Tag Archive for Kups

SMS Jokes 2011-184

SA BOTICA..

CUSTOMER: (pabulong) “‘Day, isang condom nga..”

SALESLADY: “Sayz Sir!”

CUSTOMER: (nahiya) “small lang.. hehehe..”

SALESLADY: “hindi Sir, sayz pisos ang isa!”

After 50 years…

URBANA: “Mare, how’s your sex life?”

DOLORES: “Well, sa age ni pare mo, MUKHA na lang ang nagagalit, BALAHIBO na lang ang tumatayo at UBO na lang ang matigas.”

“Alam kong may gusto ka sa akin. Pasimple ka pa. Bakit hindi mo ako seryosohin? Pero bago ang lahat, gusto ko, alam mo na hindi ako easy-to-get.” – FLAT 1.0 grade

“Huwag po nating salubungin ang mga bumababa. Hindi po natin sila kamag-anak.” – LRT OPERATOR

 

Read more

Hahaha!

‘La lang, napatawa lang talaga ako ng main sponsor ko ng mga SMS jokes ko dito sa Maruism na si Mike.

Eh kasi babati din lang ng Happy Birthday ang loko ay sinamahan pa ng request na para bang mapapasubo yata ako.Lol!

frommike

Hindi ko akalain na curious si Mike kung may birthday greetings din si Kups sa akin. Hahaha! Heniways, sige isi-share ko.

Pero magpapakatotoo muna ako ha?

Kasalukuyang hindi kami in speaking term ni Kups. Gaya din ng ibang couple na nasa relasyon ay hindi kami exempted ni Kups sa mga pagsubok. Nagiging sunod-sunod ang problema namin lately.

Read more

Love Thee (Part 2)

1-29-2011 12-23-35 PM

 

41. Love him for always making me cry. Tears washes my eyes. Perhaps for me to see more clearly.

42. Love him for the dozen of roses he sent. I displayed them all in one corner of my house. I still adore seeing them every day – dried.

43. Love him for the ring. Though haven’t tried it on, it melts my heart just staring at it. Wondering if it fits my finger. I don’t have a ring. Never had one.

44. Love him for not scolding me. Not even once. For my offenses and mistakes.

45. Love him for always leaving me without a word. Maybe for him to test me if I am still here when he comes back.

46. Love him for ignoring me. For the silent treatment. Gives me time to scrutinize and be connected to myself once again.

47. Love him for emailing me jokes. He makes “ambag” to my collection of SMS jokes. He supports Maruism.

48. Love him for giving me his pictures. More than 5 pieces already! For me to share to my friends and prove that, “Hey! See! He’s real!”

49. Love him for not staying up late at night anymore. His doctor will be glad.

50. Love him for no more waking up and dragging himself out of the bed very early in the morning. No more unholy hours of getting up just to talk to me online. Although I miss the deed. He will be healthier. His doctor will be happier.

51. Love him for sharing me stories about England. The lousy weather, the snow, et al.

 

Read more

Paano Maglagay Ng BebelGam Sa Lilipap

Isa’t kalahating lucresia din ‘tong pretty ka-FB kong si Melith.

1-26-2011 9-39-57 AM

 

Kalokah! Umagang-umaga, nasa kalagitnaan ba naman ako ng pagro-rosaryo at ng Wednesday NOVENA ko (weh! di nga?! charot!), eh pasahan ba naman ako neto:

 

 

 

Sus mariano garapon! Buti na lang hindi ako mahilig sa bebelgam dahil aminado ako…wala akong ka-talent-talent sa ganito. Oo, mas gusto ko kumain ng lilipap, pero sensya na…ayaw ko talaga ng bebelgam. Ayaw! Ayaw! Ayaw! :D

Tenkyu Lord! Buti na lang pareho kami ni Kups na ayaw ng bebelgam! Wahaha! :D

Define: LOVE

Lahat tayo (lalo na mga girls) ay may sarili at mga paboritong quotes.

Ako man ay mahilig sa mga quotes, ng kahit anong quotes. Araw-araw, walang palya…I feed myself reading quotes sa Twitter ko. Maybe it’s just me, pero nakakahugot din ako ng lakas at inspirasyon kahit sa pagbabasa lang ng quotes. Quotes lang, napapaganda na minsan ang araw ko.

