Usap 011

It feels so great talking again to old chat room friend. A friend who really knew me and showed fondness, respect to Mamaru all through the years.

Here’s a friend who really takes his time, goes out of his way just to say: "HELLO" to me every now and then.

Isa ‘to sa iilan kong mga kaibigan na nabuo sa internet…kaibigan na ni minsan ay hindi nagtago sa likod ng internet o sinamantala ang makabagong teknolohiya para makapang-loko o mambastos sa kausap nilang babae gaya ng karamihan.

Bihira akong maka-feel ng tunay na sinseridad ng isang lalaki sa net, kaya naman ang taas din ng respeto ko sa friend kong ‘to. Walang yabang sa sarili at napakatotoo. Takbuhan at sumbungan ko ‘to NOON ng mga sama ng loob ko lalo na pagdating sa lablayp ko…pero noon yun. Noon yun pag tinatamad ako pumunta ng presinto para doon magreklamo. Tehehe!

To you, Milord (he calls me Milady)…sana hindi ka magbago at sana magtagal at humaba pa ang pagkakaibigan natin.

dslasher_battousai2004: what year na si kevin? at anong course?

M A R U: computer science
M A R U: 4th year irregular

dslasher_battousai2004: oh okay…
dslasher_battousai2004: lapit na pala gumarad… what are his plans?

M A R U: di ko pa alam
M A R U: basta wait  and see na lang kami pag nagtapos sya

dslasher_battousai2004: okay… sana everything will fall into plans for you.
dslasher_battousai2004: i cant make any promises as of yet, but kung ma irefer ako works for him, i will let you know, aight.

M A R U: sure
M A R U: gusto nga rin nya mag work agad
M A R U: pero tsaka na lang yun
M A R U: ayoko sya ma pressure

dslasher_battousai2004: well, it would be great kung makapagtrabaho nga siya agad. alam mo, which am sure you do. i am truly proud of you of how you took care of your family and your kids.

M A R U: di ko nga alam gagawin ko pag nagtapos na sila
M A R U: la na ako aasikasuhin
M A R U: hhahaha

dslasher_battousai2004: i have been a silent witness to your life. and am awed by your sense of purpose and commitment. alam mo, you are a rare example of how great mom and a person can be.

M A R U: sarap naman basahin nyan
M A R U: salamat po. eh masaya ako sa ginagawa ko. di naman ako nagkamali sa desisyon ko

dslasher_battousai2004: thats how great you are, you made the right decisions, despite being said otherwise.

M A R U: weeeee

dslasher_battousai2004: anong weeee?

M A R U: wala akong masabi eh

dslasher_battousai2004: ah okay…
dslasher_battousai2004: anyway… i just wanted you to know that.

M A R U: thank u, milord

dslasher_battousai2004: that your life is being appreciated by others.
dslasher_battousai2004: and that you are being appreciated for the greatness you have become.

M A R U: naman…parang ang bongga bongga naman ng pagkatao ko nyan. hahaha

dslasher_battousai2004: you are most welcome…
dslasher_battousai2004: i hope before we all wilt and be dust, i get to meet you and your family…and be honored by their presence.

M A R U: nyahahhaha malay mo

dslasher_battousai2004: yeah… malay natin.

Pagkatapos ng chat namin kanina …may isang bagay akong napag-muni-munihan. Malapit na nga pala magtapos si unico hijo ko sa kolehiyo, ga-graduate na rin sa high school si Doter at totoo yung sagot ko na: “di ko nga alam gagawin ko pag nagtapos na sila…la na ako aasikasuhin”.

Since birth ng mga anakis ko, nakatuon na sa kanila ang mga ginagawa ko araw-araw. Iniwan ko ang trabaho ko noon sa abroad para makasama, maalagaan at matutukan sila. Pag nagtapos na sila pareho ng pag-aaral…ano na ang gagawin ko? Re-retire na rin ba ako bilang julalay ng mga anakis ko?

Paano na yung nakasanayan kong paggising sa umaga para ipaghanda sila ng almusal? Ibig ba sabihin nun eh mawawalan na rin ako ng problema gaya na lang ng  kung saan ko kukunin ang perang pambaon nila sa school araw-araw at pambayad sa tuition? Waaaah! Hindi ko yata kaya yun – ang mawalan ng problema! Haha!

 

oOo

"Masarap din pala ‘yung pakiramdam na importante ka." – Jodi Sta Maria, 100 Days To Heaven (2011)

Esep-Esep 7

screenshot_73

  • Hatinggabi na. (11:55pm  na) Parang nangangati na ang katawan ko. Pakiramdam ko eh mahahati na sya. Nararamdaman ko na rin ang paglabas ng mga pangil ko. Ayan naaaa…ayan naaa…ramdam kong humahaba na rin ang buntot ko! (sa harapan). Lol!
  • Syet! Hindi makatulog si Mamaru! Kahit anong “close your eyes” ko ay hindi ako makatulog. Ewan ko lang kung hindi napapagod yung taong nasa isip ko kasi kanina pa sya tumatakbo sa isip ko. Choos! Ang keso naman! Hanunaba ‘tong nangyayari suckin? Pinaparusahan yata ako talaga!
  • Rereglahin na ba ako? Kasi sobrang emotera na naman aketch ngayon. With matching todo-crayola pa ako kanina eh wala naman dahilan. Sa totoo lang, nao-OA-han na rin ako sa sarili ko. Hehe! Ewan ko ba, sobrang hirap talaga maging babae. Heniways, OK na rin at naging babae ako dahil kung naging lalaki ako…tiyak mauuwi din ako sa pagiging bading! Feel ko talaga na magiging bading ako. Ibig sabihin, lalaki pa rin ang pagnanasaan ko. Lalaki pa rin ang magpapasakit ng ulo ko. Hays…ganun din!
  • Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang tanong minsan ng ka-FB ko. Ano daw pipiliin ko…maging mabait na tao o maging mabuting tao?
  • Sa edad kong ‘to masasabi kong kilala ko na sarili ko. Hindi naman sa pagbubuhat ng bangko, alam ko mabait akong tao. Pero sa totoo lang, mas gugustuhin ko siguro ang maging mabuting tao kesa maging mabait. Fact about me, my kabaitan usually doesn’t work to my advantage. Madalas nadedehado ako sa pagiging mabait ko.
  • Ano ba kaibahan ng mabait sa mabuting tao? Ang eksampol na binigay nung kausap ko sa FB ay: Halimbawa daw sa opis, may katiwalian o mali ang inuutos sa yo ng Boss mo, pero dahil sa kabaitan mo…susundin mo si Bossing mo. Yun ang mabait! Ang mabuting tao naman daw, pag alam nyang mali ang pinapagawa sa kanya, at dahil sa mabuti syang tao…hindi nya gagawin o susundin yun. Yun daw ang kaibahan nun!
  • Hmmmn…tama ba yung sampol ng pagkukumpara? Napapaisip talaga ako. Kung ganun, ilang beses na ba akong naging mabuting tao? Dapat bang kalimutan ko na ang pagiging mabait?
  • Tse! Sakit sa ulo. Makatulog na nga!