Muntik ko na makalimutan. Dapat kahapon ko pa natapos at nai-post ‘to.
Binigay pa naman ang karangalan na ‘to galing kay kagandahan Ella.
Men, para sa akin mamahalin ang award na itetch dahil alam kong maselan ang panlasa ni kagandahan. Mapili. Hehe.
Aktwali, mas angkop sa kanya ang tawagin na “Kick Ass Blogger” kesa sa akin dahil ang galing at talas nya magsulat. Mas bagay yata sa akin yung “Kiss Ass Blogger”.
- Ella of ellaganda.com
“quintessence” - [THESAURUS: essence, embodiment, epitome, personification, perfect example, ideal, soul heart]
Langya! Napa-Google search ako bigla sa meaning ng word na ‘yan. Sa dinami-dami ng mga words na pwedeng gamitin, bakit kaya eto pa ang naisipan nyang gamitin. Si Ella talaga, oo. Lols! Sinubukan ko rin bigkasin ng malakas, napapadikit lang ang dila ko sa ngipin ko at ngala-ngala! Hehe.
Maraming salamat po, kagandahan Ella dahil kahit ilang sandali lang ay pinaramdam mo sa akin na kunyari ay isa akong JOSA. (move over, Anne Curtis!) Lols!

"Oh she takes care of herself. She can wait if she wants. She's ahead of her time. Oh and she never gives out. And she never gives in. She just changes her mind..."
-- Billy Joel's "She's Always A Woman To me" 