Pagdating naman sa define:LOVE quotes, ay gusto ko yan! Masaya yan! May kanya-kanya din tayong paboritong quotes at definition diyan. Naaalala ko tuloy noong bagets pa ako…tuwang-tuwa ako pag isini-share sa akin ng mga grade school classmates ko ang slumbook nila. Siempre, hindi nawawala dun ang nangunguna at walang kamatayan na “Define LOVE” at iba pang ka-charotan na kelangan sagutan! Siempre dahil mga bata at virgin pa kami ng mga kaklase ko noon, kaya kadalasan ay ganito ang mga inosenteng sagot namin noon:

Love is God.

Love is Papa and Mama.

Love is like a rosary that is full of mystery.

Love is….secret!

Hehe! Ah basta…marami pang mga korning eklavu noon na mga definition ang LOVE, hindi ko lang matandaan.

LOVE…habang tumatanders ako, natural nag-iiba ang paniniwala at kahulugan ko ng salitang LOVE. Para sa akin, eto na yata ang pinaka-ULTIMATE, pinaka-MAGANDA at pinaka-TOTOOng kahulugan ng salitang LOVE…

 1-25-2011 8-47-59 AM

Pagdating sa lablayp ko, pag nawiwindang ako sa sarili ko, pag hindi ko alam kung ano ang gagawin sa mga nangyayari at pag hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko sa boypren ko. . . yang quote na yan ang sinisiksik ko sa bungo ko…buong puso na isinasagawa at isinasabuhay.

Ikaw? Anong sa ‘yo?

 

oOo

To love without condition, to talk without intention, to give without reason and to care for someone without expectation is the art of TRUE RELATION.

Yung Maganda Na Lang

Touch ako sa story na ‘to…

A man and his girlfriend were married. It was a large gathering. All of their friends and family came to witness the lovely ceremony and partake of the festivities and celebration. Everyone had a wonderful time.

The bride was gorgeous in her white wedding gown and the groom was very dashing in his black tuxedo. Everyone could tell that the love they had for each other was true.

A few months later, the wife came to the husband with a proposal:

"I read in a magazine, a while ago, about how we can strengthen our marriage," she said. "Each of us will write a list of things that we find a bit annoying with the other person. Then, we can talk about how we can fix them together and make our lives happier together." The husband agreed. So they retreated to two separate rooms and started making out their respective lists. And this absorbing task took them the rest of the day to accomplish.

The next morning, at the breakfast table, they decided they would share each other’s listed annoyances. "I’ll start," offered the wife. She took out her list. It had many items on it, enough to fill three pages. As she started reading her list, she noticed that tears were starting to appear in her husband’s eyes.

"What’s wrong?" she asked.
"Nothing," the husband replied. "Please keep reading."

The wife continued until she had read all three pages. Then she placed her list neatly on the table and folded her hands on top of it. "Now, you read your list and then we’ll talk about the things on both of our lists," she said with eager anticipation.

Quietly the husband said, "I don’t have anything on my list. I think that you are perfect the way you are. I don’t want you to change anything for me. You are lovely and wonderful and I wouldn’t want to try changing anything about you."

The wife, touched by his honesty and the depth of his love for her and his acceptance of her, turned her head and wept.

Awww! Kahanga-hanga naman si Mister. Kaka-inlab lalo.

Well, sa buhay nga naman, hindi man kagandahan ang lahat na nangyayari sa atin…pero kelangan bang seryosuhin yun at i-emote ng bongga? Sows, bakt ba kasi kelangan pang pansinin ang mga chakaness (kapangitan) kesa kagandahan? Bakit ba kasi kelangan pang magbilangan ng mga kakulangan!

Ang lahat sa buhay ay masarap (parang ako. Hihihi!). Joke lang. Op kors, ang plastik ko naman kung sasabihin kong totoo yun.  Maalala ko, may mga times din na nasasabi sa akin ni Kups ang linyang, ”Life is unfair”. Naiintindihan ko kung bakit minsan nakakapag-emote ng ganun ang lolo nyo.

Minsan kasi eh hindi maiwasan ni Kups ang ma-disappoint, ma-prostate ma-frustrate sa relasyon namin. Pareho kaming ilang beses na rin nainis at na-depress (uy, nag rhyme!) sa mga masamang pangyayari na para bang hindi justified, at sa tingin namin…definitely we don’t deserve. Pero hays…tama na nga muna ang maging bitter ocampo. Sayang ang oras.

Heniways, I want to close this post in positive note. I believe pa rin that we are the happiest when we see and praise the good and try our very best to forget the bad. Mas maigi na pansinin na lang ang mga magagandang bagay…ang mga magaganda na andiyan lang aktwali sa harap natin. Kaya naman, speaking of magaganda – pansinin nyo ‘ko, titigan nyo ko! :D Syet!

oOo

IMG_5433

“Twenty years from now you will be more disappointed by the things that you didn’t do than by the ones you did do. So throw off the bowlines. Sail away from the safe harbor. Catch the trade winds in your sails.

