Sadistang Masahista

Biyernes ng gabi: Nag text pamangkin ko, nagtatanong kung gusto ko magpa-masahe dun sa kakilala nya. Garantisado daw na sulit ang ibabayad ko na 120 petot.

“P120? Dati sabi mo P75 lang!” Pabarat kong text back. Sumagot si pamangkin: P120 kasi home service naman daw, whole body at magbabayad pa sa pamasahe sa jip papunta dito sa bahay.

Hindi pa rin humuhupa pagiging barat ko. Reply ako:“Pag dun bahay ba nya ako magpamasahe, P75 lang? At Pag half-body lang ba, 75 lang?”.

Napa-hehehe na lang sa akin pamangkin ko pero kinukumbinsi talaga ako na subukan ko kasi magaling nga daw.

Ayoko nga sana kasi balak ko talaga na dun sa suking SPA clinic ako pupunta at magpapa-ventosa therapy na rin ako. Kaso naisip ko…P120 versus P350 (plus tip pa). Hmmn…sige na nga, dun na ako sa P120! Nanaig din pagiging kuripot ko.

Puke ng ina! Magaling nga ang masahista! Magaling manakit!

Nalamog lang naman katawan ko sa sakit ng paghihilot nya at masahe. Josko! Aminin ko, mataas ang pain tolerance ko. Ilang beses na rin ako nagpa-massage at bihira akong maringgan ng reklamo ng mga attendant.

Pero ibang klase ‘tong nairekomenda sa akin ng pamangkin ko. Sa loob ng mga 45 minutes, para akong arina na ginagawang monay! Nilamas-lamas! Nilamukos buong katawan ko! Parang tinupi-tupi ang mga masels ko! At parang binaklas-baklas at nire-arrange ang pwesto ng mga kalamnan ko. Nalamog pati pwet ko sa sobrang lamas nung ale! Waaa! Tangina talaga!

Napapa-aaahhh ako sa sobrang sakit talaga lalo na sa nung minamasahe nya binti at hita ko. Ilang beses ko sinabihan na dahan-dahan kaso napapangiti lang ang impakta! Parang nasisiyahan pa yata sya na napapangiwi ako. Amp! Sadista!

Sabado, buong araw: Sa sobrang sakit ng buong katawan ko, nakahiga lang ako sa kama most of the time. Talo ko pa ang kagagaling lang ginahasa ng paulit-ulit ng dalawang pugante! (awww, 3some!) Lol! Bugbog na bugbog ako!

I know this is too much info, pero I always have my period every first week of the month. Pero sa sobrang hilot yata sa may bandang balakang ko sa likod…syet, nagkaroon ako ngayon dalaw ng wala sa oras! Napaaga!!!

Linggo: Impernes naman dun sa ale, naalis naman nya yung mga lamig-lamig ng katawan ko. Pero, mamatay na lahat ng pusa dito sa bahay, HINDING-HINDI na ako uulit na magpa home-service sa kanya! Nakakadala!

Sa ngayon, medyo magaan na ang pakiramdam ko, salamat sa Advil.

Nagamot nga siguro agad ang pananakit ng buong katawan ko pero palagay ko ay matagal-tagal pang magagamot ang pagiging BARAT at KURIPOT ko. Hays…nasa buto ko na yata eh. 🙁