.

Kanina bumili ako ng kalamansi sa supermarket. Mahigit kalahating kilo, more or less 40 pieces ang laman sa presyong P12.65 lang. Kitams!!!

DSC01688_2

Hays…Sa totoo lang hindi pa rin ako makapag-getober sa mala-gintong presyo na 6 for P20 ng kalamansi na yun dito sa tindahan sa kanto namin. Parang nai-stress ako pag naaalala ko yun. Nakaka-Inez Veneracion talaga. Grrr!

Heniwey, maiba tayo… wagi ang Shrimp, Cabbage and Bell Pepper Stir Fry na inihain ko for our dinner last night. Bumenta sa mga bagets ko, yun nga lang si Kevin puro hipon ang pinili. Nakngpitongkuba! Ayaw talaga kumain ng gulay ng mokong kahit anong pilit ko at kahit siguro isaksak ko pa sa ngala-ngala nya.  Pero OK na rin…basta naubos ang niluto ko. Payts na! šŸ˜€

shrimpcabbagestirfry

 

Shrimps, Cabbage and Bell Pepper Stir Fry

Ingredients :

18 medium-sized shrimps
1/2 head of cabbage
1 large white onion
4 cloves of garlic
2 red bell peppers
1/2 tsp. of grated ginger
4 tbsps. of cooking oil
salt
pepper
a drizzle of sesame seed oil

Cooking procedure :

Wash the shrimps. Cut off the heads. Peel off shells.

Shred the cabbage. Crush, peel and finely chop the garlic. Peel and dice the onion. Cut bell peppers into thin strips.

Heat the cooking oil in a frying pan or wok. Throw in the shrimps. Add the diced onion, grated ginger and chopped garlic. Cook, stirring, just until fragrant (about 15 seconds). Add the shredded cabbage and bell peppers. Season with a little salt and lots of freshly ground pepper. Cook for about a minute to a minute and a half, just long enough to cook the shrimps and NOT overcook the vegetables. Off the heat, drizzle with a little sesame seed oil and you’re done. šŸ™‚

Recipe Source/Courtesy of Connie Veneracion’s http://homecookingrocks.com/

Sana

O ha! Luto-lutuan ako kanina ng Pasta Carbonara para sa mga bagets ko. Wala lang, natuwa lang ako kasi hindi nila ako inistorbo o ginising kaninang umaga para lang magluto ng breakfast nila. Napansin kong nagkanya-kanya si Kevin at Keziah ng diskarte ng maa-almusal nila sa kusina. Tsaka huy! Day-off ko kaya ngayon noh! Kaya naman 9:30am na ako bumangon.  Eto ang ok pag medyo malalaki na ang mga junakis mo. Nagkukusa na lang sila at hindi na ako iniistorbo habang borlog. Na-touch naman ako kaya in return, nilutuan ko sila ng pasta nung bumangon ako sa patay-patayan ko.

carbonara-1

Mga ilang taon na lang hihintayin ko. Siguro naman darating din ang panahon na sila na talaga ang magluluto ng almusal para sa amin tatlo….at ako naman ay babangon para lumafang na lang.

Pero sana mag level up na ako. Gusto ko sana sa mga susunod na panahon… yung paghahanda ng “almusal” naman ni Kups ang aasikasuhin ko. Bahala na kayo mag isip kung anong klaseng almusal ang tinutukoy ko. Basta sisiguraduhin kong yummy sya. šŸ˜€

Larawang Kupas

Eto karakas o pagmumukha namin tatlo nung year 2000. Yagit na yagit.  Nahugot ko ‘to sa baul ko kanina lang. Medyo kupas na nga at lukot. Grabe, sampung taon na pala ang nakalipas.Pinalobong plastik na pambalot lang ang toy ni Ziah noon. Eto yung mga panahon kung saan tumatanggap pa ako ng labada sa umaga at barker naman sa dyip pag hapon. šŸ˜›

scan0001

Eto naman kami after 10 years. Mayaman na kami neto. Charot! Kita nyo naman nakakabili na kami ng bling-bling para sa leeg namin. O ha! Asensado na! Kuha ‘to last November 1, noong UNDAS…noong binisita namin ang malawak na lupain namin sa sementeryo.

mykiddos1

Continue reading

Workstation

  • Mamaru’s workstation

DSC01183_2DSC01193_2

  • Keziah’s workstation

DSC01186_2 DSC01187_2

  • Kevin’s workstation

Toink! Nagdalawang isip ako kanina kung isasama ko pa ang pics ng workstation ni Kev sa loob ng room nya. Pero eto talaga ang tsura ng kwarto nya kanina. Nakasabit kung saan-saan ang mga shirts nya, nakakanganga ang mga drawers, nakakalat na sapatos at maduduming medyas sa ilalim ng mesa. Hays..

