What’s In My Kikay Kit

 

When it comes to cosmetics, mahilig lang ako bumili NOON pero hindi naman talaga ako palagamit o heavy user. Unang-una, hindi ako masyado marunong mag-apply sa sarili ng makeup. Tsaka tingin ko nagmumukha lang akong pokpok (pasintabi sa mga pokpok) pag ako ay naglalagay ng hebi meykap sa fez.

Kahit noong nag o-opis pa ako, light makeup lang ang itinatapal ko sa pagmumukha ko, yun ay para hindi lang talaga ako magmistulang parang bagong hango sa ataul pag pumapasok sa work. 

Hindi ako naiiba sa majority of women na mahilig bumili at mangolekta ng makeup. Im proud Im a woman. Kaso dumating din ang panahon, na-realize ko na nanghinayang na ako sa datung ko kasi mas madalas yata na inaabutan na lang ako ng mga expiration ng mga cosmetics ko bago ko pa man sila magamit ng todo o maubos.

Sa buong buhay ko, maniwala ba kayo na minsan lang yata ako nagkaroon ng lipstick na naubos ko talaga? Mas madalas nawawala o nag-expire na lang. 🙁

Ngayon na nasa bahay lang lagi ang beauty ko, mas lalong parang MIRAKOL na lang kung makitaan akong naka-makeup. Ni hindi ko na nga yata matandaan kung kailan ang huling naglagay ako ng kolorete sa fez. 

Kunsabagay, palengke lang naman ang madalas ko puntahan sa ngayon. Sa lagay ba eh magkokontodo ayos pa ako ng mukha habang namimili ng gulay?

Pero mas natutuwa ako na hindi ko masyado nakahiligan ang maglagay ng arte sa mukha ng araw-araw, kasi bukod sa mas nakakatipid, eh mas nakakahinga ng maayos ang mga pores ng skin ko at higit sa lahat, NATURAL ang dating ng alindog ko. Charot!

My Kikay Kit

Hindi ko naman sinasabing wala na akong kaarte-arte sa katawan.

Naniniwala ako sa kasabihan ng mga beki na, Oiliness is next to Ugliness. Kaya pag lumalabas ako papuntang mall halimbawa, para naman hindi masilaw ang mga mga nakakasalubong ko sa nangingintab kong mukha, eh eto na lang talaga ang mga ginagamit at dala-dala ko sa bag. Mga powder na Mineral Makeup at Mineral Concealer kasi actually they are good for ones skin. 

Mas magaan bitbitin ang Kikay Kit ko ngayon kasi eto na lang ang mga laman:

  • MAYBELLINE Mineral Power Natural Perfecting Powder Foundation
  • MAYBELLINE Mineral Power Finishing Veil Translucent Loose Powder
  • MAYBELLINE Mineral Power Natural Perfecting Concealer
  • LOreal Volume Perfect Lipstick
  • SMASHBOX Lip Pencil
  • MAYBELLINE Kabuki Brush

Carmex Lip Balm

At ang pinaka-paborito ko sa lahat ng lip balm – CARMEX Lip Balm.

Hindi ko alam kung kelan ko mauubos ang paggamit ng mga nasa Kikay Kit ko, kasi bihira ko lang talaga sila gamitin ngayon, as in.

 

 

oOo

Isang araw, binulong ko sa sarili ko "Cute Ba Ako?". Tumahimik ang paligid. Yun! Nauso ang SILENCE MEANS YES!