Recipe: Lasagna Rolls

Ginawa ko to noong Monday noong nag hapi bertdey ako. Pinang-dinner namin ng mga bagets ko. Mas gusto ni Kevin ko ang ganitong klaseng luto ng lasagna, yung niro-roll. 😀

Lasagna Rolls

Ginamit ko siempre ang dati ko ng nai-post na Lasagna Recipe pero may mga pinalitan lang ako at may idinagdag.

Lasagna Rolls

lasagnarolls(1)

Imbes na diced chicken breast, ground beef ang ginamit ko. Tsaka imbes na mashed sausages, chopped mushroom din ang inilagay ko. Habang ginigisa ko ang filling, nilagyan ko rin ng konting ground oregano.

lasagnarolls

Bukod sa white cream sauce, nagdagdag din ako sa recipe na to ng mga 1 cup na spaghetti sauce na in-spread ko sa ibabaw para sa mas malasang sauce.

lasagnarolls 

 Lasgna Rolls

 

oOo

Iwan mo man sya at magmahal muli, huwag mong kakalimutan na pwede kang masaktan sa parehong pagkakataon.