Sa Isang Iglap

Seeing images like this. . .

Devastating: A woman sobs on a road as she surveys the destroyed city of Natori in the region of Miyagi in northern Japan.

. . . makes me appreciate the most important thing in my life,

Laid waste: Huge swathes of land were destroyed when the tsunami hit Sendai in Miyagi province, sweeping away everything in its path.

. . . that me and my kids  are alive!

Screening: A mother tries to talk to her daughter who had been isolated for signs of radiation after evacuating from the vicinity of Fukushima’s nuclear plants.

She then drops down to talk to the family dog.

*Via: http://www.dailymail.co.uk/

 

Time to be good na talaga. Time to be more loving. Time to have sex. (Joke!) Time to live a simpler life.

With all the material possesion that we have, kahit pa pinaghandaan at pinaka-iingatan mo pa yan, ipagkatago-tago mo man ang mga salafi mo, sa isang iglap, mawawala din pala.

Kitams, wala pala yan sa kung nasan ka. Nasa first world country ka man o third world country, sa isang kumpas ng kamay ni Inang Kalikasan, mapalad ka ng maituturing kung makakapag pa-canton ka pa ng “Lucky Me!” dahil natira pa sa ‘yo ang buhay mo.

Hays…

Hindi pa talaga tapos sa pagre-rearrange ng living room nya si Mother Nature.

oOo

“Life is really simple, but we insist on making it complicated.” – Confucius

 

Oplan: Linis

Sabi ng isang reader ko na si Mr. Ding Vega, nami-miss daw nya yung dati kong blog template. Dahil medyo colorful nga naman ang dati kong template at maraming borloloy. 

Hmmmn…isip-isip ko, hayaan ko na at pasasaan ba at masasanay din ang mga readers ko sa bago kong kaayusan dito sa blog ko at masasanay din sila sa pagiging tunay kong babae. Eh kasi di ba ang tunay na babae ay fickle-minded…papalit-palit ng isip! Kaya wag na magtaka kung paiba-iba ang ayus ng bloglalu ko.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ako nagpalit ng blog templates. Minsan nga pinaalala na sa akin ng webhost ko na mag-ingat daw ako sa pagpapalit ng template ko…kasi minsan yun daw ang daanan ng mga salbahe para ma-hack ang blog ko at posibleng panggalingan din ng mga virus. Medyo natakot ako dun sa warning sa akin ng webhost ko kaya medyo naghinay-hinay din ako at sa trusted source na lang ako kumukuha ng template ko lately.

Lab lab lab ko ang latest template ko. Minimalist ang dating…wala masyadong kaartehan at ka ek-ekan. Simpleng- simple. Trip ko ngayon ang mga ganito…yung medyo virginal ang arrive…yung parang ako. Virgin. Lol!

Goal ko this year ang mag-declutter. Mula blog, Gmail inbox, computer hard drive, cellphone card memory, contact list – panay ang linis ko, halos araw-araw. Panay tapon ko ng mga basurang files, delete ng mga useless programs/applications at magbura ng mga names sa contact list na sa palagay ko naman eh mga wala na rin yatang mga buhay ang mga me ari nun.

Kahit dito sa bahay…nagsagawa din ako ng OPLAN: Linis Aparador. Pinamigay ko na ang mga damit na hindi ko na isinusuot sa mga pagrampa ko. Tsinugi ko na rin yung mga gown kong ginagamit lang tuwing may santacruzan. Lol!

Bakit nga ba panay declutter ko ngayon? Howel, bukod sa maaliwalas sa mata ang walang mga kalat na nakikita, nakakagaan din kasi ng pakiramdam kasi yung maayos ang mga gamit.

Kumbaga sa biyahe, gusto kong gumaan ang paglalakbay ko… yung wala kang "excess baggage". Tutal may kasabihan na rin lang na, Life is a journey, pwes kung ganun, gusto ko ng "go lite" na biyahe. Ayoko ng maraming bitbit. Kaya mula ngayon ay sisikapin ko to keep only the things that are important and of course hold on…only to people who really matter to me.

Hindi naman siguro masama ang pagaanin ko ang buhay ko sa paraan na alam ko di ba?

Kahapon nga, while in the midst of my decluttering mission,(with matching muni-muni)…I have realized that in life…

Things CHANGE.

People change too.

Thus, no point on hanging on to the past. Tapos na yun. 

There are things and people who would not help encourage me to achieve success and I want to DISCARD them. Tsugihin na! Pampagulo lang sila sa buhay ko!

Eh parang aparador ko, I have accumulated na pala things that simply take up space…

…and it’s high time that I need to clean them out.

 

oOo

Yesterday is history

tomorrow is a mystery

And what about today?

Today is a GIFT from God

And thats why we call it

THE PRESENT!