Ang Puso Ng Lalaki

Madalas sabihin ng mga guys na “mas sensitibo” daw ang mga babae. Mas madaling mapikon. Mas madaling maasar. 

Ang mga lalaking nagsasabi ng ganito, palagay ko hindi lang nila masyado kilala o kabisado ang sarili nila o kaya nagmamaang-maangan. 

Ang totoo nyan ay “mas sensitib” silang mga lalaki, mas pikon kesa mga babae. Sows, in-denial lang sila na minsan ay mas balat-sibuyas sila o mas pusong mamon kesa mga bebot. Magaling lang talaga magtago ang mga lalaki ng nararamdaman nila. Ang pa-plastik nga eh. Hehe.

Continue reading

Uso Pa Ba Si Robin Padilla?

Minsan, naitatanong ko, ilan pa kayang Robin Padilla ang meron sa mundong ‘to?

Naalala ko, nasa college pa ako noong kasikatan ni Binoe. Susme! daming chiquititas, artista man o hindi ang talagang nahumaling kay Robin. Siempre isa na ako dun sa mga arista. (Oo, artista ako, kasi ang arte-arte ko di ba?)

Pag katrabaho nga daw ‘tong si Robin sa paggawa ng pelikula, bihira sa mga leading lady nya ang nakakaiwas na hindi ma-inlab sa kanya. Daming nagtaka kung bakit at kung ano ang sekreto meron si Padilla eh hindi naman sya kagwapuhan (pero nag uumapaw naman sa mala-hayup na sex appeal, dai!).

Continue reading

Burara

Bumisita ang ate ko noong isang araw. Sarap pag bumibisita yun dito sa bahay kasi laging may dalang —-LAFANG!  Nahalata yata na wala syang nadadatnan lagi na pagkain dito sa haybols ko kaya ayun – nagdadala na. Hehe! Last time nga, bukod sa dalang isnaks, may dalang lechon manok din para hindi na daw ako mag abala pa sa pagluluto ng pang dinner namin. O di ba, kung ganyan lahat ng Ate sa mundo eh sigurado hapi-hapi ang lahat. 

Siempre chikahan kami. Update ng mga chizmax tapos naitanong ko kung bakit hindi nya kasama si Bayaw. Ayun, may LQ pala sila! At alam nyo ba kung ano pinag awayan nila? Yung mga kalat lang naman ni Bayaw sa workstation nya dun sa likod ng bahay nila. Dun kasi nagbubutinting si Bayaw ng mga kung anik-anik.

Nangingiti ako sa habang naglilitanya Ate ko. Kesyo ang gulo-gulo daw ng mga gamit, eyesore daw ang mga kalat, blah blah blah at pag nililinis o nililigpit naman nya eh nagagalit daw si Bayaw. Nag aalburuto dahil ayaw nga nya na ginagalaw yung mga kalat nya.

Continue reading

Sex Myths: Trulili o Eklavu?

Sagutin kung ang mga sumusunod ay TRULILI (true) o EKLAVU (false): 

1. WOMEN GET MORE JEALOUS THAN MEN.- Eklavu. Anuvah! Men and women get equally jealous. Pareho lang noh at walang MAS! Pero more on biological grounds ang pagseselos ng lalaki, dahil kung halimbawa kayo ay mag asawa siempre gusto ng lalaki makasiguro na anak niya yung lalabas sayo at hindi kay kumpare o kaya sa kapitbahay. Habang tayong mga babae naman, we get jealous of emotional territory, mas nag aalala tayo na maaagawan ng lalaki (as if 3 na lang ang natitirang lalaki sa mundo at ang isa dun ay hindi pa tiyak).

Continue reading

Baduy Pero Astig

Love month naaaaaa! Pakornihan na naman ng blog entries. Nanghalukay ako ng mga baduy pero astig na entry sa old Friendster ko at eto ang isa sa mga kaek-ekan na nakuha ko.

  • What a girl needs most is love. What a guy needs most is respect. The most important thing for a girl is her heart. For a guy its his ego.
  • Give your man his own time and space. Let him have his time for his friends, sports, family, self, and God. The relationship will grow old quickly if lagi kayong magkasama. Give him time to miss you and you’ll see how he will love you more. Wag ka panay text ng, “wer u na?”, ano u gawa? Aruuu! If the guy naman is obsessed and just wants to be with you all the time, tell him you can’t respect a “puppy” for long.

Continue reading

HE Says SHE Says

screenshot_87
This isn’t new anymore — the he says she says blah blah blah. Pero hanggang ngayon natutuwa pa rin ako pag may nababasa ako sa kaibahan ng pag iisip ng babae sa lalake.

