Relief Goods Daw

Si Moo o si DEFPOTEC, ang blogger na naging pinaka-close na yata sa akin.

Medyo mahaba na rin ang pinagsamahan namin ni Moo online at kahit sa personal o real life. Nagsimula ang friendship namin noong 2007 pa.

Mabait kung sa mabait si Moo. Ma-chika, matalino, superb ang sense of humor at matulungin. Kaso nga lang pagdating sa akin, trip nun ang palaging pahihirapan muna ako bago tumulong.

Hmmmn…minsan may na-curious at nagtanong sa akin. “Gwapo ba si Moo?” Nyahaha! No comment ako! Op kors! Wag nya aasahan na sasabihin kong gwapo sya! No way! Neknek nya! 

Heniweys, pagdating sa pikunan, aaminin kong hindi ako umuubra kay Moo. The guy is such a PRICK! Hindi ko na yata mabilang kung ilang beses akong napaiyak sa sobrang pagkapikon noon. Ang konswelo ko lang kay Moo noon, pag alam nyang napaiyak na nya ako dahil sa matinding pagka-bwiset, kahit papano eh marunong din naman manuyo ang chekwa.

Madalang na lang ngayon kung magka-chat kami ni Moo. Kahit sa pagti-text, bihira na rin kami mag text maliban na lang kung may mga napapabalitang mga pangyayari sa mga lugar-lugar namin. Andun yung nagkukumustahan pa rin kami kahit papano. Halimbawa na lang noong nasalanta ang Iligan City ng bagyong Sendong. Isa si Moo sa mga iilan na nagtext at kinumusta kami. Kaso may kasamang pang-aasar ang text, as usual.

Pahirapan ng pagbili ng malinis na tubig dito noong na-Sendong kami. At impernes, nag-offer si Moo noon na punta lang daw kami sa sales office/warehouse ng Asia Brewery dito sa Iligan CIty at kumuha lang daw kami ng kahit ilang kahon ng mineral water at sya na ang bahala, sagot nya. Naks naman!

Ilang eroplano din na puno ng relief goods, karamihan ay bottled water ang pinadala at pinamigay ni ninong Lucio Tan last December sa Iligan at CDO.   Pero hindi rin kami nakakuha kasi wala kaming masakyan noon. Nga pala, pag-aari ni ninong Lucio Tan ang Asia Brewery at kamag anak ni Moo si ninong.

Speaking of relief goods, maniwala ba kayo na gitna ng kalamidad na dulot ni Sendong last December ay nakuha pa rin mang-goodtime ni Moo sa akin?

Nag-text ang chekwa. Kesyo may ipapadala pa syang dagdag na mga relief goods via Air21 at i-follow up ko daw.

Josko! Ako naman si uto-uto, nag-aksaya pa ng cellphone load, tinawagan ang Air21 at nag-follow up kahit sobrang BUSY talaga kami noon dahil sa mga evacuees dito sa bahay ko. Siempre, akala ko naman seryosohang “relief goods” na para sa pangkalahatan kasi may kalamidad nga eh.

Well, dumating nga ang relief goods!

Eto sila…

DSC05905_2

Taenang chekwa na yun! Lakas talaga mang-goodtime! Tatlong pirasong relief goods nga ang ipinadala!

Isang pakete ng  tisyu paper

Isang maliit na lata ng Piknik

At isang bote, 8 oz. Absolute Distilled Water.

At nag-effort pang markahan muna ang mga goods bago ipadala!

Hays…basta makapang-asar lang talaga ang peg ni Moo.

DSC05906

“1. Water”

“2. Pwede panligo”

DSC05907

“3. Pandilig”

“4. Panghugas”

DSC05908

“5. Pang Luto”

“6. Merry Christmas”

DSC05909

“7. Bawal pikon”

“8. Ok?”

Tawanan dito sa bahay ng makita ang padala ni Moo!

