Parang Kami Na Hindi

screenshot_103

Mahirap nga ba makipag MU?

“Kami na ba?”

“Parang mag-on, parang hindi.”

“Kayo pero hindi pa rin kayo”.

Pamilyar ba sa inyo ang ganyan? O na-experience nyo na ba ang makipag-MU (mutual understanding)? Eh ano naman ang kinalabasan? At may kinahangtungan ba?

Naisip ko lang ang gumawa ng ganitong entry kasi may mga tatlong blog yata akong napasyalan last week at lahat ay may tema tungkol sa pakikipag-MU nila na nauwi sa pagiging broken-hearted na sa palagay ko naman ay hindi dapat nauuwi sa ganung sakitan, iyakan o sa pagiging luhaan sa huli.

Walang masama sa pakikipag-MU at minsan ay hindi mo talaga maiiwasan ang maka-experience ng ganitong relasyon.

Para sa iba ito ay isang “bizarre” kind of relationship. Dito talaga magkakasukatan kung gaano kalalim ang pang-unawa mo at magkakaalaman din kung gaano kalawak ang kayang abutin ng isip mo. Mas makikilala mo dito ang sarili mo – kung anong klaseng partner ka ba talaga?

Kung ikaw ay ang tipo ng syota na selosa, gusto ng nilalambing palagi ,o kaya isang attention-whore, ay! Di uubra sayo ang tinatawag na makabagong emyu.

Sa punto de vista ko (naks!), mas pabor ako o mas gusto ko ang ganitong relationship. Malamang marami din ang pabor gaya ko o kaya kontra – pero depende na lang sa klase ng tao at kung anong pananaw sa buhay meron sya.

Gaya ng ibang relationship, nag i-evolve din ang pakikipag-MU. Nagiging makabago. This is a self-style kind of mutual understanding and for some women (like me), it’s not exactly a bad thing.

Ano nga ba ang makabagong mag ka-MU?

Eto yung “I’ll be your bf — sort of, and you’ll be my gf — sort of”.

Both of you go on date, madalas magkasama nanonood ng movies, kumain sa labas, mamasyal, magkasama sa mga out of town trip, nagti-text ng araw araw, nagtatawagan, at yung iba pa nga they involve each other into having incredible sex pa. Lols. Parang walang halos sa pinagkaiba sa mag syota din. Eto rin yung chinuchuva na “more than friends, less than lovers” kuno.

Kung may ka-MU ka, o malamang nahantong sa nagka-EMYUhan kayo bcoz you share the same belief about life, family, u share each other secrets – and both of you are more aware na mas malalim pa ang koneksyon nyo sa isat isa sa maraming bagay. You both see the relationship as more than friendship or casual sex (kung may sex man).

May problema nga lang (para sa iba) ang ganitong klaseng involvement dahil pag-MU kayo, maliwanag na hindi kayo committed sa isa’t isa.

Magkasama nga siguro kayo palagi ng halos araw-araw pero hindi kayo mag-steady. Wala dito ang mga kadalasan na “ritwal” o “obligations” gaya ng mag-steady talaga. Gaya ng kinakailangan pang magpaalam sa bf/gf kung lalabas at sasama sa gimik ng barkada. Walang may magbabawal.

Sa ganitong set up, libre pa rin kayo para makipag kita sa ibang tao. Walang exclusivity. Kaya nga hindi pwede dito ang mga selosa eh. May kanya-kanya kayong  “space”. Hindi rin pwede ang mga-NAGGER sa ganito. Hehehe!

Pero problema nga ba ang walang commitment? Karamihan sa lalaki ay takot sa commitment pero hindi lang din ang mga lalaki ang commitmentphobic. May mga babae din noh. Ayos din pag walangcommitment kasi, there’s more freedom, less demands.

I see it this way also, bakit ko pa kakailanganin ang commitment kung pareho lang naman ang makukuha kong emotional at spiritual intensity of connection gaya ng sa “mag-syota”? Im not saying that I don’t want to be settled and married to the right person at the right time, ang ayaw ko lang ay yung may pressure na kelangan na siya na.

Sa MU, hindi obligasyon o kinakailangan ang makipag-pisikalan (sex) pa ako dun sa taong gusto ko kasi hindi mo nga syota eh. Kaya hindi ba mas maganda pa ang makipag MU na lang kesa makipag syota? Sa MU, lesser ang chances that you will get hurt or feel taken advantage.

Bihira pa ang LQ o away pag MU lang kayo. Wala masyadong may mag-iinarte. Eh kasi bihira nyo pag uusapan dito ang feelings nyo sa isat isa nor you hardly talk about where each other one stands in the relationship. Walang ay labyuhan pag MU (kaya nga mutual eh) Pareho kayong MUTE dito. Lols. Mas dinadaan sa action ang thoughtfulness at pagki-care sa ka-emyu mo kesa salita lang.

