Mga Anik-Anik Lang Ulit

  • March na, lapit na bertdey ng unica hija ko. She’s turning 15 on the 15th. Susme, bilis talaga ng panahon. Hindi ko na namamalayan eh baka bukas may humihila na sa laylayan ng palda ko. Magugulat na lang ako na yun ay apo ko na pala yun! Waaa! Ang bilis!
  • Lalabas na sa March 11 ang bagong Apple iPad 2.  Leche! Ni hindi pa nga ako nakakahawak ng tunay na Apple iPad, eh eto na at lalabas na agad ang latest version. Kala-launch lang ni Manong Steve Jobs  (grabe! sobrang payat nya!) ng iPad 2. Nakakasuya! Hanggang Apple Pie na lang ba ako? Lol! Howel, hindi pa naman ako nawawalan ng pag-asa, siguro sa paglabas ng iPad 9, siguro may trabaho na si Kevin ko nun at pwede na maglambing at magturo para magpabili ng Apple computer ang madir nya.

ipad 2

  • Tuwing napapanood ko si Muamar Gadaffi ng Libya sa TV, napapatitig talaga ako sa mukha nya. Hindi ko maintindihan, ano ba yan? Naka-plastic surgery ba sya o manas lang talaga? Parang tinapalan ang mukha ng ewan. Kakaiba yung labi nya ha! Parang syang isa sa mga wax figures naka-display dun sa Madame Tussaud wax museum ng London na binigyan-buhay at ngayon ay handang maghasik ng lagim sa Libya. Scary talaga chura nya. Worried

gaddafi3 gaddafi1 gaddafi2

  • Looky! Looky! Ang cute neto:

toothbrush

Ang ganda pang regalo.

At eto pa, I want this.

cb2-birch-storage-boxes

Gusto ko to para lagayan ko ng:

1. mga brilyantes, diamantes, at iba pang alahas ko.

2. mga salafi ko na nasa ibat ibang currency.

3. taguan ng mga mahahalagang papeles, titulo ng mga lupain at iba pang mga ari-arian ko.

4. lagayan ng mga pictures ng mga naging boylets ko in the past. (yung pinakamalaking kaha)

 

oOo

Life’s not always fair, but we must believe that everything we go through now will pay off in the long run.

Ziah’s Artworks

Napasilip ako kahapon sa drawing pad ng unica hija ko na nakatiwangwang sa pc workstation nya. Siempre dahil sa nasiyahan ang madir sa nakita nya, kumodak ng kumodak sa mga drawing.

At napa-hmmmn ako.

Hmmmn.pwede na kako! Isip-isip ko, sa edad nyang katorse, may kalaliman din pala tong bagets ko. Napapatanong tuloy ako sa sarilijunakis ko ba itetch? Naks! Hehe! (Baklang-bakla kung mag-isip ang nanay.)

Nakakatuwa tingnan ang mga drawing nya. Wala akong talent na ganito. Yung talent ko, pang-bedroom eh. Hidden! Lol!

Teka, masingitan nga rin ng mga koleksyones ko ng mga quotes. Mga quotes na wala naman koneksyon sa drawing. 😛

DSC02173-1

Live the life you want to live, be the person you want them to remember, make decisions & mistakes. Because its better you try than just cry.

 DSC02174_2-1

The train of life keeps moving. It’s leaving the station.Get aboard or be left behind.Get on, explore life to the fullest!

DSC02175_2-1

Life stops when you stop dreaming, Hope ends when you stop believing, And Love ends when you stop caring.

DSC02176_2-1

We cannot overcome anger and hatred simply by suppressing them. We need to actively cultivate the antidotes: patience and tolerance.

DSC02177_2-1

Every storm isn’t because you’re doing something wrong. Have faith! It could be because you’re doing something right!

DSC02178_2-1

Optimism means expecting the best, but confidence means knowing how to handle the worst. Be both!

DSC02179_2-1

Happy are those who dream dreams and are ready to pay the price to make them come true.

DSC02180_2-1

The more you put your trust in God, the more you discover that He never lets you down.

 DSC02181_2-1

My life is priceless. And Im not something to be ashamed of.

Sana

O ha! Luto-lutuan ako kanina ng Pasta Carbonara para sa mga bagets ko. Wala lang, natuwa lang ako kasi hindi nila ako inistorbo o ginising kaninang umaga para lang magluto ng breakfast nila. Napansin kong nagkanya-kanya si Kevin at Keziah ng diskarte ng maa-almusal nila sa kusina. Tsaka huy! Day-off ko kaya ngayon noh! Kaya naman 9:30am na ako bumangon. Eto ang ok pag medyo malalaki na ang mga junakis mo. Nagkukusa na lang sila at hindi na ako iniistorbo habang borlog. Na-touch naman ako kaya in return, nilutuan ko sila ng pasta nung bumangon ako sa patay-patayan ko.

carbonara-1

Mga ilang taon na lang hihintayin ko. Siguro naman darating din ang panahon na sila na talaga ang magluluto ng almusal para sa amin tatlo.at ako naman ay babangon para lumafang na lang.

