Kwik Tip 01: Freezing Luya

Ang nakikita nyo pong piktyur na ‘to ay hindi po larawan ng PAA ko.

Luya po ‘to, LUYA.

Ginger1
Kunsabagay, di rin naman nagkakalayo ng porma ang luya na ‘to sa mga paa ko. Hehe!

Tungkol sa LUYA ang kwik tip kong itey.

Madalas kasi mangyari sa akin na kung kelan kailangan ko ng luya para sa niluluto ko, pagkakuha ko sa vegetable case ng ref ko, napapansin ko na lang na hindi na mapakinabangan dahil dry na dry na sya. Mas dry pa sa dry goods! Lol!

Dugyot na at wala ng silbi. Kaya naman  laging 3-point shot sa basurahan ang ginagawa ko sa luya ko.

Nai-google ko dati ang pagka-buset ko sa madalas na mangulontoy kong luya.

Sows! Eh ang dali lang pala ng solusyon para tumagal ang buhay at hindi agad madugyot ang luya. Balatan lang ang lahat ng luya, ilagay sa ziploc at i-freeze. Dats et!

Mas nakakabuti na balatan muna, hiwa-hiwain sa gustong sukat para kung maging frozen man sya eh dudukot ka na lang sa ziploc at less na ang effort mo sa paghiwa. Mas madali rin i-grate ang luya pag frozen.

Ginger2

Ayan, pag naka freeze ang mga luya mo, makakaasa kang tatagal ng isang buwan ang mga ‘to. Wala ng masasayang. Bow!

oOo

“Ang tunay na maganda, hindi umaamin. HINDI PO AKO MAGANDA!”