Tag Archive for mouse

Bumigay Na

DSCF4209

Bumigay na rin ang buhay ng pang nth mouse na gamit ko kanina lang. Hindi ko na yata mabilang kung ilang piraso na ng mouse ang dumaan sa buong buhay-internet ko.

Sinubukan kong sagipin ang mouse ko…binuksan at medyo binulatlat ang loob…pero alaws talaga. Hindi ko makumpuni. Kunsabagay, tsipipay lang naman ‘tong binibili ko. Anong mouse kaya bagay sa akin? Yung tipong aabutin naman sana ng isang taon.

Labs ko pa naman ‘tong gamit ko ngayon kasi maliit lang at swak na swak sa pouch ng netbook ko.

Oist! Anong brand ba ng mouse ang OKS na OKS, mga kabagang? Suggest naman.