Mango Float

Parehong may sweet tooth ang amo kong lalaki at babae.

Chocolates, cookies, cakes, candies, pag meron kami nyan dito sa bahay…walang puwang ang amag! Ako naman, moderate lang sa pagkahilig sa sweets kasi nga eh di ko na kelangan ang sweets sa pagkatao ko – I’m sweet enough noh. ‘Tot!

Da last time na nag-grocery kami ni Keziah, nag-50% OFF ang isang brand ng all-purpose cream. Sinipat ko kung bakit, ayun…lapit na pala ang expiration date nya. Sus!

Well, sinamantala ko na rin at pumik-ap ako ng dalawang paks, kako makapag-MANGO FLOAT nga.

mango float slice

graham crackers

mango float layering

mango float

mango float with chopped nuts topping

slice of mango float

M A N G O  F L O A T

Ingredients:

  • 1 cup heavy cream, chilled
  • 2/3 cup sweetened condensed milk, chilled
  • 1/2 cup mashed ripe mango
  • 1 tsp. vanilla extract
  • Thin slices of ripe mangoes
  • Graham Crackers

Garnish: (optional)

  • Mango slices or any chopped nuts you may prefer to use.

Instructions:

  1. Blend cream and sweetened condensed milk together. Add mashed mango. Add vanilla. Set aside, preferably keeping it chilled until needed.
  2. In a square 9 x 9-inch or a rectangular 9 x 13-inch Pyrex or any transparent dish, assemble graham crackers and cream mixture by arranging the crackers on the bottom of the dish.
  3. Spread one third of the cream mixture, arrange some mango slices, then put another layer of the crackers. Repeat the process, ending with the cream mixture on top.
  4. Sprinkle with chopped nuts (optional).
  5. Chill before serving.

oOo

Joey: "C.I.A…. Central Intelligence Agency?" Rene: "Dili man dong, Cebu Intelligence Agency" Smith & Wesson (1988)

Iba’t Ibang Gimik Sa Mangga

Sa buong buhay ko ngayon lang talaga ako nagsawa sa pagkain ng  manggang hinog. Pag ni leps-to-leps mo nga ako ngayon… asahan mo amoy-mangga ang bibig ko.

Pati utot dighay ko – amoy-mangga din!

Mula noong nag harvest kami ng mangga … araw-araw na lang yata ako naghahabol sa paghinog ng mga mangga ko. Hindi ko na halos alam kung ano gagawin ko para hindi ako maabutan ng pagka-over ripe.

Google ako ng google kung ano ang mga pwede kong gawin sa mga prutas ko.

Mag tu-two weeks na kaming napupurga sa panghimagas namin na fresh mango. Pero ayoko umangal at dapat nga pasalamat pa ako lalo na pag naalala ko nung kumain kami sa Fisherman’s Wharf at umorder ng fresh mango as dessert.

Anakngwekwek! Yung isang mangga na ganito ang pagkahiwa at nilagyan lang ng crushed ice… P95.00 na! At iisang piraso lang yun ha!

fresh_mango1

Siempre dahil nanay ako, sekreto akong nagkukwenta sa utak ko. Susme, kako P35-40 lang ang kilo ng mangga dito sa amin tapos mga 5-6 na piraso na yun!

 

Continue reading