Tag Archive for Kris Aquino

Eweno Kung Fan Ako Ni Kris

9-25-2010 10-14-34 AM

Ang tarush ng lola ko!

Kung meron man akong gusto arborin sa mga katangian ni Kris Aquino…yun ay ang mala-porselanang kutis nya, yung pagiging SMART and WITTY, o simply – yung UTAK nya!

Gusto ko ‘tong tweet nya ngayong umaga. Ang taray to the nth level! Oo nga naman, (aktwali nakaka-relate ako ng konti). Hehe! Kumbaga…”I live my life, so please live yours!” ang talak nya dito. Walang pakialamanan! Bakit ba! Andami talaga gustong magmarunong sa kung paano dapat mamuhay o kumilos ang madir ni Baby James. Pati simbahan pinakikialaman na sya. Sows!

Her tweet said it all! Hangga’t hindi tayo ang nagpapalamon sa mga anak nya, wala tayong K para magdikta at manghusga. Pag hindi pa ba naman ma-gets yan ng mga detractors nya, ewan ko na lang pero baka bobo na nga lang yata talaga ang hindi makakaintindi.

Sabihin nyo na ang lahat na maipipintas nyo sa babaeng ‘to pero hindi mapagkakaila na intelihente talaga ang girl na ‘to at bow ako. Kung may “Tide is Tide”, may “Kris is Kris” din. Lol! Keber ko naman kung taklesa at papampam sya ng madalas. Basta saludo ako. Period.

Esep-Esep 5

  • Nag-iba na naman ang  takbo ng body clock ko. Kung dati rati nagigising ako ng 5:30 ng umaga, ngayon as early as 4am, gising na ang lola nyo! Waaah! Tulog pa yata ang Diyos, eh gising na aketch! Mag–iisang linggo na akong ganitetch, kaya naman nilalatag ko na lang sa kama ng maaga rin ang pagal pero yummylicious kong katawan. Sinisikap kong 9pm pa lang, nakahiga na ako para makakuha ng 7 hrs na tulog. Hays… isa lang talaga ang ibig sabihin  nitetch…tanders na nga ako. Huhuhu!
  • Maingay na pinag uusapan ngayon dito sa Pilipinas yung tungkol sa lumabas na cellphone video ng isang police brutality. Yung video ng pagto-torture sa isang snatcher slash holdaper slash kriminal sa Tondo. Dios mio! Tinalian ba naman yung etits nung kawawang mama at hinila-hila ang ting-a-ling-a-ling-ding-dong nya! Hmmmn! Nabibigyan tuloy ng idea yung mga nagdurusang misis kung ano gagawin dun sa ari ng mga mister nilang hindi makuntento sa iisang pekpek.
  • Araw-araw na lang at tuwing hapon umuulan dito sa amin. Pag napapatingin ako sa ulan na bumabagsak sa lupa, isa lang ang nasasabi ko sa sarili ko. “Mabuti pa ang lupa…nadidiligan!” Wahaha!
  • Ang pinay ay known na resilient, matiisin hangga’t kayang magtiis. Mapag pasensya, mapag intindi at yung iba ay martir pa nga kahit na inuumbag na sila ng mister nila.  Sa  usapang hiwalayan nina Kris Aquino at James Yap, gusto pa ni James Yap na ayusin ang marriage nila di ba? Eto ang masasabi ko,  bihira sa pinay o sa babae ang hindi mapagbigay. Pero pag ang babae  talaga ay naibigay na ang lahat ng kaya niyang ibigay ng sarili nya sa isang  relasyon, at pag umayaw na si babae , eh ayaw na talaga!  Kaya ikaw James Yap, asa ka pa!
  • Tip para sa mga nagbabalak kumuha ng katulong o kasambahay. Pag  ang katulong na bagong hire ay malakas ang loob  na gusto na agad umutang o kaya nakikiusap na agad ng advance kahit kabago-bago pa lang  – wag na kayo mag anu-ano pa, tsugihin nyo na agad! Maniwala kayo, hindi magandang palatandaan ang ganung klaseng katulong. Hindi yan magtatagal sa inyo, pramis! Sayang lang ang effort nyo sa pakikisama.  At least man lang sana ay 3 months muna sya magtrabaho sa inyo bago sya magpakapal muks na mag advance o mangutang, di ba?

Kris vs Ruffa

Showbiz muna tayo! At eto ang latest!

Nagising ako na hindi pa rin ako makapag-getober sa isyu ng Kris vs Ruffa mula pa kahapon sa The BuzzNyahaha!

Ang isyu, kesyo binara-bara daw kasi o kinawawa ni Kris si Ruffing na aalis na sa program ng ABS-CBN at lilipat na sa ibang TV network!  O divah, updated ang lola nyo.

Super-aliw kami ng pamangkin kong si Gay Lani sa kasusunod ng pangyayari hanggang sa Twitter. Follower ako ang dalawang ta-artits sa Twitter. Chos ako feh, authentic jologs  kaya ako. Wahaha! Imperness, napasaya ng isyu ang Sunday ko.

The Buzz, kahapon.

Heniways, kayo na ang bahala gumalugad sa internet tungkol ng ibang pangyayari kahapon The Buzz at ang pagtatalak ni Annabele Rama kay Kris.

