Tag Archive for lablayp

Magpakasaya Ka

Ilang araw na kaming may cold war ni Kups. Nagkaasaran.

Gaya na rin kami ng ibang mag-jowa, paminsan-minsan ay nag-aaway din kami kahit nasa magkabilang panig kami ng mundo. Pag may hot or cold na warlalu ang mag-jowa, siempre andun yung may bida at may kontrabida dun sa dalawang nag-uumpugang tangengots.  At dahil sa blog ko ‘to, naturalmente aakuin ko na ako ang bida sa LQ namin. Unfair ba? Eh kung gusto ni Kups na sya ang bida sa girian namin eh di gumawa sya ng sarili nyang blog! Lol!

Sa totoo lang, ayoko ng LQ-LQ na yan. Hindi ako natutuwa dahil sumasakit ang bangs ko pag may warlalu kami. Aaminin ko, may mga sitwasyon na madali akong magtampo pero kahit na hu-hurt na ang lola nyo, madalas yung talagang pinipilit ko na huwag mauwi sa tampuhan ang mga pangyayari. Kaso kung hindi naman nagpapakatino ang kausap ko at  SINISINGHALAN pa rin ako kahit anong eport ko na maging mahinahon, aba eh mabuti na nga siguro ang wag na lang muna mag usap.

Read more

Si Kups At Ang Simpleng Rason Namin

Bago ang lahat…

…ako lang ang lumaaaa!

Lol! Gasgas na ang intro ko.

Hindi ko maitago na natutuwa ako sa balitang purely chismax lang talaga yung balita na naghiwalay na ang peborit kong celebrity couple na si Brad Pitt at Angelina Jolie.

Brad PittMas lalo naman akong nakahinga ng maluwag dahil paynaleee, matatapos na rin yung bulong-bulungan na kaya humihiwalay si Brad kay Mareng Angelina ay dahil nga sa speculation na ka-love triangle namin si Brad Pitt sa pag-iibigan namin ni Kups. Weee! Echoos lang!

Well, speaking of Kups – (yeah, short for Kupal), eh may nag teeext! (ala-Vice Ganda)

May nagtanong sa akin sa text kung bakit KUPAL ang tawag ko sa man op mylayp. Sagot ko naman, mas pangit kasi kung TIKTIK ang itawag ko sa kanya. Parang ang bantot! Lol! La lang, trip ko lang na yun ang itawag sa labs ko… ang importante naman kasi dun ay hindi sya nagrereklamo!

Uyyy! Three months na kami kahapon ni Kups and we are going stronger imperness ha! At sa awa ng Diyos kahit 3 months na kami eh hindi pa nya ako nabubuntis. Derpor, napapanatili ko pa rin ang pagka-birhen ko! Birhen my ass! Bwahaha! Hays…ang layo kasi ng jowa ko, hindi ko man lang nahahalay tuwing monthsary namin. Hmp!

Di bale, mga 165 na tulog na lang at magkakasama na kami ng Kups ko. Sa wakas, darating na rin ang mga araw na wala kaming ibang gagawin kundi ang magkulong sa kwarto… para mag-pusoy. :P

Seryosli, bago nga lang siguro kami ni Kups sa relasyon namin…mga 3 months pa lang at malamang may magsasabi na marami pa kaming bigas na kakainin  para sabihin na …”and they live happily ever after.”

Eto lang din ang masasabi ko, kung halimbawa ang buong BUHAY ay katumbas ng isang sako ng bigas…palagay ko naman, kalahating sako ng bigas  na lang ang kakainin namin ni  Kups. Marami-rami na rin kaming nakain na bigas sa kanya-kanyang buhay namin NOON. Andun yung pareho na kaming nakaranas na mabusog, maduwal sa kakakain at nagtae pa nga kung minsan. Ang tinutukoy ko ay ang tungkol sa sarap at pait sa pakikipagsapalaran namin noon na kasama naman talaga sa buhay ng tao.

Kumbaga, nangalahati na kami sa journey namin at kalahati na lang ang bubunuin namin. Andito na kami sa punto na tapos na ang pag i-eksperimento ng mga kung anik-anik na bagay na wala naman katuturan.

We both realized huwag na kami mag-aksaya ng panahon at bigyan na lang ng pansin ang mga bagay na may importansiya sa amin. Magpakatotoo kami sa nararamdaman namin dahil nasa edad na kami na kakornihan na kung maglolokohan pa kami. In short, mga tanders na kami! Waaa!

Napagkakasunduan na rin namin ni Kups na namnamin na lang namin ang tunay na kahulugan ng buhay, mahalin ang isa’t isa, magrespetuhan, magpakasaya kasama ang pamilya at mag-enjoy sa anumang blessing na bigay ni Lord. O, cheesy na ba? Kever!! Wag kang mangelam!

Heniways, wala lang sana may kokontra pero malakas ang paniniwala ko na mangyayari ang lahat at pagbibigyan kami nung nasa ITAAS sa gusto namin dahil sa SIMPLENG rason na – gusto lang naman namin ni Kups ang maging MASAYA at MAGINHAWA sa second-half ng buhay namin.

Quote of the day:
All the world’s a stage and most of us are desperately unrehearsed. – Sean O’Casey

Dahil Sa Praning Ako

 

Wala akong mai-chika na masaya tungkol sa naging Pasko ko noong Friday dahil isa na yata sa pinakamalungkot na Krismas sa buhay ko ang Pasko 2009. Akala ko yung mga naging Pasko ko sa Dubai 13 years ago ang pinakamalungkot kong Pasko…hindi pa pala.

Regrets

Three days before Xmas, hindi ko na makuhang ngumiti pa. Mula ng mabalitaan ko na naospital si Kups, ewan ko pero lagi na lang akong balisa. Hindi ko nakasanayan ang mag-alala sa totoo lang, kaya OA man pakinggan, nahirapan ako sa mga nangyari. Naging parusa sa akin ang paghihintay kung ano na ang mga update sa kanya.

Oo, nakaka-praning. At kung anu-ano na ang pumasok sa isipan ko dahil wala akong ibang mapagtanungan ng tungkol sa latest na condition nya. Now ko lang ulit na-experience ang mawala sa sarili, yung tipong humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan at nung matagpuan ko ulit ang sarili ko eh nakatitig lang pala ako sa kawalan. LOL.

Read more