Ngayon ko lang nai-blog ang tungkol dito kasi nang inaayos ko ang maliit kong pantry cabinet kanina, nakita ko ulit ang mga ‘to.

Natawa ako at naalala ko si Moo.

Ma-sentimyento din kasi akong hitad. Itinago ko talaga ang mga ‘to at hindi ko binubuksan hanggang ngayon. Parang naging souvenir tuloy ang dating ng mga relief goods ni Moo. 😛

 

 

oOo

MENOPAUSE!”Sabi ng Jejemon sa lolo at lola niya nung nag-mano siya.

Sunday’s Muni-Muni

Nami-miss ko na ang friendlalu kong si Moo aka DEFPOTEC.

Nami-miss din kaya ako ng chekwa na yun?Day dreaming Matagal ng nakatingga ang blog ni Moo. Bisi-bisihan na kasi sha sa shuta nya kaya di na makapag-blog. Maalala ko, mahilig mamigay ng regalo ‘tong si Moo noon. Abah siempre, galante sya sa mga special friends na kagaya ko lang. Naks! (Shhh! Ako lang ang maysabi na special ako.)

Kahit sa dati nyang gimik na Blogroll Award dun sa site nya, kung mapapansin nyo, ako lang ang binigyan nya ng special trophy (number 7) na ang design ay punong-puno ng aral, kapaki-pakinabang at malaki DAW ang maitutulong sa akin in case of emergency. Lol!

Heniweys, isa sa mga pinakagusto kong bigay sa akin noon ni Moo as token ng friendship namin ay ang 5 books of Francis J. Kong. Personal nyang inabot sa akin ‘to. (Apat lang na libro ang nasa picture kasi yung isa ay hindi pa isinasauli ng niece kong si Tweetums.)

Francis J. Kong Books2

Mula ng mabasa ko ang mga books na ‘to… naging tagahanga na ako ni Francis Kong. Kaya naman kahit dun sa blog ni Mr. Kong ay naka-subscribe din ako. Ang sarap kasi basahin ng books at ng inspirational blog nya. Gusto ko sya kasi magaan basahin sa mata (natural, mata! nagbabasa ba ang ilong?) ang style ng pagsulat nya.

Continue reading

DVD, FD, Tea

Dahil bakasyon na, legal ang magpakatamad ngayon. Dedma na muna tayo sa mga suliranin sa buhay… at kung ano-anong kaguluhan sa mundo. Pa bondying-bondying na lang muna dapat tayo sa buhay.

Kami dito sa bahay, halos araw-araw kaming nanonood ng DVD ngayon dahil mahigit 100 pcs. of DVD ang pinamana sa akin ng pogi kong friendlalu na si Moo. Hanep! Ang gaganda pa naman. Pirated man sya, keber! Magagandang kopya naman lahat at ang mga lyrics subtitles nya ay tama naman dun sa sinasabi nung nagsasalita.

Nakakawindang kasi yung ibang pirated dvds, imbes na maintindihan ko yung pinapanood ko at i-enjoy yung pelikula…sumasakit ulo ko kasi iba ang nakasulat na subtitles dun sa sinasabi. Nakngpekpek!

Continue reading

Rx: Laughter-10 Minutes A Day

Never ko talaga ikakahiya na mababaw lang ang kaligayahan ko. Kasi naman may mga kilala akong gumagastos pa talaga ng pera para lang matawa , maaliw o maging masaya.

Kaya naiisip ko na kaya mabili ang mga joke books, patok ang mga stand up comedy bars, at dinudumog ang mga palabas na comedy films sa mga sinehan kahit saksakan ng baduy ay dahil gusto talaga matawa ng mga tao.

Buti na lang ako eh madali akong ma-amuse sa mga simpleng bagay lang. Madali lang patawanin. Babaw nga eh. Ewan ko ba, andun tuloy na parang nagiging ugali ko na matagal sumeryoso at mas madali kong nalalagyan agad ng kalokohan ang mga bagay-bagay.

Continue reading