Goodluck Manny!

Dong, mag-aabang na lang ako sa Twitter kung ano ang magiging resulta ng laban mo. Pasensya na kung hindi kita papanoorin bukas (baka sa replay na lang) kasi alam mo naman…baka mauna pa akong ma-knockout nang dahil sa sobrang nerbyos sa bugbugan nyo ni Floyd.

Nway, Goodluck Manny and God bless.

screenshot_199

screenshot_211

screenshot_205

screenshot_207

screenshot_201

Ayo-ayo, ‘dong!

 

 

 

 

 

Mabuhay Ka, Pacman!

Congrats Manny! (close?)

pacman

“He doesn’t fight for the money (that’s our only concern, his money); a real boxer fights for the fight. It is his only world.”Teddy Locsin Jr.

 

pacman2

“The greatest Filipino of all time. He doesn’t even mind the gaping wound above his left eye. Only Pinoy with full scrotum.”Teddy Locsin Jr.

Ikaw Pa Rin

Noon, pag nananalo si Pacmandaming mga bloggers ang nagpo-post ng entry ng pagkapanalo nya sa mga site nila. Daming kumo-Congrats. Isa na ako dun!

Ngayon, olats ang Pambansang Kamao natin. Parang marami ang wa na ma-sey. Siempre, nakakalungkot kasi pinatumba talaga ang idol natin ng kalaban nya.

Well, ganun talagakaya nga tinawag na fight di ba? May tatamaan talaga. May mananalo at may uuwing luhaan. Hindi pinili ni Pacman na sumayaw-sayaw lang sa harap ni Marqueztalagang lumaban sya. Sapat na siguro yun para sabihin na binigyan nya tayo ng magandang laban. Yun nga lang WAPAK! ang inabot nya. Feeling beat up

Nakakawalang-gana i-blog ang pagkatalo ni Pacman, pero nakakagana naman i-blog kung paano nya hinarap o tinanggap ang pagkatalo nya. He handled it with grace ika nga.

Manalo man o mataloganun pa rin si Pacman, MAPAGKUMBABA!

Kaya olats ka man, Manny. HANGA pa rin ako sa yo!

Siguro naman, maraming Pinoy ang hindi magbabago ang tingin sa yo kahit nakakadalawang sunod na talo ka na. Eh kasi sabi ko nga, ni minsan hindi ka namin nakitaan na naging MAPAGMATAAS kahit noong palagi kang panalo sa mga laban mo. Tsaka, ang dami mo kayang nagawa para sa bayan noh! Eh ano ba naman ang samahan ka namin sa pagkatalo mo ngayon?!

Ikaw pa rin ang IDOL namin sa boksing! Big Hug

manny

MABUHAY KA MANNY PACQUIAO! Party

 

oOo

Sabi nga ni Alfred kay Batman "why do we fall? So we can pick ourselves up." Julius Babao via Twitter

Your Next

 

Pacquiao, Your Next. Juan Manuel Marquez

 

Hoy, Marquez! Titi mo! Wrong speling rong! Ek! grammar pala! Your-Yourin mo mukha mo!

Juan Miguel Marquez

Itutumbong kita kay Pacman!

Baka hindi ka na-inform, gumagaling pa naman sa inglesan ngayon ang idol namin! Lagot ka!

 

 

oOo

“Ako at least, I have something between my ears! Siya between the legs lang!” – Cherry Pie Picache, MANAY PO 2: Overload (2008)

Kakaaliw Ang Pinoy

Sa live streaming video sa internet lang si Mamaru nanood ng laban ni Pacman kahapon. Ok na sana dun sa unang site na napuntahan ko kasi malinaw ang video at audio. Kaso, nakngpekpek, biglang nawala sa ere ang pinapanood ko kaya karipas na naman ako sa paghanap sa ibang site at dun sa justin.tv ako napadpad.

Nagtiyaga ako kahit italian ang salita nung site.

Parang nag quickie sex lang sa laban si Pacman at Hatton, kaaliw! Pero mas naaliw ako sa kababasa ng messages sa katabing chatroom ng video.

Eto yung ilan sa mga na print screen ko:

caps4

Pansamantalang nawala dito ang audio sa live video na sabay-sabay namin pinapanood ng mga nasa chatroom.
Pansinin nyo ang pamimilosopo, pambabara ng mga mokong…ang murahan. Hehehe!

Continue reading

Ang Kasabihan

Sa sobrang eksayment ko sa bagong taon na 2009…at sa dami ng gusto ko baguhin sa buhay ko, pati tuloy ang pagbo-blog ay halos maiwan ko na. Naks! charing lang. Ang totoo nyan ay panay tulog lang naman ako netong nakaraan na mga araw. Kumbaga, eh nagpataba lang naman ako ng pekpek sa katutulog!