Explore.

Dream.

Discover.”

—Mark Twain

Tigas Ng Bungo

Minsan ang tigas din talaga ng bungo ni Kups. Matagal ng bawal ang “masasarap” na pagkain sa kanya at siempre alak. Hindi ako sure kung nagpasasa na naman ang kumag ng kain ng mga bawal noong Pasko. Ayun! Nasa ospital lang naman sya ngayon dahil ayaw bumaba ng pressure ng dugo nya at kelangan sya i-monitor. Kuuuu! Sarap kutusan! Nakakabahala sobra sa totoo lang. Kung malapit-lapit lang sya sa akin ngayon eh baka butasan ko na lang ang tagiliran nya para bumaba ang dugo nya. Lol! Pasensya kung nagagawa ko pang magbiro sa ngayon kahit nasa ospital sya. Gusto ko lang maibsan ng konti ang pag aalala ko. Nagtatatawag na naman ako ng mga patron saint ko at siempre si Lord na  sana wag pabayaan si Kups. Eh kasi naman nerbyos na nerbyos na aketch since nung December 26, mula noong sumama ang pakiramdam nya. Ang sabi pa nya (Kups) sa text…wag daw ako mag-worry. Ah ganun ha! Pwes! Kung gusto nya na wag ako mag-worry…magpagaling na sya agad at lumabas na ng ospital NOW na!

Kuuuu! Tigas kasi ng ulo! Sarap tsinelasin!

Sana

O ha! Luto-lutuan ako kanina ng Pasta Carbonara para sa mga bagets ko. Wala lang, natuwa lang ako kasi hindi nila ako inistorbo o ginising kaninang umaga para lang magluto ng breakfast nila. Napansin kong nagkanya-kanya si Kevin at Keziah ng diskarte ng maa-almusal nila sa kusina. Tsaka huy! Day-off ko kaya ngayon noh! Kaya naman 9:30am na ako bumangon.  Eto ang ok pag medyo malalaki na ang mga junakis mo. Nagkukusa na lang sila at hindi na ako iniistorbo habang borlog. Na-touch naman ako kaya in return, nilutuan ko sila ng pasta nung bumangon ako sa patay-patayan ko.

carbonara-1

Mga ilang taon na lang hihintayin ko. Siguro naman darating din ang panahon na sila na talaga ang magluluto ng almusal para sa amin tatlo….at ako naman ay babangon para lumafang na lang.

Pero sana mag level up na ako. Gusto ko sana sa mga susunod na panahon… yung paghahanda ng “almusal” naman ni Kups ang aasikasuhin ko. Bahala na kayo mag isip kung anong klaseng almusal ang tinutukoy ko. Basta sisiguraduhin kong yummy sya. :D

Unang Anibersaryo

One year anniversary ng kalandian namin ni Kups ngayon.

O ha! One year na ang LDR (long distance relationship) namin! Siempre dahil espesyales ang petsa na ‘to (na sana ay gawing national holiday next year. lol!) eh napag-usapan namin na magse-selebreyt kami op kors. Kasehodang nasa kabilang panig ng mundo ang location nya…magde-deyt pa rin kami. Choos! :D Lalabas ako ng bahay at sasamahan nya akong kakain ng lunch sa resto via Skype or YM.

Take note, LIBRE nya!

10:30am pa lang ay andun na ako sa tagpuan namin (tagpuan ka diyan!). Umorder muna ako ng Nachos with Hot Salsa habang naghihintay sa pag online ng jowa ko.

nachos with chili salsa

Read more

Balang Araw

DSC02482

Nag-ayos ako kanina ng mga picture folders kong mga nakakalat sa hard drive ko. Natigil ako dito sa isang peborit kong kuha na larawan. At biglang nag senti-mode lang naman si Mamaru.

‘La lang, na-miss ko lang naging high feeling ko noon habang nasa lugar na ‘to, lalo na ang pagpupursige mong makarating ako dito.

Balang araw babalikan ko ang Dream City kong ‘to. Balang araw sa pagbalik ko, gusto ko kasama na kita. Balang araw, tatayo tayong dalawa dito sa tuktok ng tore na ‘to…na  magkayakap… na magkahawak-kamay… na parehong may tali sa mga paa…na magpapa-stolen shots habang nagba-bungee jumping! Ayus!