No Winner

Year 2014  nang nagsimula akong ma-adik manood ng mga Korean tv drama series at movies sa internet. Mula noon hanggang ngayon, hindi ko na nakuhang manood pang muli ng Pinoy teleserye gaya ng dati dahil para sa akin, pagdating sa entertainment value and etc, eh ang layo ng agwat kung pagkukumparahin ang 2 bansa. Olats na olats ang mga gawang-Pinoy.

Hindi lang yan, kahit ang mga primetime TV news ng ABS CBN at GMA dito sa Pinas, eh hindi na rin ako nanonood hanggang ngayon.

Pag gusto kong malaman ang mga bali-balita mapa-lokal man o buong mundo, sa  Twitter ako nagbababad at nakikibalita. Mas ayos ang Twitter kasi real time ang dating ng mga pangyayari at mas nauuna pa kesa TV o mga newspaper. Higit sa lahat, naaaliw akong magbasa lalo na sa mga tweet replies ng  mga netizen sa mga anik-anik na topic. 😛

Gaya na lang neto…

Last night, sa hangad siguro ng Rappler na maunang makapag-post sa Lotto result na pinaka-aabangan ng mga netizens, ayan pumalpak tuloy sila sa chika nilang NO WINNER daw!

Ewan ko ba, pero sobrang natawa ako sa tweet reply ng James The Answer na ‘to. Lalo na dun sa “first come. first serve. lol” na banat nyaHaha! Mema lang ang dating noh?!  At parang makapagtalak lang against sa Rappler. Haha!

Eh kasi naman, eto naman kasing Rappler, ewan ko ba diyan. Bakit kasi hindi na lang sila magsara! Haha!

Enwey, ewan ko sa inyo basta ako,  naaliw ako last night.

Pag Nanalo Ako Sa Lotto

Por da pers taym, tumaya si Mamaru sa SUPER LOTTO. Hahaha! HIndi na ako pumila sa mga outlet at nakisuyo lang ako sa pamangkin ko sa pagtaya.

Ewan ko ba, hindi naman ako maswerte sa mga parapol. Kahit nga dun sa mamiso na parapol dati nung nag aaral pa ako ay never ko natikman ang manalo kahit consolation prize lang. Kahit sa mga sugal, laro o kahit anong klaseng pustahan…bihira ako manalo. Kahit sa larong SUNGKA hindi ako nananalo.

Kaso nakaka-engganyo sa laki ng premyo ang makaka-jackpot sa SUPER LOTTO na bobolahin sa darating na Sunday. Bah! malay mo nga naman at baka ngitian ako ng kapalaran. Kanina nga iniisip ko, paano na lang pag nanalo ako…problema ko kung paano ko gagastusin ang ganung kalaking pera? O’ Lord!

Isa lang ang siguradong gagawin ko pag nanalo ako sa LOTTO.

May tig-isang MILYON ang bawat isa sa mga magco-comment sa entry na ‘to. Pramis!