Paglabas ng unang tally ng pakulo Pareng Badoods, akala mo talaga ay na-release na ang pinakaaabang-abangan resulta ng Bar Exam ng mga gusto maging abugado ng Pinas. Halos pinagkaguluhan (o baka ako lang ang nagulo) at kanya-kanyang gawa ng entry sa blog nila ang mga nakapasok.
Saludo talaga ako sa project na ‘to ni Pareng Badoods, kumbaga sa paksiw. . . nilagyan ni Pareng Badoods ng masarap na pampaasim ang buhay - blogista. Mapapa-Wow! Paksiw! ka talaga.
Siempre halos lahat ay natuwa at isa na ako dun. Sinong mag-aakalang makakasampa ako sa pangalawang pwesto? Sinong mag-aakalang mapapabilang ako sa humor blog category eh ang gusto ko lang naman noon sa blog ko ay ang magpakalaswa, maging mahalay, dedmahin ang urbanidad at pag igihan ang pagiging malandicious ko.

"Oh she takes care of herself. She can wait if she wants. She's ahead of her time. Oh and she never gives out. And she never gives in. She just changes her mind..."
-- Billy Joel's "She's Always A Woman To me" 




