Hahaha!

‘La lang, napatawa lang talaga ako ng main sponsor ko ng mga SMS jokes ko dito sa Maruism na si Mike.

Eh kasi babati din lang ng Happy Birthday ang loko ay sinamahan pa ng request na para bang mapapasubo yata ako.Lol!

frommike

Hindi ko akalain na curious si Mike kung may birthday greetings din si Kups sa akin. Hahaha! Heniways, sige isi-share ko.

Pero magpapakatotoo muna ako ha?

Kasalukuyang hindi kami in speaking term ni Kups. Gaya din ng ibang couple na nasa relasyon ay hindi kami exempted ni Kups sa mga pagsubok. Nagiging sunod-sunod ang problema namin lately.

Continue reading

Dukot

Nawala ang selpon ko paglabas namin ni Keziah at Tweetums ng SM Cinema nung Sunday. Aktwali, hindi ako sigurado kung paano yun nawala. Ang duda ko, baka nalaglag sya na hindi ko namalayan o baka nadukot sya sa bulsa ko ng hindi ko rin namalayan dahil tatanga-tanga ako.

Pero sana nga nahulog na lang ang dahilan ng pagkawala nya. Dahil nakakapagtampo naman  kung nadukot yun. Mantakin mo, panu di ako magtatampo eh sa may iba pa naman na pwedeng dukutin sa akin, bakit selpon ko pa? I mean, sana dinukot na lang yung…yung…yung… parte kung saan eh mag i-enjoy na rin ako habang dinudukotan. Hahaha! Dyoks lang! Henaku! I’m so landi!

Continue reading