Uyyy! Year of the Oks ngayon! Kaya kita nyo naman ang blog theme ko – may corned beef este COW sa header ko. Nai-eksayt ako kasi sabi ng mga chekwa, ang mga isinilang sa Year of the Horse ay magiging Oks na Oks ang taon sa Year of the Oks. Maswerte daw kami.

image002image017

Pinanganak akong kabayoako sa taon ng kabayo. Hmmmn… kaya siguro sabi ng ex-jowa ko ay magaling ako mangabayo.

* * * * * * * * * *

Isa lang ang New Year resolution ko ngayon: Ang TIGILAN na ang paggawa ng resolution!

* * * * * * * * * *

Kaloka talaga ang taste ni Manny Pacquiao pagdating sa pagpili ng name ng bagong baby girl nya. Queen Elizabeth! Ano sila? Dugong-bughaw? Nakakailang kasi bigkasin eh… “Queen Elizabeth Pacquiao”. Ngek! Malamang sa susunod nya na anak, “Prince William Pacquiao”. Shushal!

Naalala ko tuloy ang interview ng isang reporter kay Nanay Dionisia (ermat ni Manny). Hindi ko masyadong nakuha ang eksaktong tanong pero parang ganito:

Reporter: “Nanay, ano ang masasabi nyo sa pagdating ng bagong apo nyo?”
Nanay Dionisia: (tumatawa ng ala-sisa) “hahaha! Gusto ko na nga makita ang apo ko. Basta parang kapangalan sya ng higaan ko.”

Queen Elizabeth ang name ng bagong apo ni Nanay Dionisia at queen-size naman ang higaan nya. Magkapangalan nga!!

* * * * * * * * * * *

Sa usapang showbiz, alam ko na medyo panis na ang hiwalayang Vicki Belo at Hayden Kho. Nakngpuke! Pinaka-baduy na yata sa lahat ang ginawa ng boylet ni Belo na nag suicide attempt tapos may pasulat-sulat pa ng “I love Vicks” sa may tiyan nya gamit ang pentel pen. Bwahaha! Nuknukan talaga ng pagkajologs! Tumayo ang balahibo ko nung nabasa ko yun sa Philippine Star. Sana sa titi nya na lang isinulat yung “I love Vicks” para may DATING. Tutal wala naman naniniwala na labs nya yung doktora.

Hays…kitams! Kung si Belo nga na isang multi-millionaire, sikat at mukang may asim pa naman ay nagawa pang lokohin ng boylet nya, eh ano pa kaya kung ang babae ay isang ordinaryo at simpleng katulad ko lang na ang tanging meron ay GANDA lang?

Imagine, binigyan yung boylet ng Porsche, pinatira sa bonggang condo, mga first class na mga travel abroad, five-star hotels at kung anik anik pa tapos nagloko lang? Aruuuu! mga lalaki talaga, madalas kung mag isip ang gamit ay yung nakalawit sa pagitan ng hita nila imbes na utak.

* * * * * * * * * * *

At eto pa. Sagarin ko na ang pagiging tsismosa ko sa mga usapang showbiz. Si Jolina Magdangal at fiancee nyang lawyer na si Bebong Munoz — hiwalay na!Hehehe! O di ba, bagong taon…umaarangkada ako sa pagiging tsismosa.

Josko! Six years silang mag syota, at kung kelan malapit na silang ikasal sa year na ‘to ay tsaka maghihiwalay? Napaka sayang naman! Kaya naniniwala talaga ako sa kasabihan na “pagkahaba-haba man daw ng prusisyon, pag umulan ay nagkakawatak-watak rin!”

Nways, isa lang talaga ang matutunan natin sa mga nangyayari, may kasabihan na – walang kasiguraduhan sa mundo kundi ang pagbabago lamang.

Pacman’s Mystery Lady No More

Obyus naman na mga nenok lang ang pics na ‘to na ipinasa sa akin ni friendship Kiko noong kasagsagan ng kontrobersya na itetch. Naka-post na rin ‘to sa ibang blogs. Pero may nabasa kasi akong comment dun sa napuntahan ko. Ganito ang pagkasabi:

SAYANG BLURRED YUNG PICTURES NG MGA BABAE, DI KO TULOY MAKITA KUNG MUKANG PERA.

Hahaha! ‘La lang. Natawa lang ako.

O’ sya eto na yung fez ng mystery lady ni Pacman dun sa pakikipag-party nya last year. Hindi na mainit ang isyu na ‘to pero wala akong mai-post sa ngayon eh. Wahihi! Ang maldita! Naka leps to leps kaya ‘to ni Pacman?

Ok lang kaya ang mga ganito sa wifey ni Pacman? Di bale, may mga bagong labas na bags ang Prada sa ngayon. Mag-shopping na lang sya.

Continue reading