Mga Manhid!

Habang nagluluksa ang buong Hongkong at Pilipinas dahil sa nakakalungkot na pangyayari noong isang gabi, eto naman ang ginawa ng ibang kapulisan at kababayan natin. Napaka-manhid ng mga taong ‘to!

@#$%^&&*!!!

Paano nyo nagawang ngumiti habang nagpapa-piktyur sa isang lugar na namatayan ng 9 katao! Hindi man lang ba kayo kinilabutan? Walang masama ang kumuha ng litrato, pero yung mag-pose pa kayo dun sa crime scene (at naka NGITI pa ha) – kawalan naman yun ng puso,  at respeto sa mga namatayan! At ipo-post pa sa Facebook account nyo?! Napaka-insensitibo nyo naman!

Hindi ko tuloy masisisi ang mga Chinese/HK nationals na kamuhian tayo, dahil na rin sa ibang kababayan natin na hindi man lang marunong mag isip!

Syet! Nahahayblad ako! Indayyyyy, penge nga ng tubigggggg!

5  2 31 4

Nakakahiya Kayo!

Hello Philippines! Hello World!

Waaaa! Napuyat ang beautyness ko sa kapapanood ng hostage crisis kagabi. Well, kalunos-lunos naman po talaga ang nangyari. Kahit nakahiga na ako hindi pa rin  nawala ang pangingilabot ng bodylicious ko sa mga napanood ko.

NAKAKAHIYA! NAKAKAHIYA! NAKAKAHIYA! — Yan ang masasabi ko kung tatanungin ako tungkol sa pag handle at judgment call ng mga awtoridad sa hostage-taking na yun kagabi. Talaga naman nakakahiya ang kapalpakan nila!

Umaga pa lang kahapon, nasilip ko na ang balita na yun sa TV… isip ko pa nga, ”ay ang boring!”.  May pasulat-sulat pa ng “lovenotes “ (demand) at may padikit-dikit pa sa windshield nung bus ng mga “lovenotes”. Nagpa-deliver at nagkainan pa ng Jollibee ang mga hostages sa loob ng bus, nagbigay pa ng  refill ng gasolina , etc. etc.

Akala ko nga, matatapos din yun ng mapayapa kasi nagre-release naman ng mga hostages kahit paisa-isa. Kumabaga sa pelikula, masyadong dragging ang mga eksena.

Unexpectedly, uy! may climax pala!  At syet,  kahindik-hindik pa ang pagtatapos!

Pero teka, wag na tayo mag anu-ano pa, umpisahan muna natin o tumbukin na natin – ano ba talaga ang problema ni Capt. Rolando Mendoza at nagawa nya ang pangho-hostage? Ano ba ang tanging hinihiling nya?

Sus, mariano garapon! Ang tanging hiling lang pala – IBALIK SYA TRABAHO!

Pucha! Yun lang naman pala! Ano ba ang mahirap dun? Kingina! Kung ako negotiator nun (naks!) bukod sa ipapangako ko  sa hostage-taker  ang katawan ko na  ibabalik ko agad sya sa trabaho, eh baka pangakuan ko pa na dadagdagan ko sya ng dalawa o tatlong trabaho pa! Hehe!  I swear, matutupad ang hiling nya basta itigil lang nya ang kaungasan na pinag-gagawa nya. O di ba, kesa naman malagay sa panganib ang buhay ng mahigit sampu na mga hostages! Mga porener at turista  pa naman!

Napaka-sisiw ng hinihiling ng  “hostager” (may term ba na hostager? nyahaha!) – ang pakinggan lang naman sya hinaing nya at ibalik sa serbisyo dahil sa hindi DAW makatarungan na pagka-sisante nya sa serbisyo. Pero wag ka, inabot maghapon ang mga lintek na awtoridad para desisyunan ang isang napakagaan na hiling!

Kaya, NAKAKAHIYAAAAAAA! Kung anu anong ek-ek pa ang ginawa ng mga pulis-patola maynila. Inaresto pa yung kapatid kesyo ganito ganun. Ayaaaaan! Napanood ng pobre at desperadong hostage taker! So ano ang ending at napala ng Pilipinas?

KAHIHIYAN!

P.S.

Kasama sa mga sinisisi ko ay ang mga – MEDIA!