Pero sana mag level up na ako. Gusto ko sana sa mga susunod na panahon yung paghahanda ng almusal naman ni Kups ang aasikasuhin ko. Bahala na kayo mag isip kung anong klaseng almusal ang tinutukoy ko. Basta sisiguraduhin kong yummy sya. 😀

Larawang Kupas

Eto karakas o pagmumukha namin tatlo nung year 2000. Yagit na yagit. Nahugot ko to sa baul ko kanina lang. Medyo kupas na nga at lukot. Grabe, sampung taon na pala ang nakalipas.Pinalobong plastik na pambalot lang ang toy ni Ziah noon. Eto yung mga panahon kung saan tumatanggap pa ako ng labada sa umaga at barker naman sa dyip pag hapon. 😛

scan0001

Eto naman kami after 10 years. Mayaman na kami neto. Charot! Kita nyo naman nakakabili na kami ng bling-bling para sa leeg namin. O ha! Asensado na! Kuha to last November 1, noong UNDASnoong binisita namin ang malawak na lupain namin sa sementeryo.

mykiddos1

Continue reading

Workstation

  • Mamaru’s workstation

DSC01183_2DSC01193_2

  • Keziah’s workstation

DSC01186_2 DSC01187_2

  • Kevin’s workstation

Toink! Nagdalawang isip ako kanina kung isasama ko pa ang pics ng workstation ni Kev sa loob ng room nya. Pero eto talaga ang tsura ng kwarto nya kanina. Nakasabit kung saan-saan ang mga shirts nya, nakakanganga ang mga drawers, nakakalat na sapatos at maduduming medyas sa ilalim ng mesa. Hays..

DSC01189_2 DSC01190_2

Kalurkey talaga ang kwarto ng unico hijo ko! Parang dinaanan lagi ng Signal No. 1 na bagyo. Pag nalilinis ko at naililigpit ko mga gamit sa room nya, isang araw lang talaga ang itinatagal ng pagiging maayos. Kaya sumuko na ako. Pag wala siya, isinasara ko na lang lagi door nya para di ko nasisilip kung gaano kagulo kwarto nya at baka mapaaga lang pagmemenopos ko sa kunsumisyon.

Pinagpala Sa Anak

Kung meron man akong maituturing na PINAGPALA ako sa buhay – yun ay sa mga anak ko.

Nakakatuwang tingnan na malalaki na sila ngayon. Binata at dalaga na nga! Pero alam ko na nalalapit na ang mga araw na magkakaroon din sila ng kanya-kanyang buhay at magiging bisi-bisihan na rin sila. Darating ang araw na ipupursige na nila ang kani-kanilang pangarap.

Kunsabagay, alam ko rin naman na hindi ko sila pag-aari at balang araw, alam ko na iiwanan din nila ako. Well, matagal ko na yan pinag isipan at ngayon pa lang ay masasabi kong handa na ang loob ko.

Heniweys, siguro pag dumating ang araw na magkakanya-kanya na sila, ang masasabi ko lang ayYes! At last, Im freeeeee! Yahoooo! Lol! Makakapagliwaliw na rin ako! At siguro naman ay tuluyang makakapagasawa na rin ako nyan kahit uugod- uugod na ako at kahit dehins ko na keri ang kumendeng at kumembot! Hay josko, sana nga lang ay may libog pa ako sa katawan kung dumating ang panahon na yun. Wahaha!

Seryosli, ipinagpapasalamat ko talaga kay Lord ang pagkakaroon ng isang Kevin at isang Keziah. Hindi man sila perpektong mga junakis, eh bihira naman nila akong bigyan ng problema. Ano pa nga ba ang dapat kong i-angal sa mga bagets ko na ang babait at hindi mga pasaway. Sila na walang hinangad kundi ang suportahan ang mga gusto at desisyon ng yummylicious nilang madir! 😀

Alam ko, mag decide man ako na mag-asawa mamaya o bukas o sa makalawa walang palag ang mga yan dahil bukas ang heart at isipan nila sa ideya na ako man ay kelangan madiligan may sariling buhay din at may karapatang sumaya. Oo, maligaya ako sa mga anak ko pero hindi ako ipokrita sa katotohanan na may happiness din na hinding-hindi nila maibibigay sa akin. Ah basta pasalamat na lang ako na wala sa bokabularyo ng mga anak ko ang maging makasarili.

Lalo na tong fourteen year old daughter kong si Keziah na maituturing kong bespren ko sa ngayon. I just love my girl. Siya ang tangi kong kasa-kasama ngayon. Kaya siguro vibes na vibes kami ng doter ko marahil ay dahil sa opposite kami ng personality. Kung kalog akonapaka-prim and proper naman ng hija ko. Kung gaano ako kadaldal over naman ang doter ko sa pagiging mahiyain at tahimik. Sabagay, opposite poles do attract nga daw.

Medyo kampante loob ko at nakakahinga din ako ng maluwag dito sa unica hija ko.

Bakit?

Kasi positibo akong hindi nya namana ang taglay kong natural na kalandian sa pagkatao ko. Weee! Tenkyu Lord! 😀

DSC01158

On Children
Kahlil Gibran

Your children are not your children.
They are the sons and daughters of Life’s longing for itself.
They come through you but not from you,
And though they are with you yet they belong not to you.

You may give them your love but not your thoughts,
For they have their own thoughts.
You may house their bodies but not their souls,
For their souls dwell in the house of tomorrow,
which you cannot visit, not even in your dreams.
You may strive to be like them,
but seek not to make them like you.
For life goes not backward nor tarries with yesterday.

You are the bows from which your children
as living arrows are sent forth.
The archer sees the mark upon the path of the infinite,
and He bends you with His might
that His arrows may go swift and far.
Let your bending in the archer’s hand be for gladness;
For even as He loves the arrow that flies,
so He loves also the bow that is stable.

Me and Ziah

Me and Keziah @ Parents and Child Dialogue last Saturday, October 9, 2010, La Salle Academy, Iligan City