Ang mga babae, pag pinilit talaga intindihin ng mga lalaki, malamang mabaliw si lalaki di katagalan. Pero paminsan-minsan dapat aminin rin ang mga lalaki na ang pagka-lukring sa pag iisip ng mga babaeng kagaya ko ang mas nagpapa-kyut sa amin. Bleh!

What she SAYs vs what she MEANS

SHE SAYS ……………………………………………………SHE MEANS

  • “Bahala ka na.” ……………………………… “Pagsisisihan mo ito.”
  • “Sure, go ahead.” …………………………… “I don’t want you to.”
  • “Hindi ako galit.” ……………………………..”Galit ako.”
  • I just want a stable future.” …………….”I want to be rich.”
  • “Hindi ka marunong makinig.” ………. “Sumunod ka sa gusto ko.”
  • “Mahal mo ba ako?” ………………………. “May ipapabili ako.”
  • “Gaano mo ako kamahal?” …………….. “May kasalanan ako sa ‘yo”
  • “Mataba ba ako?”………………………… .. “Sabihin mo ako ang pinaka magandang babae sa balat ng lupa.”
  • “I’ll be ready in 5 minutes.”……………. “I’ll be ready in 1 hour.”
  • “Nakikinig ka ba?” …………………………. “Sumunod ka na kasi sa gusto ko.”
  • “Masarap ba ang luto ko?” …………….. “Instant yan”
  • “Magsine tayo sa SM.” …………………… “Magsha-shopping ako.”
  • “Simple lang ang gusto ko sa buhay.”…. “Alahas, kotse, mansion sa Alabang.”

In answer to the question : “MAY GINAWA BA AKO?” from the boyfriend.

SHE SAYS …………………………………………. SHE MEANS

  • “Wala.”………………………………………………… “Marami”
  • “Ayokong pag-usapan.”……………………….. “Bumubuwelo pa ako.”
  • “Wala talaga.” ……………………………………… “Hayup ka!”
  • “Wala. Talagang talaga.” ……………………… “Gusto ko na mag-break.”

What he SAYs vs what he MEANS

HE SAYS …………………………………………. HE MEANS

  • “Gutom ako.” ………………………………………. “Gutom ako.”
  • “Inaantok ako.” …………………………………… “Inaantok ako.”
  • “Pagod ako.” ……………………………………….. “Pagod ako.”
  • “Gusto mo kumain?”……………………………. “Gusto ko kumain.”
  • “Talagang gusto mo ang sineng ito.”…….. “Ang corny.”
  • “What’s wrong?” …………………………………. “Hay naku, eto na naman tayo.”
  • “OK naman haircut mo.” ………………………”Ngiiii!”
  • “May nasabi ba ako?”………………………….. “Tama na nga yan.”
  • “Mag usap tayo.” ………………………………… “Makinig ka. Magasalita ako.”

WHILE SHOPPING

  • “Hindi bagay sa ‘yo.” …………………………….”Masyadong mahal.”
  • “Maganda ‘yan” ………………………………….. “Mura.”
  • “Bagay na bagay sa ‘yo. Bilhin mo.” ………”Gusto ko na UMUWI.”

Kaya cardinal rule number 1 sa akin – huwag magpasama sa bf o lalaki pagdating sa pagsa-shopping. Last December lang, kasama ko bagets kong anak na lalaki sa shopping mall. Josko, eto ang isa sa mga hirit nya sa pagsama sa amin ni Keziah.

Kevin: ” ‘ma, baka naman pwede dalian nyo ang pagdesisyon sa pamimili. Kakapagod eh, palipat-lipat kayo, ang tagal nyo makabili.”
Mamaru: “hmp! (pahiya)”

 

Gay Ka Na Ba?

Tips sa mga girls kung papaano palalakasin o pai-igtingin ang inyong Gay-dar sa mga hombres:

guy-in-thongl.jpg

  • Mas maraming siyang shoepatos kesa sa ‘yo.
  • Perfectly coordinated kung manamit. Terno pati underwear.
  • Madalas pumuna o magkomento tungkol sa mga damit o sa fashion.
  • Madalas naka body fit o baby tees pero hindi naman sya rock star. Continue reading

For Women Only

Naka-kwentuhan ko noong isang hapon ang isang college friend na matagal ng bank teller sa BPI. Maganda ‘yong kaibigan ko na itatago natin sa pangalan na Alana.

Alana, kasi palagay ko eh alana na syang pag asa na makapag asawa pa. Palagay ko pinagsarhan na ng matris ‘yong friend ko na yun at hindi rin nya kilala kung sino ang mga ‘to – obstetricians/gynecologists. Tsk tsk!… tumatandang dalaga ang loka eh gandang-babae pa naman,

Continue reading