Recipe: Microwave Choco Cup Cake

Masarap na mahirap ang maging babae. Sa loob ng isang buwan, may mga sunod-sunod na araw na ang init ng ulo ko sa hindi maipaliwanag na kadahilanan.

Guys, wag na ipagtaka kung minsan ay parang si Corazon (Ang Unang Aswang) ang peg naming mga babae. Kahit mababait kami, may pagkakataon talaga na kusang lumalabas ang mga pangil namin at biglang nagiging aswang. Hehe! Ganun lang talaga ang mga tunay na babae, BITCHESA minsan ang pag-uugali. Kunsabagay, diyan naman kasi kami “SUMASARAP”, sa pagiging unpredictable namin, di ba? (Ang hindi mag-agree, tutubuan ng pigsa sa dila. Pramis.)

Hindi lang yan. May times din na kung makapag-crave kami ng pagkain, susme, talo pa ang babaeng nagbubuntis. (*sume-segway na ang Mamaru)

Noon isang araw lang, chura lang ng naglilihi. Naglaway ako ng todo at gusto kong lumafang ng chocolate cake. And since wala naman akong mapaglambingan at di naman afford ng lola nyo ang magpabili ng kahit half choco roll lang sa Red Ribbon, ginawan ko na lang ng paraan ang paglalaway ko.

Salamat sa microwave oven namin. Eto, Microwave Choco Cup Cake ang naging sagot sa nag i-inarteng pakiramdam ko.

solo cupcake

Ingredients: (makes 1 Cup Cake)

  • 3 Tbsp All-Purpose Flour
  • 1/2 Tsp Vanilla Extract
  • 1/4 Tsp Cinnamon powder (Optional)
  • 1/4 Tsp Baking Powder
  • 2 Tbsp Sugar
  • 2 Tbsp Ordinary Cocoa Powder
  • 1 Egg
  • 2 Tablespoons Oil
  • 2 Tablespoons Milk

Preparation

  1. Combine and whisk all ingredients together in a bowl. Pour content in a coffee mug or cup.
  2. Cook for about 2.5 – 3 minutes on full power in microwave.
  3. Dust confectioner sugar to serve.

microwave cupcake

microwave cupcake

microwave cupcake

 

Happy Friday everyone! GIN-numan na naman! 😛

 

 

oOo

“Hindi lahat ng babae ay marunong UMINTINDI, kaya yun ang dapat INTINDIHIN ng mga lalaki.”