Kaya lang naman nagkakaroon ng sakitan ng damdamin sa emyuhan pag nagsisimulang umasa na ang isang tao. I know that this is easier said than done, pero dapat talaga ini-enjoy na lang ang company ng isa-t isa. Yun naman ang hangarin natin di ba? Ang maging masaya. Eh pag naging kayo o kaya naitulak at umabot kayo sa level na napagkasunduan na i-commit ang sarili nyo sa isa’t isa eh di mas mabuti! Mas wagi yun!

Pero kung maaari nga lang, wag masyado umasa para hindi dumugo ang puso mo kung sakaling makakita ng syota ang ka-emyu mo. Pero panu ka naman ipagpapalit ng ka-emyu mo kung sa ‘yo pa lang eh kuntento na sya nangyayari sa inyo?

Amp! Ang haba na ng satsat ko.

Ok ganito na lang, kung GUSTO o SANAY KA SA ISANG TRADITIONAL INTIMATE RELATIONSHIP…then the new MU — it’s not for you. Period.

Huling Araw

Kung tatanungin ako ng Diyos kung gaano kita minahal, ang isasagot ko, 10 beses na higit pa sa nararapat. Minahal kita hindi dahil pakiramdscreenshot_109am ko lang tama, pero dahil ginusto ko yung naramdaman ko at walang kung ano pa man.

Minsan mo na akong tinanong kung pinagsisisihan kong nakilala kita. Sinabi ko hindi. Ngayon na nga siguro ang araw na kinatatakutan ko. Dahil kapag tinanong mo ulit sa akin yan, alam kong oo na ang isasagot ko. Sa lahat kasi ng nangyari sa buhay ko, ikaw lang ang gusto kong burahin. Wala ng iba.

Alam kong tama na tong ginagawa ko ngayon. Tama ng mawala ka sa buhay ko. Dahil alam kong wala ng pag-asa yang sinasabi mong pagkakaibigan natin. Tanga lang ako na minsan kong inisip na yun ang pinanghahawakan ko pero hindi pala. Dahil pinili mo pa rin akong saktan kahit alam mong dapat naging isa kang kaibigan.

Nung mga panahong ikaw at ikaw lang ang kailangan ko, hindi man lang kita mahanap. At kahit alam kong alam mo yon, pinili mong tiisin ako. Ngayon hindi na ko umaasang nandyan ka pa, dahil simula palang nang-iwan ka na.

Itinapon ko na rin ang lahat ng kasinungalingang sinabi mo na ang masakit ay pinaniwalaan ko. Nang sinabi mong importante ako sa yo at hindi mo kayang wala ako, kagaguhan lang yon. Siguro napilitan ka lang sabihin yon, o di kaya, sinadya mo para paasahin ako.Ngayon, lahat ng binitawan mong salita, wala ng halaga. Simple lang ang rason: dahil wala ka ring kwenta.

Wala na rin akong pakialam kung nagustuhan mo man ako o hindi. Ang importante, nagbigay ako ng buong buo at ni minsan ay hindi humingi ng kahit anong kapalit. Kahit papano, naturuan mo akong maging matatag. Natuto na rin akong tumigil sa paghahabol at pag-iyak sa taong manhid na tulad mo.

Siguro nga nasira mo na ang lahat sa akin. Ang paninindigan ko, tapang at paniniwala ko, pati ang katauhan ko, pero kaya kong ibangon ang sarili ko at mabuhay ng wala ka. Ako pa rin to. Oras at araw lang ang nagbago.

Ngayon na ang huling beses na sasabihin ko ito sa yo. Ngayon na ang huling pagkakataon na iisipin kita. Lahat ng bagay na dumaan, burado na. Pati buhay ko, bago na. Ngayon na ang huling oras na mamahalin kita. Ngayon na ang tamang oras para sa lahat, para malaman mo kung gaano mo ako sinaktan. Tapos na yon lahat ngayon. Ito na ang huling araw ng paghihirap…Tama na, tapos na. Pero sa huling araw na ito, isa lang ang sigurado ako…

Hindi ito ang huling araw na sinabi ko lahat to.(Nyeta!)

Baduy Pero Astig

Love month naaaaaa! Pakornihan na naman ng blog entries. Nanghalukay ako ng mga baduy pero astig na entry sa old Friendster ko at eto ang isa sa mga kaek-ekan na nakuha ko.

  • What a girl needs most is love. What a guy needs most is respect. The most important thing for a girl is her heart. For a guy its his ego.
  • Give your man his own time and space. Let him have his time for his friends, sports, family, self, and God. The relationship will grow old quickly if lagi kayong magkasama. Give him time to miss you and you’ll see how he will love you more. Wag ka panay text ng, “wer u na?”, ano u gawa? Aruuu! If the guy naman is obsessed and just wants to be with you all the time, tell him you can’t respect a “puppy” for long.

Continue reading

Ako Na Lang Ulit

Ang totoo hanggang ngayon umaasa pa rin ako na sabihin mong ako pa rin…ako na lang…ako na lang ulit. . .