DSC01189_2 DSC01190_2

Kalurkey talaga ang kwarto ng unico hijo ko! Parang dinaanan lagi ng Signal No. 1 na bagyo. Pag nalilinis ko at naililigpit ko mga gamit sa room nya, isang araw lang talaga ang itinatagal ng pagiging maayos. Kaya sumuko na ako. Pag wala siya, isinasara ko na lang lagi door nya para di ko nasisilip kung gaano kagulo kwarto nya at baka mapaaga lang pagmemenopos ko sa kunsumisyon.

Pinagpala Sa Anak

Kung meron man akong  maituturing na PINAGPALA ako sa buhay – yun ay sa mga anak ko.

Nakakatuwang  tingnan na malalaki na sila ngayon. Binata at dalaga na nga! Pero alam ko na nalalapit na ang mga araw na magkakaroon din sila ng kanya-kanyang buhay at magiging bisi-bisihan na rin sila. Darating ang araw na ipupursige na nila ang kani-kanilang pangarap.

Kunsabagay, alam ko rin naman na hindi ko sila pag-aari at balang araw, alam ko na iiwanan din nila ako. Well, matagal ko na yan pinag isipan at ngayon pa lang ay masasabi kong  handa na  ang loob ko.

Heniweys, siguro pag dumating ang araw na magkakanya-kanya na sila, ang masasabi ko lang ay…“Yes! At last, I’m freeeeee! Yahoooo! “ Lol! Makakapagliwaliw na rin ako! At siguro naman ay tuluyang makakapag–asawa na rin ako nyan kahit uugod- uugod na ako at kahit dehins ko na keri ang kumendeng at kumembot!  Hay josko, sana nga lang ay may libog pa ako sa katawan kung dumating ang panahon na yun. Wahaha!

Seryosli, ipinagpapasalamat ko talaga kay Lord ang pagkakaroon ng isang Kevin at isang Keziah. Hindi man sila perpektong mga junakis, eh bihira naman nila akong bigyan ng problema. Ano pa nga ba ang dapat kong i-angal sa mga bagets ko na ang babait at hindi mga pasaway. Sila na walang hinangad  kundi ang suportahan ang mga gusto at desisyon ng yummylicious nilang madir! šŸ˜€

Alam ko, mag decide man ako na mag-asawa mamaya o bukas o sa makalawa – walang palag ang mga yan dahil bukas ang heart at isipan nila sa ideya na ako man ay kelangan madiligan  may sariling buhay din at may karapatang sumaya.   Oo, maligaya ako sa mga anak ko pero hindi ako ipokrita sa katotohanan na may happiness din na hinding-hindi nila maibibigay sa akin. Ah basta pasalamat na lang  ako na wala sa bokabularyo ng mga anak ko  ang maging makasarili.

Lalo na ‘tong fourteen year old daughter kong si Keziah na maituturing kong bespren ko sa ngayon.  I just love my girl. Siya ang tangi kong kasa-kasama ngayon. Kaya siguro vibes na vibes kami ng doter ko marahil ay dahil sa opposite kami ng personality. Kung kalog ako…napaka-prim and proper naman ng hija ko. Kung gaano ako kadaldal… over naman ang doter ko sa pagiging mahiyain at tahimik. Sabagay, opposite poles do attract nga daw.

Medyo kampante loob ko  at nakakahinga din ako ng maluwag dito sa unica hija ko.

Bakit?

Kasi positibo akong  hindi nya namana ang taglay kong natural na kalandian sa pagkatao ko. Weee!  Tenkyu Lord!  šŸ˜€

DSC01158

On Children
Kahlil Gibran

Your children are not your children.
They are the sons and daughters of Life’s longing for itself.
They come through you but not from you,
And though they are with you yet they belong not to you.

You may give them your love but not your thoughts,
For they have their own thoughts.
You may house their bodies but not their souls,
For their souls dwell in the house of tomorrow,
which you cannot visit, not even in your dreams.
You may strive to be like them,
but seek not to make them like you.
For life goes not backward nor tarries with yesterday.

You are the bows from which your children
as living arrows are sent forth.
The archer sees the mark upon the path of the infinite,
and He bends you with His might
that His arrows may go swift and far.
Let your bending in the archer’s hand be for gladness;
For even as He loves the arrow that flies,
so He loves also the bow that is stable.

Me and Ziah

Me and Keziah @ Parents and Child Dialogue last Saturday, October 9, 2010, La Salle Academy, Iligan City