Basta post ko na lang ang official statement ni Krissy (uy! close kami!) tungkol dun sa isyu.

I had dinner with Noy tonight after his tv commercial shoot.
He told me di raw ba pwede na may quiet Sunday kami?
And he asked why sya nadamay when he’s not even part of the Buzz
I would like to extend a loving hug to Ruffa.
I viewed the tape and although I still feel I gave my comment with affection.
Maybe it made her feel even worse because she’s moving in a new direction.
We had what I believed was a good working relationship in the almost 2 years we were together on the Buzz.
I can also understand why Ruffa’s mom dislikes Noynoy and my family.
Maybe because of association and our vocal proclamation of admiration for Dingdong.
And his selfless contribution to help Noy’s presidential bid.
It is with Ruffa that I enjoyed a healthy working relationship with.
And I only have good words to say about her.
To Ruffa, I sincerely apologize for causing you hurt.
My brother Noynoy would like to add that we live in a democracy.
One where we are very free to make our own choice for president.
This text came from my sister Pinky : Tomorrow is Women’s day.
And March is women’s month. Fyi, it was mom who passed laws making this possible.
(Proclamation No. 224 and 227, both signed in March 1988).
And RA 6949 (signed April 1990 – declares March 8 as National Women’s Day.
We celebrate women who triumphed despite odds and need to look at ways to further improve.
That’s why I want Ruffa to have a great career ahead of her because she is a woman.
Raising two beautiful daughters, and I champion all women who triumph despite the odds.
Just like my own mom.
Noy told me in any election, we’ll have our share of supporters and harshest critics.
And if you can’t take the heat, then politics isn’t for you.
As a woman, and as Ruffa’s mom and the lola of Lorin and Venice, I respect you Tita Anabelle.
And on behalf of our family, I apologize for the distress we caused yours.
Hindi po ako mayabang, kaya ako nagpapakumbaba ngayon.
On a last note, I promised Noy that if he does WIN, and I’m a cause of stress for him and his presidency..
I will gladly take my two boys to live anywhere there’s TFC.
So that I can continue to work but with our Overseas Filipino brothers and sisters.
Of course Noy said – dinner daw yun – hindi teleserye ko.
I love my family and I’m so grateful to have such a supportive and grounded brother and sisters,
Who have learned to love me for what I am.
Thank you for your time and may god bless all of us with a peaceful weekend.

Ang sa akin lang, parang napaka-balat onion naman yata ni Ruffing. Imagine, 2 years na sya diyan sa programa eh ngayon lang sya pumalag sa pambabara sa kanya ni Kris? Madalas kaya gawin yan sa kanya! Lol! Bakit now lang nag-crayola ang mujer?

Palagay ko naging emotional lang sobra si Miss World, napansin ko na sa mga tweets nya since last week, lungkot-lungkutan na sya dahil nga sa aalis na sya sa programa. Eh di ba ganun naman tayo. Masentemyento tayo pag iiwan ang mga bagay-bagay na nakasanayan natin?

Hays, lunes na lunes…buhay-showbiz agad ang inatupag ko sa internet.

Ewan ko ba, masarap kasi minsan ang mangialam sa buhay ng may buhay.

O sha, alis na ako…nood pa ako ng Oscar Awards.

oOo

P.S.

Happy National Women’s Day sa mga bilat!

Esep-Esep 2

  • Similarities meron si Jason Ivler at Michael Scofield of Prison Break? Parehong tadtad ng tattoo ang bodylicious ng dalawang hombres, parehong mga skinhead cuties at parehong yummylicious! Wraaar! Lol! Kaibahan? Isang kontrabida at yung isa ay bida. Kay Jason Ivler, wag na wag kang tatanga-tanga sa pagda-drive dahil pag natiyempuhan ka ng mokong na yan sa daan…siguradong may paglalagyan ka. Nyay!
  • Sa hiwalayang Kris Aquino at James Yap: Tama si Ai-ai de las Alas sa advice nya kay friendship Krissy nya: isauli si James sa nanay nya! See, kung ano laki ng titi ni James (“Big Bird” tawag sa kanya nung girl sa James Yap-Hope Centeno scandal di ba?) ay sya naman liit naman yata ng utak nya. Ewan ko ba, natatangahan ako sa mukha ni James Yap. Parang hindi marunong mag isip eh. Naaalibadbaran lang ako sa mga sagot nya tuwing may interview sa TV.
  • Sa mala-gintong presyo ng asukal ngayon (more than 1$ ang isang kilo): pasalamat ako that I’m sweet enough. Derpor, hindi ako affected.
  • Pag nakikita ko ang campaign Ad ni Rey Langit sa TV: sana ma-realize ni Rey Langit na hindi nya talaga kasangga ang langit. Ang kulit nya ha!
  • Sa 2.5  feet na haba ng balota na gagamitin sa darating na “computerized” election, isang word lang ang inaasahan kong siguradong mangyayari – CHAOS!
  • Habang tumatagal, mas lalo lang ako nai-inlab sa Kups ko. Uyyyyyy!  Di nga, just a mere thought of him…nakikiliti na agad ang t*ngle ko. Wahaha!

* * * * *