Noong una ko ‘to narinig mula sa trailer ng bagong movie ng Star Cinema, nagulat at napalingon talaga ako (nakatalikod kasi ako sa tv). “Huh! Pamilyar sa akinnnnn!”

Waaah! AnakNgGalis! Ako ba yun? Hindi kaya nakita ako ng scriptwriter o kaya narinig nya mula sa akin ang ganung linya at nakabuo sya ng kwento para sa isang pelikula? Nakakahiya man aminin pero 4 years ago…. i uttered that same line dun sa last real bf ko.

Continue reading

Akala ko . . .

what i want from this
is learn to let go
no not of you
of all that’s been told
killers reinvent and believe
and this leans on me
like a rootless…
so fuck you …
Rootless Tree by Damien Rice

. . . akala ko magigising ako na magaan ang loob…
akala ko ok na ako ngayon kumpara kahapon…
akala ko mapapagaan ng video ni Damien Rice ang
nararamdaman ko nung pinanood ko sya kanina sa blog ni Bonnie
kinginaaaa! mas lalo lang bumigat ang pakiramdam ko….
mas lalo lang akong nalungkot …
dami talaga nasasaktan sa maling AKALA…
akala ko naiiba siya…
akala ko sa pagiging totoo ko … magpapakatotoo din siya…
akala ko matututo na ako…
akala ko… akala ko… puro akala! ahhhh! leches!

Wrath Of A Woman Scorned

woman_shooter.jpg

SO, U REALLY THINK THAT ONCE YOU PASS JUDGMENT ON ME, I AM CONCEALED? That i can no longer grow? You chauvinist pig!

It is so disappointing to realize that when we permit ourselves to be known in depth by an individual, we expose ourselves not only to a friend’s balm but to an enemy’s bomb.

Sorry but i can’t remain silent while you aim word darts at me. Of course i am not scared of you! Who said so? Who do you think you are? A woman scared of a man is a social dinosaur. She’s extinct! She’s out-of-date!

Stop judging me! idiot! I’m not a book and you’re not a judge! Wahahaha! Buset ka!

My past does not define my future. I’ve dealt with my ghost and I’ve faced all my demons. Just because I am a single unwed mom and just because i didn’t do well in some of my past years doesn’t mean i will suck in life. And don’t ever call me “loser“! I can’t lose what i never had!

Me weird? Yes, i am weird because i am different. And i don’t accept being weird and different is wrong.

You are horrible! Man like you with all your eccentricities who can only think from the waist down should be taken in small doses. You are the same creature i’d hire an assassin and whose coffee i will be gladly put cyanide in the first chance i get.

So what if i am out way of line?

So what if i am a webcam showgirl?

So what if my sexy photos are blasted into cyberspace?

So what if i tease on cam like a pro? If i tease like a pro then i must be good, ha?!!! Eat your heart out! You hypocrite!

Will u stop stroking your own ego at my expense?! Oh! I should never forget nga pala that your ego is inversely proportional to your penis.

So what if i don’t make sense? I’m living my life, live yours! Go! Clear the cobwebs in your head and stop pestering me!

Sorry ka na lang, your u-should-be-respecting commentary on me can’t dampen my spirit.

You can’t stop me to enjoy my life!

I will blog as long as i like! I will live more!

Read more!

Laugh more!

Cry more!

And i will shoot a gun if permitted.

No one! again, no one can destroy my self-esteem without my permission!

I sheath my claws.

I made my point.

TM

u pissed me big time, really! but i can blame no one but myself kasi nagpapaniwala akoBabyfinger_1 sa yo. just when i thought that the long wait will soon be over. pero wala. u just toyed with my feelings.

…syet! sabi nila smart daw ako. uu SMART ako. SMART ang cellphone provider ko. SMART my ass!

bakit ganun? lumalabas na isa akong TM, Tangang Minamanyak. korni na kung korni. pero pikon na ako sau.

di mo ba nakikita na binibigay ko na sau ang buong puso ko at buong laman-loob ko? pati nga isaw ko gusto ko na ipatikim rin sau. nyeta talaga ang lab-lab na yan. lab daw ako di naman mapatunayan! puro drawing! puro dakdak napapala ko. ilang taon mo na ba tini-TM? kulang-kulang apat na taon na rin a! di ka pa ba pagod sa kati-TM sa kin? wala kang kasawa-sawa. ako naman si tanga walang kupas din sa lambot ng ilong. kahanga-hanga talaga ang kagagahan ko pagdating sau at hanggang ngayon nagpapaniwala pa ako. ilang beses ko na rin inuntog ulo ko para matauhan. pero pati yata sa pag untog ko mali pa rin ang pagka-perform ko… di kasi dumugo.

darating din ang araw mare-realize mo na wala kang kasing-swerte na meron isang taong kagaya ko nagkakaganito sau na handang hamakin ang lahat makapiling ka lamang. lol.

sana pagdating ng araw na yan eh andito pa ako. wag mo sana pagsisihan ang araw na mawala ako sa yo. oo, mawawala akong di mo natitikman ang isaw ko! ever! neknek mo!