Tag Archive for kuryente

Tingi-tinging Chuva

Aguyyyy! Mukang dumarami na ang nakikihiram sa famous line ni Megastar sa movie na Caregiver dahil sa mga sibakan sa trabaho! Naalala nyo pa ba yung “ay ker por may dyab, ser!” ?  

Howel, tingin ko ”wa ker si ser” sa inyo kasi tuloy-tuloy pa rin ang pagsasara ng mga factory even if you care for your job.  Haysss… nahahagip at ramdam na ng mga pinoy ang hagupit ng global financial crisis. 

At eto pa, tataas na naman daw ang singil ng kuryente sa Meralco at ng LPG pa! Okinam! Hanggang kelan ba maghihigpit ng sinturon ang isang Johnny Cross (Juan de la Cruz)? Lol.

Minsan iniisip ko na sana may makaisip na magbenta na lang tingi-tingi na kuryente at LPG. Pwede kaya yun?

Tutal uso naman ang mga naka-sachet na packaging ng mga produkto natin para nga daw maging apordabol sa mga masa. Sana may naka-sachet na kuryente at LPG na rin. Tiyak ko panalo yun!

Imagine bibili ka ng isang sachet ng LPG… at yun ay kunyari good for 3 meals cooking na. O kaya may sachet na LPG para pang-isang saing ng kanin lang, yung mga tipong ganun.

At sa kuryente naman…sana may naka-sachet din na good for certain hours lang. Halimbawa, isang sachet ng kuryente para sa pagplantsa ng 10 damit, o para pang-1 hour na panonood ng TV.  O di ba, palagay ko tipid yun at makakabudget talaga ng pera kasi wala ka ng babayaran na system loss ek-ek kasi nga prepaid na.

Tsk! Umagang-umaga tanggalan sa trabaho na agad ang mga nasasagap kong balita sa TV.

Ah! basta ako, (kunyari si Lolit Solis ako), babati na lang ako!

Binabati ko kayong lahat ng Advance Happy Chinese New Year!

Isi-share ko na rin sa inyo ang nai-share sa akin ng chekwa kong friend na si Moo

Feng Shui Expert advice to have a HAPPY NEW YEAR.

“Buy 12 apples, 12 oranges, 12 pears, 12 mangoes, 12 thousand pesos. Put it in a box, wrap it, and send it to me.
Luck will come to you.”
KUNG HEI FAT CHOI!